Chapter 28

3 0 0
                                    

KEN'S POV
*at the mall

Hindi ko alam kung bakit para akong bata na nagrerequest kay Cassie, siguro nakita ko lang ang kaibahan ng relasyon namin ni Kim sa iba... Kahit yung pekeng relasyon ko kay Cassie, ibang iba.

Masaya naman ako nung kami ni Kim,masayang masaya kasi naging akin ang pinakamamahal ko.Pero bakit habang tumatagal, kahit ayaw ko ,nakikita ko ang pagkakaiba nila ni Cassie at ang pagkakaiba ng relasyon ko ngayon sa dati. Bakit ganito yung nararamdaman ko, bakit ako nalilito at naguguluhan. Sa tuwing nakikita ko si Kim, namimiss ko siya. Gusto ko maging akin siya ,gusto ko maging kami ulit. Gusto ko maibalik yung dati kaya nga ginagawa ko lahat ng ito para sa kanya..

Nagseselos ako at nasasaktan sa tuwing nakikita ko sila ni Brix na magkasama at sweet. Kasi dapat ako ang kasama niya dapat ako.Pero anong magagawa ko ngayon, wala kaya kay Cassie lang ako kumakapit. Si Cassie lang ang pagaasa ko na baka ang impossible ay maging possible. Hindi ko nga alam kung saan at paano nagsimula ang problema namin ni Kim.

Pero bakit pag si Cassie ang kasama ko, masaya ako, parang okay ang lahat. Hindi ko kailangan ng kung ano-ano kasi tanggap niya ko kung ano ako.Parang lahat ang saya lang walang problema , walang conflict.Bakit nagseselos din ako sa tuwing may ibang nagpapasaya sa kanya, kahit simpleng magkausap lang, nagseselos ako. Nasanay nga lang ba ako na siya ang kasama ko o baka naman nagkakagusto na ko. Ayoko..Ayoko ng ganitong pakiramdam.

Pero bakit kahit anong pigil ko , binibigyan ako ng rason ni Cassie na magkagusto sa kanya . Umuwi kami ng maaga dahil biglang sumakit ang ulo ko. Hinatid ko muna si Cassie dahil ayokong magtaxi siya.Kahit alam kong hindi totoo ang lahat samin,tinuring ko na siya bilang isa sa mga importante sa buhay ko.

"Halika,tatanggalin natin yang sakit ng ulo mo", hila sakin ni Cassie kahit hindi ko alam kung paano.Umupo siya sa sofa habang nakatingin sakin "Halika ayaw mo bang matanggal yang sakit ng ulo mo?",dagdag pa niya. Gusto niyang humiga ako .Hinilot niya yung ulo habang nakangiting tumingin sakin.

"Siguro,maghapon kang nakasimangot, ano bang nangyari, dapat kasi lagi kang relax lang sige ka mababawasan ang kapogian mo",.Alam na alam talaga ni Cassie kung paano ako patatawanin. "Im sure nawala agad ang sakit ng ulo mo"..

"paano mo nalaman?",
"kasi ang ganda ng view diba",
"ha?"
"Ang ganda ng view, ang ganda ko. Kanina mo pa ko tinitigan eh..". Bigla akong natawa sa sinabi niya. Nabawasan tuloy yung sakit ng ulo ko.Having a girl who actually wants to take away your stress rather than add to it,is the best feeling.Salamat talaga kay Cassie..
"Ken, possible bang magkagusto ka sakin?",nagulat akong tanong niya habang nilalaro yung tengga ko..Hidni ko alam kung siryoso ba siya o nagbibiro lang..,"uy sumagot ka kaya, grabe ka ha",dagdag pa niya.Natawa tuloy ako..lalo akong naguluhan kung nagbibiro nga lang ba siya or seryoso...

Tumingin ako at ngumiti sa kanya "kahit naman sino magkakagusto sayo lalo na pagnakita nila yung kabaliwan mo, pagiging topakin mo at higit sa lahat yung pagiging supportive mo.".Siryoso ako ng sabihin ko sa kanya...Pero sumimangot siya...
"Hindi ba dahil maganda ako, hindi ka siguro nagagandahan sakin", natawa ako sa himutok niya.,Hindi ba daw dahil maganda siya..Magsisinungaling ako kung hindi ang sasabihin ko...Kung ikukumpara mo nga si Cassie sa iba lalo na sa mga type ko, hindi mo siya mapapansin.Pero hindi ko maexplain bakit ibang ganda ang nakikita ko sa kanya.,Hindi ko lang siguro makita yung ganda niya dati dahil si Kim lang ang maganda sa paningin ko, pero narealize ko na maipapantay kay Kim ang ganda ni Cassie..gandang hanaphanapin mo..gandang mamimiss mo at gandang pagseselosan ng iba.,

"Nakakainis ka Ken.,talagang hindi ka sumagot nung tinanong kong kung maganda ba ko o hindi", naiinis na sabi niya.Lalo siyang gumagansa kapang naiinis..Hindi na niya kailangan pa ng makeup or kahit anong..simpleng siya lang maganda na..

"Nagalet ka na agad diyan, maganda ka nga bakit ba tingin mo sa sarili mo na hindi ka maganda",natanong ko sa kanya..

"Kasi yung gusto ko, malabong magkagusto sakin..Nakakainis kasi kayong mga lalake, bakit ba ang high ng standard nyo sa babae.Dapat ba lagi ay maganda,,yung iba alng naman maganda dahil my makeup,dapat tinitignan nyo yung natural na ganda..,hindi lang sexy dapat kinikilala nyo muna,hindi yung makakita lang ng sexy at maganda bibigay na kayo...",inis na inis na sabi niya,Hindi ko alam kung saan nanggaling ang inis niya pero natutuwa ako sa mga sinasabi niya.
"Ganun lang siguro kami, kayo bang mga lalake hindi nyo ba gusto ng poging boyfriend,ganoon naman talaga physical muna diba bago personality..."sagot ko sa kanya.
"Ganyan naman kayo, paano naman yung hindi maganda sa unang tingin, tulad ko?", Natawa ako sa narinig ko sa kanya, "Bakit ka tumatawa", dagdag pa niya sabay kurot sa tengga ko,
"Maganda ka naman hindi lang pansinin"?pagbibiro ko.. Nakita kong nalungkot siya sa biro ko .."maganda ka,kaya tigilan mo na yang mga tanong mo".

Ngumiti siya "so maganda ako sa paningin mo,".
"Oo nga ", sabi ko sabay tawa.
"Ewan ko sayo Ken,pasikat ka ,nakakainis,Parang ang hirap sayong sabihing maganda ako ha!buti nga pinansin ka ng beauty ko kung hindi walang kang chance sakin". Hindi ko talaga alam kung bakit sa ganito napunta ang usapan namin.Iniinis ko siya kasi napakadali niyang maniwala at mapikon pero ang dali din namang mawala yung galit niya.

"Pwede bang magtanong ",ako naman ang nagtanong sa kanya,
"Ayoko".
"Magtatanung ako, tapos ang usapan..hindi ka pa ba nagkakaboyfriend, yung seryoso".Hindi ko alam bakit bigla ko siyang natanong,Ang daya naman kasi ni Cassie, ang dami niyang alam sakin pero ako kaunti lang ang alam ko sa kanya.Kung hindi ko siya kilala ,iisipin ko na stalker ko siya dahil ang dami niyang alam sakin.
"Nakakahiya man sabihin pero wala nga,hindi naman ako tulad ni Kim na famous.,maganda lang ako uulitin ko maganda lang ako",
"Oo na maganda kana, kaya nga parang nahuhulog na ko sayo",Nabigla ako sa nasabi ko,hindi ko alam kung bakit yun ang nasabi at lumabas sa bibig ko.Hindi ko alam kung naguguluhan lang ba ako o ayaw ko lang tanggapin na unti-unti na nga kong nahuhulog kay Cassie. Sino bang hindi ma dedevelop, araw-araw kaming magkasama at ginagawa namin yung mga ginagawa ng magkarelasyon. Minsan nga nalilito ako kungyung mga ginagawa ko sa kanya ay part pa ng plano anmin o ako na mismo ang may gustong gawin yun,
"Nakakainis ka,,paasa ka Ken..Alam ko namang si Kim lang ang mahal mo".,,
"Bakit hindi ba tayo parehas ng nararamdaman?
"Ewan ko sayo", tumayo siya at bigla bigla akong pinauwi..."uwi na gabi na ..antok na ko,,bukas nalang.,Goodnight.,,"

*days & week passed

Ring...ring...ring....
Magising ako sa isang tawag..Tinignan ko muna yung relo ko bago ko sinagot. 1:30 na sino pa ang tatawag ng ganitong oras...Si Cassie naka 27 missed calls na..Agad ko siyang tinawagan para amalamn kung anong nangyayari sa kanya,

"Ken",mula sa boses niya alam kong umiiyak siya...
"Asan ka pupuntahan kita",
"Andito sa labas ng condo mo",pagkarinig ko agad akong tumakbo papaunta
"Anong nangyari?",
"I just need a hug Ken ",sabi niya sakin sabay yakap..,Ramdam ko ang patuloy na pagiyak ni Cassie ,hindi ko alam kung bakit umiiyak siya pero ng makita ko siya nakatayo sa pintuhan,nsaktan ako ng makita ko siyang umiiyak.Hindi padin tumitigil si Cassie sa pagiyak,hindi ko siya tinanong hinayaan kong iiyak niya lahat...Yakap lang ngayon ang maibibigay ko sa kanya...

Hinawakan ko siya at tinitigan "tahan na Cassie..andito na ko ",sabi ko s akanya habang pinupunasan yung mga luha niya pero ayaw padin niyang tumigil.Naiinis ako sa sarili ko dahil wala akong magawa para maalis yung sakit na nararamdaman niya..Niyakap ko ulit siya hanggang mahimasmasan siya.

Please, Be Mine.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon