C
cha•ka pnr: 1. hindi maganda; masama ang itsura 2. Hindi kaakit-akit o kalugod-lugod, hal. Ang chaka ng pagkakagawa ng proyekto ko.
cha•rot png: 1. anumang sinasabi o ginagawa upang magpatawa 2. Bagay na ginagawa o sinasabi upang manukso, hal. Boyfriend ko na ang crush ko, charot lang.
chi•bog png: anumang mahalagang substance na kinakain o iniinom upang magbigay ng lakas at sustansya sa katawan, hal. Ayos! Dadating na naman si Ate, siguradong marami na namang chibog.
chicks png: tumutukoy sa sex na may kakayahang magbuntis at manganak, babae, hal. Maraming chicks ngayon sa bayan, fiesta kasi.
D
dab•ya•na pnr: kabilugan ng katawan, mataba, hal., hiyang ka sa bukid a, dabyana ka ngayon.
da•mo png: halaman na may dahong ginagamit sa sigarilyo at may epektong narkotiko, marihuwana hal.Nadaanan ko si Mang Selo na humihithit ng damo.
da•tung png: 1. salapi, sentimos 2.bayad sa trabaho; tubo sa pinuhunan. hal.Ang dami na naman ng kailangang bilhin,nauubusan na ako ng datung!.
di•na•da•ga pnd: 1. Nangangamba; nag-aalinlangan 2. Ninenerbyos; natatakot, hal. Dinadaga ako sa tuwing nakikita ko siya.
di•nu•gas pnd: kinuha ang bagay ng walang pahintulot, hal. Ang takaw talaga ng kapatid ko, dinugas na naman ang pagkaing tinago ko.
di•tey pnb: pook,dako,o panig na malapit na malapit sa nagsasalita. hal. Ditey ka na lamang umupo sa tabi ko.
E
e•mo pnr: nagpapakita ng labis na emosyon. hal. Gusto raw niyang mapag-isa, nag-eemo na naman ata.
F
fa•dir png: magulang na lalaki. hal. Si Fadir ang nagtutustos ng lahat ng pangangailangan ko sa pag-aaral.
fee•li•nge•ra pnr: mapapel sa mga bagay-bagay. hal. Feelingera ang taong iyon, gustong lagi siya ang napapansin sa lahat ng bagay.
fes png: harapan ng ulo mula noo hanggang baba hal. Anong sabon ang gamit mo sa fes mo?
BINABASA MO ANG
Diksyunaryo ng mga Salitang Balbal
Non-FictionIto ay isang diksyunaryo na nabuo mula sa pag-aaral/pananaliksik /tesis ng mga awtor. Binubuo ito ng mga salitang balbal, ang bahagi ng panalita na kinabibilangan ng mga ito, ang kahulugan at mga halimbawang pangungusap na ginagamitan nito. Umaasa a...