Diksyunaryo (A-B)

2.9K 10 0
                                    


A

ab•noy pnr : hindi normal; lihis sa karaniwan, hal.Ka-abnoy mo, puro ka na naman kalokohan.

a•kech pnl: panghalip panaong isahan, unang panauhan, nasa kasalukuyang palagyo at ginagamit ng tagapagsalita upang tukuyin ang kanyang sarili, hal. Akech na ang gagawa ng mga props para sa play natin.

a•mats png: pagkalulong sa alak, hal. Kanina pa siyang umiinom, kaya 'yan may amats na.

au•to png: kotse, sasakyan, hal. Ang gara ng auto mo ah, saan mo nabili?

B

B•House daglat( bi-haws): boarding house: paupahang bahay hal. Naku! Naiwan ko ang reg. form ko sa B.House.

ba•haus png : kubo, gusali o katulad na ginagamit na tirahan ng isa o ilang mag-anak, hal. Ate, pag-uwi mo ng bahaus pakisiliong ng mga sinampay.

bak•la png:1. Lalaking parang babae kumilos at magsalita 2. Lalaking nagkakagusto, umiibig at nakikipagtalik sa kapwa lalaki, hal. Ang panganay na anak ni Mang Lando ay isang bakla.

ba•ngag pnr: naiibang pakiramdam bunga ng narkotiko; hibang; lasing, hal. Bangag na naman ang isang to'pano magdamag na nag-iinom.

ban•sot pnr: kulang sa taas, hal.

ba•ri•kan png: pagtitipon para uminom ng alak, hal.Barikan na naman sa kapitbahay.

ba•ri•kin png: alak, hal. Uy Joross, birthday ko! Bumili ako ng maramong barikin.

ba•to pnr: 1. Pagiging matatag at matibay 2. Kasutilan, hal. Nanatili siyang bato sa gitna ng mga dumaang pagsubok sa kanyang buhay.

ben•tsing•ko png: bakas ng gumaling na sugat, paso at kauri nito, hal. Matapos ang aksidenteng kinasangkutan ni kuya, puro bentsingko siya sa kanyang braso at binti.

big•tu pnr: likido na sa di-dalisay na kalagayan nito ay bumubuo sa ulan, dagat, lawa, at ibang tubigan, at sa dalisay na kalagayan ay likidong walang kulay, walang lasa at amoy, hal. Maaga akong uuwi ngayon, mag-iigib pa ako ng bigtu.

bo•pols pnr: tanga, nmahina ang utak hal. Ang bopols ko talaga, mali ang naisagot ko sa pagsusulit.

bor•log pnd:pansamantalang pagtigil ng pandama; hindi gising, hal. Mamaya ka tumawag, boborlog lang ako.

bu•nga•nga png: bahagi ng mukha ng tao o hayop na pinapasukan ng pagkain hal. Wag ka munang magsalita puno nang pagkain iyang bunganga mo.

bu•nga•nge•ra png: babaeng mabunganga, mahilig magmura, hal. Hiniwalayan ni Mang Kano ang kanyangasawa dahil sa pagiging bungangera nito.

byo•ti•ful pnr: kaakit-akit na anyo, katangiang nakalulugod. hal. Si Ana ang pinaka byotiful sa aming magkakabarkada.

Diksyunaryo ng mga Salitang BalbalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon