T
ti•bo png: babae na umaastang lalaki hal.unti-unti nang tinatanggap ang mga tibo sa lipunan.
ti•say/ti•soy pnr: kulay na repleksyon ng lahat ng nakikitang sinag ng isang ispektrum; kulay ng gatas o yelo hal. Napakaganda ng kanyang anak dahil isa itong tisay.
tro•pa•pits png: 1.tao na tumutulong, tumatangkilik o nakikiisa sa damdamin ng isang tao 2. Tao na hindi kaaway hal. May outing kami ng aking tropapits sa mahl na araw.
tsi•ki•ting png: tao na nasa pagitan ng pagsilang at pagkatigulang hal.Nasisiyahan ako tuwing may makukulit na tsikiting sa aming bahay.
tsis•mis png: daldal, sitsit, bali-balita hal. Nakasisira ng pagsasamahan ang mga tsismis.
tsu•gi pnr: wala nang buhay, wala ng nararamdaman hal. Nakalulungkot isipin na tsugi na ang sikat na direktor na si Wenn Deramas.
TY daglat (ti-way) pagpapahayag ng pagtanaw sa magandang gawa at mapagbigay na kilos ng kapwa hal. TY sa regalo mong ito, talagang nagustuhan ko.
U
umepal pnd: nagbatid sa kinauukulan ng anumang gawa o pangyayari na hindi mabuti hal. Akala ko makakalusot na, umepal naman itong si Mario.
utol png: iba pang anak ng magulang 2. kasama sa kapisan o samahan hal. Nilibre ako ni utol ng meryenda kanina.
W
waley pnb: hindi makita o matagpuan 2. hindi hal. Waley pa rin ba order ko? Ang tagal naman.
Y
yosi png: hititin na yari sa ginayat na tabakong binilot sa manipis na uri ng papel hal. Pinagbabawal ang yosi sa lugar na ito.
yown pnb: hayun hal. Yown! Nakapasa ako.
yup png: tugon ng pagsang-ayon. hal. Yup pupunta na kami ng pamilya ko sa probinsya.
BINABASA MO ANG
Diksyunaryo ng mga Salitang Balbal
Non-FictionIto ay isang diksyunaryo na nabuo mula sa pag-aaral/pananaliksik /tesis ng mga awtor. Binubuo ito ng mga salitang balbal, ang bahagi ng panalita na kinabibilangan ng mga ito, ang kahulugan at mga halimbawang pangungusap na ginagamitan nito. Umaasa a...