Diksyunaryo (P-S)

1.7K 5 0
                                    


P

pak•ners png: 1. kapareha 2. maglalarong kapanig o kakampi 3. sa negosyo, kasosyo hal. Si Mika Reyes at Ara Galang ay pakners sa larong volleyball.

pa•pa•bol pnr: magandang lalaki, makisig hal.Si Daniel Padilla ay isang ganap na papabol.

pa•rak png: kasapi ng pulisya hal. Naglipana na naman ang checkpoint ng ga parak dahil sa darating na eleksyon.

pa•re png: salitang pamitagan sa lalaking hindi kakilala hal. Pare, pasuyo naman ng bayad.

pa•tok pnr: kasalukuyang moda, ukol sa bagay na nakahiligan ng mga tao sa isang panahon hal. Patok sa mga kababaihan ngayon ang hang-in na damit.

pa•ya•tot pnr: manipis ang pangangatawan hal.Mahilig naman akong kumain ngunit nananatili pa rin akong payatot.

Pi•noy png: mga Pilipino hal.Pinagmamalaki kong ako'y isang Pinoy.

pi•pol png: nilikha na naiiba sa ibang hayop dahil sa mataas na antas ng kaisipan at kakanyahang magsalita at makatayo sa pamamagitan ng dalawang paa hal.Ang daming pipol na pumunta sa kasal ng aking kapatid.

pu•mu•ga pnd: tumakas hal. Isang most wanted na preso ang napabalitang pumuga kagabi.

S

si•nech pnb: ginagamit na pananong sa pangalan ng tao hal. Sinech itong lalaking nakita kong kasama mo kagabi?

sints png: pahabang piraso ng balat o ibang materyal na itinatali ng paikot sa baywang o pahilis sa dibdib para pumigil sa damit hal. Ate, maganda ba ang sints na binili ko?

si•num•bi pnd: malakas na pagdapo ng kamao sa alinmang bahagi ng tao o bagay hal. Hindi na nakapagpigil si Ramon, sinumbi na niya ang lalaking umagaw sa kanyang nobya.

si•siw pnr: 1. Mabilis o magaang paggawa, pagtapos, o pagganap sa anuman 2. Kawalan ng hirap sa pagsasagawa hal.Sisiw lang kay Bianca ang pagsusulit nila.

s•low pnr: mahinang umintindi hal. Ayoko nang makipag-usap sayo, ang slow mo!.

swak pnr: tama; husto;eksakto hal. Swak lang ang pera ko para sa pamasahe ko.

syo•ta png: sinta; pinag-uukulan ng pag-ibig hal. Ihahatid ko muna ang aking syota bago ako umuwi.

Diksyunaryo ng mga Salitang BalbalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon