G
go•ra png : pagtungo sa isang dako o pook. hal. Gora na tayo sa plasa, nag-iintay na ang iba nating kabarkada.
gu•rang pnr: maedad, magulang na hal. Gurang na ang lolo ko.
H
ha•li•pa•rot pnr: mapanukso, mapang-akit; mapanghalina hal. Ang babaeng iyon ay isang haliparot.
hos•tes png: ang ikinabubuhay ay pakikipagtalik hal. Hindi lahat ng hostes ay masamang babae.
I
in•zan png: anak ng kapatid ng ina o ama hal .Malapit ako sa lahat ng aking mga inzan.
J
ja•porms png: 1.damit na suot-suot;kasuotan 2. paraan ng pananamit hal. Ayos ang japorms natin ngayon ah, saan mo yan nabili?
jum•ba•gan png: paglalaban; alitan hal. Nasaksihan ko ang jumbagan ng mga kabataan doon sa kanto.
K
ka•bit png: taong kinakasama bukod sa tunay na asawa hal. Sumama na si Rey sa kanyang kabit at iniwan ang kanyang pamilya.
ka•lo•ka•like pnr: katulad ang mukha o hitsura hal. Ang galing naman, kalokalike niya ang artistang si Kristine Reyes.
Ka•no png: taga-Amerika o Estados Unidos. hal. Maraming Kano ang nawiwiling manirahan sa Pilipinas.
ke•ri pnb: sukat ng sariling lakas ng katawan o ng pag-iisip hal. Keri mo bang umakyat sa bundok Maculot?
ku•man•der png: kabiyak o kaisang-dibdib hal. Uuwi na ako, baka magalit na naman si kumander.
L
la•gay png: suhol hal. Karamihan sa mga pulis ay tumatanggap ng lagay mula sa mga motorista na lumalabag sa batas trapiko.
lu•ma•fang pnd: paglunok o pagnguya sa pagkain para mapawi ang gutom hal. Doon kami sa may restaurant sa labas lumafang.
BINABASA MO ANG
Diksyunaryo ng mga Salitang Balbal
Non-FictionIto ay isang diksyunaryo na nabuo mula sa pag-aaral/pananaliksik /tesis ng mga awtor. Binubuo ito ng mga salitang balbal, ang bahagi ng panalita na kinabibilangan ng mga ito, ang kahulugan at mga halimbawang pangungusap na ginagamitan nito. Umaasa a...