After ko mag-breakfast ay pumunta na ako sa 2nd sub ko, habang naglalakad ako ay may naka-banggaan ako.
"Ano ba naman 'yan! Napaka-lampa mo naman!" Dinig kong pag-sigaw sa'kin ng isang babae na mataray ang tono ng boses.
Tumingin ako sakanya ng masama at nag-salita..
"Sinasadya ko ba?" Ani ko at tumingin sakanya. Wow, this girl has the nerves... And I like that.
"Ano?! Ang kapal mo naman pala! Hindi mo ba alam na ak--" tinigilan ko s'ya sa pagsasalita 'coz I spoke. Yeah, rude much?
"Oo na. Ang dami mong dakdak. Ikaw na yung mayaman! Sa dinami-dami ko nang nabasang wattpad, hindi na 'to bago sa'kin noh! Soooo melo-drama" Iritadong sabi ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad at binagga pa si ateng sa balikat.
Hays, ang drama na talaga ng mga tao ngayon. Naka-banggaan mo lang, lampa na agad? Hindi ba pwedeng hindi ka lang nakita kasi sobrang dark ng aura mo? Leshe!
Onting steps pa ay nakadating na ako sa room namin. Just to be sure, kinuha ko ang notebook ko at tinignan ang aking sched.
"Mrs. Juanita, Taxonomy" bulong ko sa sarili ko. I opened the door and nagsi-tinginan sakin ang mga estudyante.
'Wow, ganon na ba talaga ako ka-panget para pag-tinginan? How rude naman!'
'S'ya yung kaibigan ni Colleen di ba?'
'Tomboy ba s'ya?'
'No one would cut their hair short like that kung hindi sila bali noh?'
'Ang wierd nya. She gives me chills'
'Wow, college na yan? Hahaha!'Yan ang mga bulong ng mga bago kong classmates. Masyadong judgemental naman... and somehow, immature. Binalewala ko nalang sila and sat on my chair (ung malapit sa window at tapat sa aircon). May naka-upo sa tabi ko na girl na medyo pale yung skin.
"Hello?" Bati ko sakanya. Tumingin s'ya sa'kin at binati ako pabalik ng 'hi'.
"Anong name mo?" Tanong ko sakanya at nag-smile.
"Emarie. And yours?" She answered and also smiled at me.
"I'm Crism, nice to meet you"I said
*Ring!*
Nag-ring na yung bell and I quickly fixed my bag. Pumasok na ma'am at God! I did NOT like her already.
Nag-start na mag-check ng attendance si Ma'am and ako naman walang pake. Tumingin ako kay Emarie at napansin ko na nabo-bored s'ya.
Si Mrs. Juanita nga pala, ang pinaka-masaklap na teacher sa buong 2nd year ng college dito sa GPU. Others say na this will be her last year na magtuturo s'ya dito sa GPU. I actually feel relieved para sa mga upcoming 2nd year next year.
'Ms. Orenia' tawag ni Ma'am sa pangalan ko.
" Present Ma'am" ani ko at nag-raise ng kanan na kamay.
Again, nagsi-tinginan sa'kin ang mga classmates ko. I just ignored them and went on with my life.
<><><><><><><><><><><>
Natapos na ang subject ni Ma'am ay pinapunta kami sa hall ng principal namin.
Magkasama kami ni Emarie na pumunta sa hall. I gained some informations about her. So... I might as well ipakilala sya sa inyo.
Emarie Deliorra, 16 years old. Isang Otaku, proudly. Kaklase ko sa Taxonomy and Algebra. Exchange student s'ya from Japan at may business sila dito.
Sila ang may-ari ng 2 mall na malapit sa school namin. Ang saya n'ya kasama. As in.Andito na kami sa hall and umupo kami ni Emarie sa pinaka-harap, since malabo na rin kasi ang mata ng lola nyo.
"Good morning dear students. I called all of you here to announce the new president of our school's Student Council..." Sabi ni Mr. Principal na napatigil ng sandali.
"... May we call on Akiza Asahina" natigilan ako sa sinabi ng principal...
"WHAT?!" napasigaw ko ng malakas. Nagsitinginan sakin ang lahat ng nasa hall pati na rin yung principal pati yung Akiza. Naramdaman kong uminit ang aking mga pisngi dahil sa kahihiyan.
Tiningnan ko si Akiza at nakatingin din sya sakin. Nakuha pa nyang kumindat. Narinig kong pinagbubulungan sya ng mga babae na nasa likod ko.
'How handsome naman!'
'Crush ko na s'ya!'
'Ano ka? Akin sya noh!'
'So pa-epal naman tilong girl na nasa harap. Feeler!'
Tss... Bubulong nalang ang lakas pa.
Maayos naman na ang lahat ng nangyari after nun. 4 o'clock na at hinihintay ko si Colleen sa gate ng school namin.
Nang nakita ko na sya ay agad ko syang nilapitan.
"Ano? Tara na? O libre mo muna ako ice-cream?" Aya ko sakanya.
YOU ARE READING
Chat
RomanceCrism, an average girl studying at Golden Pavilion University. Or at least, she used to be... Ever since dumating ang nyang naging President ng Student Council/// sa oras na hindi nya inaasahan. More or else, that is NOT the main story. Crism, falli...