Chapter 12 2/2

4 0 0
                                    

Crism's POV

Hindi ako makatulog dahil sa mga sinabi ni Seth kanina. Gusto kong maniwala, kaso ayoko rin. Ang bawat salita na sinabi nya ang gumugulo at nagpapaganda ng araw ko. Naka-upo ako ngayon sa likod ng pintuan ng kwarto ko.I brought my knees up to my chest, hugged them and rested my head onto it. Naiiyak ako sa mga nangyari ngayon pero masaya rin.
Ipinangako ko sa sarili ko na hinding hindi ako mahuhulog sa lalaking heart throb at famous, ayoko na. Naninikip ang dibdib ko, kaya naman tumayo ako at nagmamadaling binuksan ang pinto ng kwarto ko. Habang tumatakbo ay mas lalo akong nahihirapang huminga, tumakbo ako pababa at pumunta sa guest's room. Pumasok nalang ako basta-basta, wala na akong pake kung may tao man dito.

Agad-agad kong kinuha ang nebulizer at lumabas na nang kwarto na yon. Umupo ako sa sofa at inayos na ito, pinuntahan ako ni ate Chi para makasiguradong tama ang mga pinag-gagawa ko.

Nang nai-set up na ay inilagay ko na ang mask sa mukha ko at huminga ng malalim. Mas lalo akong naiiyak, hanggang sa hindi ko na ito nakaya at tuluyan nang bumuhos ang mga luha ko.

Tinawag ni ate Chi ang iba pang maid at ipinaalam ang nagyayari sakin kila tita.
Pumunta rin sila sa guest's room.

Hindi na ako nakapagsalita dahil sa nangyayari sa'kin

Nang nakababa na sila tita at Akiza ay agad nila akong nilapitan at niyakap ako ni tita.

"A-Auntie, mahirap na ngang huminga o!" Sabi ko at napatawa nalang si tita. May lumabas sa guest's room. Si kuya...Seth.. Nung nakita nya ako ay lumapit agad sya at pinagtatanong ako ng kung anu-ano.

"Sure ka bang okay ka lang?" Tanong nito habang nakatitig sakin

"Hoy tigilan mo nga yang pagtitig sa pinsan ko, baka mamatay yan dahil sayo..." Sabi ni Akiza at huminto ng panandalian "... Mamatay sa pagmamahal mo" sabi nito at tumawa ng parang ewan. Nakita kong namula si kuya Seth. Binatukan naman ng malalas ni Tita si Akiza. Kahit na 55 na si tita, ang ganda parin n'ya, alam nyo yung feeling na akala mo si tita ang may ari ng fountain of youth? Haha.

Tang*na! Mamamatay nalang, nagjo-joke pa e noh? Haha

"Hotaru.." Tawag sakin ni tita.. Hindi ko alam kung bakit yun ang tinatawag sakin ni tita. Ang alam ko lang yun ang word for 'firefly' in japanese.
Tumingin ako kay tita at tinanggal ang mask ko

"I told your parents, and it looks like gusto nila. They like him for you" Non-sense na pinagsasabini tita

"Po? I'm sorry. Hindi ko maintindihan" sabi ko at napangiti naman si tita

"Seth" sabi lang ni tita.

"P-po?! Bat po ako?! Si Akiza nalang po!" Sabi ni Seth na tila namumula pa rin

"Ako? Okay. My pleasure." Sabi nito at napangisi.
"Ganito kasi 'yon, nagpaalam si Mr. Koutaro sa parents mo para ligawan ka. Since, matagal na rin syang kilala ng parents mo,but you have no idea on how long he's known your parents kaya naman kagabi sa party ay doon na sya nagkaroon ng lakas ng loob para magpaalam na ligawan ka. Is that clear? Oh... And also, pumayag sila kasi pak na pak para sa taste nila si Mr. Koutaro" sabi nito at inakbayan si kuya Seth.

Tumingin ako sa wallclock...
"2:55 na o! Matulog na kayo! Dito lang ako" ani ko

"Bakit ayaw mo sa room mo? Is there something wrong, Hotaru?" Tanong ni tita

"Wala naman po. Trip ko lang po talaga na dito matulog" sabi ko at nagsi-alisan na sila tita maliban kay kuya Seth.

"Bakit ayaw mo sa room mo?" Tanong nito with a cold tone

"Madilim. Takot ako." Sagot ko habang nililigpit ang nebulizer ko.

"Aircon ba dun?" Tanong ulit nito

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 10, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ChatWhere stories live. Discover now