*Crism's POV*
*Time Leap!*
Andito ako ngayon sa labas ng room nila Colleen, hindi pa sila nagdi-dismiss e.
Kanina pa ako nakatayo dito, 3:20 palang ata nakatayo na ako dito at naghihintay. At dahil sumasakit na ang legs ko, pumunta nalang muna ako sa pinaka-dulo ng hallway kasi may bench dun. Bago yun ay dumaan muna ako sa locker ko at kinuha yung box na gift daw ni Josh para sa mudra ko at tsaka yung damit. Then, bumalik ako sa bench na malapit kila Crism. Inililabas ko ang cellphone ko at tinext si Colleen.
'I know, dat hindi ko sya tinetext kasi may klase pa sya. Okay lang yan, si ma'am Fernandez naman yun e sobrang bait nyang teacher'
[Hoy! Colleen nakakapagod mag hintay ah!
Sent to: Colleen beybeh]
[Shh! Bakit ka kasi naghihintay kung alam mo namang hindi dadating? Jk. Haha. Wait lang kase
From:Colleen Beybeh]
[Okay, Fine! But you owe me!
To:Colleen beybeh]
Hindi na nag-reply si Colleen after nun at ako naman, hinintay talaga s'ya.
<><><><><><><><>
4:30 na nakalabas sila Colleen sa room nila. At I'm not really sure kung anyare na sakin habang hinihintay ko sya kase nakatulog ako.
Anyway, naglalakad kami papuntang Ice Cream House ngayon.
"Colleen, ano bang meron dun sa Vincent? Bakit tayo makikipagkita sakanya?" Tanong ko
"Shh! Quiet nalang. I'll explain it to you later" sagot nito
Andito na kami ni Colleen sa harap ng Ice Cream House, kaya naman pumasok na kami at kinuha namin ang bakanteng table na nakatapat sa aircon.
Tinignan ko ang wrist watch ko...
"5 o'clock sharp" bulong ko"Hmm?" Tanong ni Colleen
"Wala wala" sabi ko
<><><><><><>
Tumingin ako sa wrist watch ko...
6:00 pm..Letse! Dadating pa ba yon?! Hindi dapat pinghihintay ang mga babae!
"Leen, dadating pa ba yun?" Tanong ko at isinalampak ang mukha ko sa table.
"Oo naman yun pa. Think positive lang" ani nito. Napa-pout nalang ako.
Narinig kong tumunog ang pintuan at may tumapik sa balikat ko.
"O, bakit?" Tanong ko habang nakasalampak pa rin ang mukha ko sa table
"Andyan na sila ateng" sabi ni Colleen at agad naman akong umayos ng upo.
"Ha? Saan? Anong sila? Akala ko ba sya lang?" Sunod-sunod na tanong ko habang hinahanap hanap yung Vincent
"Chill down ateng. Malamang may kasama yun kasi ayaw nya ma-OP" sabi ni Colleen.
May lumapit samin na mga matatangkad na lalaki. Yung isa singkit, at yung isa naman... Ang gaganda ng mga mata-mahahaba at makapal ang pilik mata nya.
Hindi ko mapigilang tumingin sa mata n'ya..."Dark brown..." Yun ang bulong na lumabas sa labi ko kahit na hindi ko ito inaasahan.
"Ha?" Tanong ni Colleen
"Ah... E.. Wala" sabi ko. Inilabas ko ang cellphone ko at naglaro nalang ng CoC.
Lumipat ng upuan si Colleen, sa tabi ko. At yung dalawang lalaki naman ay nasa tapat namin. Naka-tapat sa'kin yung lalaki na may magagandang mata.
Tumingin ako kay Colleen at tumingin din s'ya sa'kin.
"Sino sakanila yung Vincent?" Diretsong tanong ko. Nag-facepalm naman si Colleen at tinapunan ako ng 'are you kidding me?' look.
"The guy sitting across you is Vincent. Yung kasama n'ya naman ay si Cj" pag-e-explain ni Colleen
"Ahh okay" matipid kong sagot.
Narinig kong mag-chuckle yung Vincent. Nakaroon ng long awkward silence after nun...
'This is so unbelievably boring!' Sigaw ko sa isip ko
"Ano? Hindi na ba tayo kakain? Tutunganga nalang ba tayo?" Wika ni Colleen at kinross ang arms nya.
"Hindi muna ako kakain" sabi ko
"Aww bakit naman?" Tanong nung Vincent
"Masakit ang throat ko" sabi ko ulit
"Crism, what a lame excuse" sabi ni Colleen at kinuha tas tumitingin sa menu. Binalewala ko nalang ang sinabi nya.
After nun ay um-oder na sila. Banana split yung kay Colleen at tag isang pint ng ice-cream naman sa mga kasama namin. Habang ako, nag-float lang.
Hays... Kainggit naman sila
While, everyone was peacefully eating, tumayo si kuyang singkit at nagsalita.
"Excuse me" sabi nito at pumunta sa rest room
Naiwan kaming tatlo duon sa table. Ang tahimik nila, grabe.
Onti pa ay naubos na ni Colleen yung banana split. After a minute or so, ay nag-usap na yung dalawa. Tahimik lang ako while naguusap sila.
Lumabas na sa CR yung kuyang singkit at pumunta na sa table namin.
"Bro, kailangan ko nang umuwi. Hinahanap na ako ni mom." Sabi nito
"Ahh. Ganun ba? Sige, go ahead. Ingat ha" sabi nung Vincent
"Okay. Guys una na ako ha. Bye" sabi nung singkit. Colleen and I waved him goodbye.
Then, nag-continue sila sa pag-uusap. Ako naman, isinaksak ko sa cp ko yung earphones ko at inilagay rin sa aking tenga.
Nagpa-tugtog ako ng mga Panic! At the Disco na kanta at tuluyan nang nag-solo.Habang nag-uusap sila ay narinig ko ang salitang PewDiePie, which made me interested. I mean, who doesn't know and like Pewds?
Enjoy ko na sana nang biglang tinanggal Colleen ang earphones ko at pinagtatanong ako ng kung anu-anong questions. Oo at Hindi langa ang mga sinasagot ko sakanya.
"Ganyan ba talaga sya katahimik?" Tanong nung Vincent kay Colleen
"Ha? Hindi ah! Ang daldal kaya nyan!" Sabi naman ni Colleen at pinisil ang pisngi ko
"A-aray!" Yun lang nasabi ko at binitawan na ni Colleen ang pisngi ko.
"Crism, punta tayo sa'min? Nood tayo Pewds?" Yaya ni Colleen
"Sige lang" ani ko.
Tumayo na kami sa aming inuupuan at pumunta na sa counter para magbayad. Then, umalis na kami. Walking distance lang naman ang dorm ni Colleen sa Ice Cream House kaya naglakad nalang kami papunta sakanila.
Ang tahimik lang namin habang nasa daan.
Nang nakarating kami doon ay inakbayan ako ni Colleen at kiniss ako sa cheek."Eww! Colleen! Gross!" Wika ko at inirapan sya
YOU ARE READING
Chat
RomanceCrism, an average girl studying at Golden Pavilion University. Or at least, she used to be... Ever since dumating ang nyang naging President ng Student Council/// sa oras na hindi nya inaasahan. More or else, that is NOT the main story. Crism, falli...