Andito kami ngayon nung Vincent sa living room nila Colleen. Si Colleen naman, umakyat muna sa room nya para ayusin daw yung mga naka-kalat.
Onti pa ay bumaba na si Colleen."Tara na guys. Inayos ko lang yung mga gamit ko" wika nito at pinasunod na kaming umakyat sa kwarto nya.
Pagdating namin dun ay bumungad samin ang malaking flat screen TV. Pinaupo kami ni Colleen sa bean bag nya at nanood na ng PewDiePie.
Shems! Halos lahat ata ng kaibigan ko mga rich kid! Ano ako? Spell napag-iwanan? C-R-I-S-M.
<><><><><><><><><>
Halos dalawang oras din kami nanood ng Pewds. Natuwa e. After nun ay pinababa na kami ni Crism sa kitchen nila.
"Kakain ba kayo dito?" ~Colleen
"Hindi na. Sa bahay nalang ako kakain, thanks nalang sa offer" sabi ko at ngumiti nalang.
Inaantok na ako! Baka mamaya makatulog ako sa FX at malagpasan ang kanto na dapat kong babaan! Damn, ayoko nang maulit yun!
"Ikaw, Vin? Dito ka kain?" Tanong ni Colleen dun sa Vincent
"Sige ba. Haha" sabi nito at sinabayan si Colleen kumain.
Pumunta ako sa sofa at naglaro ulit ng games sa cp ko. Naguusap yung dalawang nasa dining table. Ako naman, ayun nga-nga.
Kumuha ako ng isang throw pillow at niyakap ito tsaka ko ipinikit ang mga mata ko. Patulog na ako nang may naramdaman akong tumabi sakin, inimulat ko ang mga mata ko at nakita si Vincent nasa tabi ko at nanonood ng TV. Muli kong tinignan ang mga mata nya... Ang gaganda...
Napansin nya atang nakatingin ako sakanya kasi bigla nya akong nilingon. Agad akong umiwas at naramdaman kong uminit ang mga pisngi ko."Uyy!~ nagba-blush s'ya~" pang-aasar ni Colleen sakin
"H-ha? Hindi kaya!" Pagdi-deny ko. Tinitigan ako ni Vincent, dahilan para mas lalong uminit at mamula ang mga pisngi ko. Napatingin ako sa bag ko na nakalagay sa isang kahoy na upuan.
"C-Colleen, una na ako. Medyo late na rin kasi e. Uuwi pa ako kila mommy" ani ko at tumayo na sa aking inuupuan.
"Hatid na kita" sabi sakin ni Colleen
"Hanggang sa sakayan ng FX sa Centrix?" Sabi ko at napangisi
"Kapal. Hanggang sa Ice Cream House lang. Dun lang naman may sakayan e ng jeep papunta dun e" sabi ni Colleen at kinuha yung bag ko at binitbit ito.
"Geh geh. Thankie" sabi ko namam
"Vin, dito ka muna or sabay kana uwi? Hatid mo naman si Crism o. Baka mamatay pa to e" ~Colleen
"H-ha?! Kaya ko na!" Sabi ko at nag-pout kay Colleen
"Oo sabay na ako" sagot naman ni Vincent at kinuha na rin yung bag nya. Kinuha ko na rin yung box(yung galing kay Josh) at lumabas na.
"Anong laman nyan? Kanino galing?" Tanong ni Colleen
"Ha? Ah eto? Galing kay Joshua. Gift nya daw para kay mommy" sagot ko
"Bat parang close na close kayo nun? May something ba sainyo?" Tanong ni Colleen
I rolled my eyes and simply answered na "Walang namamagitan samin ni Josh. Simpleng mag- bestie lang kami".
" ahh okay"~Colleen
Hindi ko namalayan na andito na kami nila Colleen sa Ice Cream House.
"So dito na ako. Bye ha" sabi ko at kinuha na ang bag ko kay Colleen.
"Sige. Bye, ingat ka ha" sabi ni Colleen sakin
"Sige. Bye din kuya" sabi ko kay Vin at nagpaalam na rin ito sakin
Sumakay na ako ng jeep at nagbayad na.
Isinuot ko uli ang aking earphones at nag soundtrip uli.Nang nakarating na ang jeep sa tapat ng Centrix ay bumaba na ako at umakyat sa overpass.
Nakakatakot kasi medyo madilim, onting space lang ang nasasakupan ng ilaw at pundido pa ang iba dito.
I felt chills went up my back.
Kinuha ko ang maliit na flashlight na keychain sa bag ko at binuksan ito. Natatakot na talaga ako.
Binilisan ko maglakad hanggang sa makapunta ako sa dulo ng overpass at nagmamadaling bumaba ako.
Tumakbo ako papunta sa station ng mga FX. Shit! Ayoko maiwan! Ayoko maiwan ng FX!Nang nakarating na ako dun ay nakahinga ako ng maluwang kasi nakita ko ang isang FX na onti pa lang ang laman, tumakbo ako papunta doon.
"Kuya dadaan po ba 'to sa SM Marilao?" Tanong ko sa kuya na andun
"Ah, oo miss. Sakay na po" sagot nito
Sumakay na ako sa loob at naghintay ng sandali. Makaraan ang ilang minuto ay umandar na ang FX. Hindi ito gaanong puno, inisip ko nalang na baka hindi na nakapag-hintay si manong driver kaya lumarga na. Mga nasa 10 lang kaming laman ng FX, ako yung nasa pinakalikod.
Buong byahe ay nakatitig lang ako sa labas. Walang magawa sa buhay e. Ang boring kaya! Medyo mahaba-haba rin ang byahe.
Nang makarating na ako sa SM Marilao ay nag-tricycle naman ako papunta sa bahay ng tita ko, andun kasi ang buong family ko. May iportanteng sasabihin daw sila tita, more like celebration? Normally kasi, sila tita ang pumupunta sa bahay. Pag may importanteng gagawin lang or party, pumupunta kami sakanila.
Nang nakarating ako sa gate nila tita ay napansin ko na halos lahat ng ilaw nila ay nakabukas. Ang laki talaga ng bahay-este mansion nila. Mukhang may celebration nga... Pero para kanino? Ano yung sine-celebrate nila?
YOU ARE READING
Chat
RomanceCrism, an average girl studying at Golden Pavilion University. Or at least, she used to be... Ever since dumating ang nyang naging President ng Student Council/// sa oras na hindi nya inaasahan. More or else, that is NOT the main story. Crism, falli...