Chapter 5

1 0 0
                                    

Naglalakad ako ngayon papunta sa school. Nasa gate na ako nang biglang...

Shit! Shit! Shit! Lang talaga! Nakalimutan ko yung lab coat at P.E uniform ko sa ibabaw ng dresser ko!

Agad-agad kong kinuha yung phone ko sa bag ko at tinawagan si Josh.

Joshua's POV

Nagising ako sa tunog ng malakas na pagbagsak ng pintuan. Umalis na si Crism.

Argh... Hindi pa ako makagalaw ng maayos. Ang sakit pa ng ulo ko, pati ng katawan ko. Nasobrahan na talaga ako ng inom kagabi. Lalo na't mababa ang alcohol tolerance ko.

Iniupo ko ang sarili ko and nanonood ng TV. Nang biglang...

*Ring! Ring!*

Nag-ring yung phone ko. Agad kong kinuha ito sa bulsa ko. Si Crism pala.

"Hello"~ako

" Hello, Josh. Pwede padala nung lab coat ko tsaka PE uniform ko? Nasa itaas ng cabinet"~Crism

"Ano ba, Girl? Masakit pa yung ulo ko"~ako

"Please? Kailangan ko lang talaga" ~Crism

"Argh! Fine. Pasalamat ka mahal kita" sabi ko at pumunta na rin sa kwarto ni Crism

"Hello, Crism anong oras mo ba gagamitin? Ihahatid ko nalang, girl" ~ako

"Mga after lunch pa naman. Hatid mo nalang ha. Geh, bye. Labyuu mwah!"~Crism

"Oo na. Oo na. Echoss ka rin e noh?" ~ako

Binaba na ni Crism yung tawag. At nung nakita ko na yung pinapakuha ni Crism ay inilagay ko ito sa isang paper bag. Umalis na ako sa kwarto nya at nang pagbaba ko ay may napansin akong sulat sa table namin. Kinuha ko ito at binasa, assuming na galing ito kay Crism. As always naman, iniiwanan nya ako ng sulat. Grabe kase maka-effort si ateng. Hays!

To:Josh

Hoy! Joshua! Anyare sayo kagabi?! Bat ka lasing? May problem ba?

Anyway, baka late ako maka-uwi ngayon. May pupuntahan kami ni Colleen, uhm... Let's say, makikipagkita. May ipapabili ka ba? Text nalang. Nakakatamad mag sulat. Baka hindi rin kase ako umuwi dyan mamaya. Uuwi ako kila mudra e.

Geh na. Bye. Love you so much. Ingat ka. Tanga ka pa naman. Jokers. Haha

From: Crism liit

Nung mabasa ko ung sulat ay hindi ko mapigilang mapangisi. Ano ba naman yan? Hindi pa rin nagbabago ying sulat nung liit na yun. Pang-grade 1 pa rin yung sulat. Letche! Haha

*Crism's POV*

Tanghali na at andito ako ngayon sa gate, hinihintay ko si Josh. Wala naman kaming ginawa kanina sa mga previous subs ko.

Nakikita ko na yung ferari ni Josh. Oo, Ferari. Ano pa ba ang ine-expect nyo sa isang rich kid? Huminto ito sa harapan ko at ibinaba ni Josh yung window. Nakabihis pang lalaki sya- naka-3/4 sleeved shirt at ripped jeans.

Narinig kong nagsi-tilian ang mga babae sa likod ko.

'Hmph! Wala lang talaga kayong alam. Kapwa babae nyo yan, mga ugok!' Sigaw ko sa isip ko

Tinurn off ni Joshua yung engine at lumabas ng sasakyan nya na may bitbit na paper bag at isang box ng kung ano.

"Hi Crism" bati nito sakin

"Hello sis" sabi ko naman at ngumiti

"Eto na yung pinapadala mo o. Kaloka, ang traffic!" Sabi nito sabay flip ng imaginary long hair nya. Iniabot nya sakin yung paper bag pati na rin yung box.

"Thanks sa pagdala ng gamit ko sis ha. Wait, para saan tong box? Anong laman?" Tanong ko

"Ah, 'yan. Para kila tita yan. Gift ko sakanila. SAKANILA ha. Hindi sayo" sagot nito na tila nangiinis. Napa-pout nalang ako at binalewala ang sinabi nya

"Basta thanks ha." Sabi ko ulit

"Oo na." Sabi nya at hinug ako. Wala naman akong magawa kaya niyakap ko nalang din sya.

Bumitaw na sya sa pagkakayakap at tinignan ako.

"Ano ba naman yan ateng? Ang haggard mo na! Look at yourself!" Sabi nito.

"Okay lang yan" sabi ko naman

"Okay okay. Alis na ako ha. May lakad pa ako e" sabi nito

"Go lang. Bye. Ingat ka ha" sabi ko at pumunta na sa cafeteria para mag-lunch. Dumaan ako sa locker ko at inilagay ko muna ang paper bag at box sa loob.

ChatWhere stories live. Discover now