Si Celine ay panganay sa limang magkakapatid na babae. Siya ay 16 na taong gulang na at first year college sa kursong AB mathematics sa isang private school.
Consistent siya na honor student nung high school. Member din siya noon ng kanilang school paper as a staff writer and staff artist at the same time. Marami na rin siyang napuntahang mga trainings and seminars pagdating sa pagsusulat at iba pang uri ng art. Dahil dun, nakahiligan na rin niya ang photography.
Hindi siya sporty. Hindi siya outgoing. Tahimik lang at medyo may pagkamahiyain si Celine. May pagka-intrinsic siya, yung tipo na hindi ka kakausapin kung hindi mo siya uunahang kausapin siya. Kaya tuloy maypagkamisteryosa ang kanyang character. May mga pagkakataon ding inakala ng mga bago nyang classmates sa college na suplada siya pero na patunayan naman niyang hindi naman talaga siya ganoon. t dahil din doon, kakaunti lang ang mga kaibigan niya.
Hindi naman sa mayaman ang pamilya ni Celine kahit na ang tatay niya ay isang Municipal Engineer sa isang maliit na bayan sa probinsiya. Ang nanay niya naman ay isang Public School teacher. Sapat lang na para magkaroon siya ng sariling kuwarto, sariling laptop at sariling cabinet. Ang mga kapatid niya, dahil sa mga maliliit pa silang apat ay sa iisang kwarto lang sila natutulog.
Kailangan lang talaga ni Celine magkaroon ng sariling kuwarto dahil may mga pagkakataong kailangan niyang magpuyat dahil nga nasa college na siya ngayon.Maganda si Celine. Mestisa, maputi, makinis, balingkinitan ang katawan at katamtaman lang ang tangkad niya. Gusto niyang maging mabuting halimbawa siya sa kanyang mga kapatid, especially, panganay ito at bata pa ang kanyang mga kapatid. Isang high school at ang iba ay nasa elementary pa lang.
Hindi pa siya nagkakaboyfriend.
May nanligaw na dati pero hindi niya pinansin. Una, dahil bata pa siya noon. Pangalawa, nakatutok siya sa pag aaral at pangatlo, natatakot siya sa maaaring sabihin sa kanya ng kanyang mga magulang. Seryoso siya sa kanyang pagpapakabuting anak.
Hindi nila napag uusapan sa bahay ang pagboboyfriend lalo na ang sexuality. Palagi kasing busy mga magulang niya. Madalas kasi inuuwi ng parents niya ang kanikanilang mga trabaho kaya wala na halos silang panahon para makapag bonding. Pero alam naman ni Celine na para sa kanila naman ang lahat ng ginagawa nila at nauunawaan niya ito.
BINABASA MO ANG
The Secret World Of Celine Masaligan
Teen FictionThis story is nothing but pure fiction. Every character, place and scenario is just a product of imagination and did not happen in reality. ..... Di ko alam kung saan papunta ang istoryang ito. Bahala na. Tuloy-tuloy lang ang ikot ng mundo. Basta m...