Good Morning

407 1 0
                                    

Nagising si Celine sa isang malamig na umaga. Bakas sa kanyang mukha ang sayang nadarama nito. Napakahimbing ng kanyang naging tulog kagabi kaya naman parang napakagaan ng kanyang pakiramdam sa pag gising.

Exam na naman mamayang hapon. Hapon pa naman yun at vacant din ang kanilang first and second period kaya hindi pa niya kailangang bumangon. Ipinikit ulit ni Celine ang kanyang mga mata.

Umikot si Celine para mag palit ng posisyon. May kakaiba siyang naramdaman sa kanyang singit tapos narealise niya na wala nga pala siyang suot na panty. Nilalamig siya sa kanyang buong katawan kasi hindi na siya nakapagkumot kagabi sa sobrang hina na niya at pagod noong panahong iyon.

Agad niyang naalala ang mga ginawa niya kagabi at muli siyang inusisa ng kanyang konsensiya. Last na talaga iyon ang sabi niya sa kanyang sarili.

Again, diring-diri siya sa kanyang sarili at naiinis sa kanyang nagawa. Naisip niyang hindi iyon gawain ng isang matinong babae. Sira-ulo lang ang mga gumagawa ng ganun.

Gusto nang kalimutan ng dalaga ang mga naganap kaya nagdesisyon na siyang bumangon para maligo.

Hindi na siya nagsuot ng panty. Kumuha nalang siya nag tuwalya at iyon ang pinambalot niya sa kanyang katawan sabay lumabas ng kwarto. Nasapagitan ng kwarto niya at ng banyo nila ay ang dining area. Usually, nakaailis na ang parents nila bago paman magising si Celine.

Nagulat siya sa nakita. Nasa mesa ang nanay niya at kumakain ng agahan kasama ang 3 pa niyang maliliit na kapatid. Agad siyang napansin ng nanay at niyayang kumain.

Nalaman niyang may gumagamit pa ng banyo kaya napaupo si nalang si Celine para kumain.

Tahimik na kumakain si Celine ng biglang, "Mukhang binangungot ka kagabi anak ah." Ang tanong ng nanay niya.

Hindi kaagad nakasagot ang dalagita at napatango nalang habang nakatitig sa plato. Hindi siya makatingin sa kanyang ina sa pagkat nagiguilty ito at biglang kinabahan. Hindi naman talaga siya binangongot. May iba siyang ginawa na hindi maganda.

"Anak may problema ka ba?" Tanong ulit ng nanay niya.

"Wala naman po nay." Ang magalang niyang tugon. Hindi talaga palakuwento si Celine kaya nasanay na ang kanyang pamilya sa kanyang maiikling sagot.

Biglang nabaling ang attention ng nanay sa mga maliliit na kapatid ni Celine. Bigla kasi silang nag away sa harap ng pagkain at naghampasan ng kutsara.

Ilang minuto ang nakalipas, nagpaalam na ang kanyang ina. Dala niya ang kanyang tatlong anak na nasa elementarya. Iisa lang kasi ang pinapasukang eskwelahan nila.

Lumabas mula sa banyo si Gelyn, ang kapatid ni Celine na nasa high school. Kagaya din niya ay maganda si Gelyn. Halos magkamukhang magkamukha ang dalawa. Minsan ay napagkakamalan silang magkakambal ng mga taong hindi nakakakilala sa kanila.

Ang kinaibahan ng dalawa ay athletic type si Gelyn habang si Celine naman ay academic type.

Member si Gelyn ng kanilang taekwondo team. Marami na ding siyang naiuwing medalya mula sa ibat-ibang kumpetisyon. Nakaabot na din siya sa palarong pambansa. Masipag siyang mag ensayo kaya naman mapapansin mo na maganda ang hubog ng kanyang katawan.

Napadaan si Gelyn sa kumakaing si Celine. Alam ni Gelyn na dalawa nalang sila ng ate niya sa bahay kaya hindi na siya nag-abalang takpan ang kaniyang katawan ng tuwalya. Sa halip ay pinang-patuyo nalang niya ito ng kanyang buhok. Panty lang ang suot niya.

Maliit ang kanyang beywang at malapad ang kanyang balakang. Magaganda ang kanyang mga hita at maumbok ang kanyang puwet. At higit sa lahat, wala siyang bilbil at mayroon siyang abs.

Biglang sumingit ulit sa kanyang isipan ang pelikulang napanood niya sa kanyang laptop. Ganoong ganoon din kasi yung hubog ng katawan ng artistang babae sa pelikula. Yung gwapo yung bida na kapartner.

Napaisip siya kung pano kaya kung magkaabs din siya at maging fit ang pangangatawan.
Balingkinitan naman na siya pero iba parin ang katawan ng nagwowork out.

"Pahingi ako ng lotion, naubos na kasi yung sakin eh...tsaka pahiram ng iyong leggings na skin tone." Paalam ni Gelyn.

"Uy labhan mo yan ha, last time na nanghiram ka hindi mo nilabhan ambantot." Sagot ng ate.

"Ay grabe."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 22, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Secret World Of Celine MasaliganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon