Chapter 9: Her Decision

108 12 2
                                    

(Hallway 1:00 pm)

Drago's POV

Nakapaghanda na ako ng mga kakailanganing kong gamit. Kaunti lang naman, bimpo, coat at mga shurikens na ikinabit ko na sa damit na isusuot ko.

Ipinaabot na sa akin ni Master Shin sa pamamagitan ni Ian na hinihintay na lamang ang sagot ng estudyanteng inimbitahan para tumulong sa misyon.

"Ano pa man ang maging sagot ng taong iyon, kailangan kong hanapin ang lunas sa nakuha kung sumpa ng mag-isa." Bulong ko sa sarili.Inilapag ko na ang lahat ng gamit sa loob ng nakahandang kotse at saka naglakad patungo sa pasilyo.

"Greetings Mr. Arcedes." Bati ni Mam Jelina nang makasalubong ko siya.

"Kumusta ho Mam." Pagbati ko naman.

"Narinig kong aalis ka na naman para sa isang bagong misyon. Hindi ba at kagagaling mo lang sa isang misyon nitong isang araw?" Pang-uusisa ni Mam.

"Actually, Ma'am it's more of a personal matter this time around." Sabi ko sabay ngiti.

"If that's the case then I won't ask any more questions. Don't forget that we have a Special Class today." Pagpapaalala ni Mam saka naglakad na papalayo.

Tinanguan ko naman si Mam bilang tanda ng paggalang. Tinungo ka na ang silid-aralan ng Special Class, actually para lang siyang advanced lessons.

Nang makarating na ako sa klase ay umupo na ako sa isang random seat. Kapansin-pansing kaunti lamang ang bilang namin ngayon dahil dapat ay kadalasang higit sa dalawampu ang mga...EHEM...masisipag na estudyante na um-a-attend.

"Nasaan ang kaya iyong iba?" Narinig kong tanong ni Jeffrey.

"It is noticeable that some of your classmates are not present today. What happened S class?" Tanong ni Mam Merca saka umupo sa silya ng teacher's table.

"Well, mam may narinig akong report galing sa Master's Office. Nagkaroon daw ng away sa loob ng Gym kahapon at anim po sa mga kaklase namin ay sangkot dito" kuwento ni Jeffrey.

"Thank you for that. Though you guys are more than twenty, this is disappointing." Saad pa ni Mam.

Unti-unti nang nagkakaroon ng ingay sa klase at nagtanungan kung bakit marami ang wala sa klase.

"Well, alangan namang hintayin pa natin ang mga iyon? Sayang ng oras. Simulan na natin ang bagong leksyon, pakibukas ng pahina ng inyong libro sa pahina 243." Sabi ni mam.

Tinamad na akong kumuha ng libro kaya humiga na lang ako sa mahabang couch sa rest area ng classroom.

"Ehem, I presume you're one of my students Mr. Arcedes please follow my orders." Seryosong pagkakasabi ni Mam.

"No need. Nag-advance study na ako since naka-assign ako sa isang MSN ngayon Mam." Sabi ko kay Mam.

Nag form-O ang labi niya.

"But, even if you're assigned to an upcoming mission its still your DUTY to listen" Dagdag pa ni Mam.

"Mam, kapag ba napatunayan kong alam ko ang i-leleksiyon mo ngayon. Puwede ko ng gawin ang gusto ko?" Pagtatanong ko saka tumayo.

Pumunta ako sa harap ng klase. Tiningnan ako ni Mam Merca nang may pagtataka. Kumukha ako ng yeso sa kahon at nagsimulang magsulat sa blackboard.

"Today our lesson classmates is about the Ancient Objects hidden in our City. The City of Arcacia." I started.

"What do you think you're doing?" Mukhang naasar na tanong ni Mam.

"Teaching Mam. Take a seat Mam and listen." I said blankly.

Enchants: Her Secrets Within (SLOW UPDATES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon