Prologue

394 24 17
                                    

Virdjana's POV

Naglalakad ako kasama ang guardian kong si Reggie sa gitna ng abalang mga daanan sa Central Park ng bayan, isang patalim ang nakatago sa likuran ng aking kapa. Sa hudyat ng pagpapasok ko sa tindahan ay naglaho sa paningin ng mga tao si Reggie. Maliban sa akin dahil nakikita ko siya sa tulong ng magkaparehang kuwintas namin-Enchanted na mga kuwintas.

Una ay umakto lang akong normal na mamimili na tumitingin-tingin sa paligid ko at ng makakuha ako ng tiyempo ay linapitan ko ang counter kung saan nakatalikod ng tindera na abala sa kung ano man ang ginagawa niya. Pakialam ko ba.

Agad kong hinablot ang isang patalim mula sa likuran ko at itinutok ito sa tindera. 

"Magandang Umaga" pagbati ko, habang nakangisi at hinihintay lamang na lumingon ang tindera.

Hindi sumagot ang tindera. Napabuntong-hininga ako, malamang ay hindi niya ako narinig. Susubukan ko na sana ulit nang may lumapit na lalakeng may dala-dalang groceries sa counter. Itinago ko tuloy sa mahabang manggas ng damit ko ang patalim.

"Nakalinya ka ba?" tanong niya.

Hindi ako umimik pero umiling-iling ako.

"So, pwede bang ako muna ang magbayad?" tanong muli nito.

Humakbang lang ako paatras at saka pinanood ang lalakeng magbayad. Nginitian pa ako nito at saka lumabas ng tindahan.

'Tch, aksaya sa oras' sabi ko sa isipan.

Ilinibas kong muli ang patalim pero ngayon ay nagsuot na ako ng isang maskarang puti na animo'y pusa ang disenyo.

"Ma-gan-dang U-MA-GA" muli kong pagbati pero ngayon ay diniinan ko ito para marinig ako ng binging tinderang ito.

"Sayo rin munting binibini~ Isa nga itong-" Natigil siya sa pagbati at gulat ang puminta sa kanyang mukha ng makita ang maskara ko. Paano ba naman kasi ay hindi niya yata inaakala ang itsura ko.

 Paano ba naman kasi ay hindi niya yata inaakala ang itsura ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Oh~..." tanging-katagang lumabas sa bibig ko. Hinatak ko ang braso niya at ihinarap sa mukha ko..wait HaHaHa...sa maskara ko pala. 

 "Umakto ka ng normal kung ayaw mong saksakin ko ang lalamunan mo" pagbabanta ko.

I smirked. Hindi siya umimik at ngayon ay nararammdaman ko na ang takot na nagmumula sa kanya.

"A-alam mo bata deli-likado ang p-patalim na i-iyan?" tanong nito sa garalgal na boses.

"Talaga? Gusto mong subukan ko sa iyo?" tanong ko. "At saka hindi na ako bata, I'm 12 years old kaya umayos ka, nasa tamang pag-iisip ako ginang" sabi ko sa kanya sa isang matalim na tono.

"S-sa tingin k-ko hindi eh...na-naiwanan k-ka ba ng mga ma-magulang m-mo? Halika at sasamah-han na k-kita" sabi pa niya.

I rolled my eyes in annoyance. Mayamaya ay nagpakita sa tabi ko si Reggie, pero nasa invisibility mode pa rin siya kaya ako lamang ang nakakakita sa kanya.

"Vivi, masyado na kayong matagal sa puwesto na iyan. Nagtataka na ang mga tao" paalala niya.

I nodded to him in response.

"Baliw ka na siguro" dagdag pa nitong tindera.

"Maaari" I chuckled. "Kaya halika na at ilibot mo ako sa mga stalls ng makuha ko na ang gusto ko." sabi ko.

Sumunod naman siya dahil sa takot na saksakin ko siya, which is pretty much 0% chance. Pagkalipas ng ilang minuto ay nakuha ko na ang mga kailangan ko na nakapaloob na sa supot. Bumalik kami sa counter kung saan ko siya binatawan.

"Umalis ka na" utos niya na halatang inis-inis na dahil wala siyang laban sa akin.

"Salamat..sa uulitin" sabi ko at lumabas. Narinig ko pa nga ang boses niyang naaasar. Haha.

Ilang minuto na ang nakalilipas at nasa kalagitnaan na akong muli ng Central Park, si Reggie naman nakalutang at matamang nagmamasid-masid kung may mga malapit na City Guards.

"Kumalma ka nga, hindi nila ako mahuhuli" sabi ko.

Tinaasan niya ako ng kilay bago nagsalita." Talaga lang ha. Kailan nga iyong huling beses na kailangan kitang iligtas mula sa pagkaka-trap sa mga dead-end alleys, sa kamay ng City Guard Chief Officer?" 

I glared at him.

"Para saan iyang tingin mong iyan?" tanong nito animong nagpipigil ng tawa.

Someone chuckled behind me. I froze...oh..sh*t. Hindi na sana ako lilingon pero mukhang hinahatak ako ng presensya upang lumingon.

"Found you~" It was none other than my 'closest friend', mark the sarcasm.

"Hello, miss Chief Officer" pagbati ko kasabay ng pag-ayos ko sa aking maskara.

"Miss me?" tanong niya sabay kuha ng mga Enchanted Handcuffs sa kanyang bulsa.

"Do you really have to appear behind me and scare the h*ll out of me?" tanong ko. Saka nagsimulang humakbang paatras.

"Siyempre naman, matalik na magkaibigan tayo diba?" tanong niya.

"Siguro, imahinasyon mo lang yan" sabi ko. Tumingin ako sa kalangitan at ngumanga.

Siya namang sinundan niya ng tingin. Hay naku, ang dali naman nitong mauto, agad na akong kumaripas ng takbo.

"Get that Thief!!!" sigaw ng Chief Officer.

"Time to play" I stated.

Binagalan ko lang ang takbo ko para makita pa rin nila ako. Ang slow kasi kung umayos ako ng takbo baka mawala agad ako sa paninigin nila.

Patuloy pa rin ako sa paglito sa kanila. And a smirk is present on my lips. Mayamaya ay na trap nila ako sa isang dead end mataas ang pader kaya imposibleng makatakas pa ako. Bakit ba kasi hindi ko matandaan ng maayos ang mga daanan palagi na lang dead-end ang napatutunguhan ko?!

"There she is" sabi ng Chief Officer.

"Huli ka pinagod mo pa kami!" sigaw ng isang City Guard.

"Having fun?" Tanong ko.

"Oo kaya humanda ka." sabi naman ng isa at naglabas na siya ng posas at lumapit sa akin. Nang i-kiki-click niya na yung posas ay iniwas ko ang mga kamay ko.

"Hoy!" sigaw niya.

"Hoy mong mukha mo! Yah" sinipa ko siya kaya napaatras tumilpon siya at nakatulog. Wow, tulog talaga? Ang lakas ko naman yata.

"Huwag ninyo siyang patatakasin!" utos ni Chief Officer.

"Hai!" sagot naman ng mga City Guards, tatlo lang naman sila.

"Kung makalapit kayo" sabi ko. Nagtapon ako ng ilang spikes sa lupa siya namang naapakan ng tatlo. Stupid people.

"Aray~"

"Ang paa ko!"

"Sakit!"

Natawa ako sa mga sinapit nila, kinindatan ko ang Chief Officer na namumula na sa galit saka ako tumalon at umapak sa mga dingding ng dead-end, kaliwa kaanan hanggang marating ko ang tuktok at saka naman ako lumundag paibaba sa kabilang bahagi.

"Perfect landing" sabi ko at saka tinanggal ang maskara at nagsuot ng scarf, naglakad papalayo......Saka naglaho sa gitna ng madla.

Enchants: Her Secrets Within (SLOW UPDATES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon