Chapter 12: One on One

16 2 0
                                    


3rd Person's POV

"Kapag tinawag ko ang kulay, itaas niyo ang kamay niyo. Malinaw ba?" Tanong ni Professor Edric.

"Red."

Itinaas nina Jeffrey at Ertune ang kanilang mga kamay, isang mayabang na ngisi ang gumuhit sa labi ni Ertune samantalang nanghinayang si Jeffrey.

"Bakit ganyan ang reaksyon mo ha?!" Tanong ni Ertune sa magiging kalaban.

"Nothing." Maikling sagot ni Jeffrey pagkatapos ng isang buntong hininga bago pumasok sa bilog.

Ang totoo ay nais na makalaban ni Jeffrey si Kadaski, idolo niya kasi ang kaklase pagdating sa larang ng labanan. Simula ng makita ni Jeffrey ang talento ng hinahangaan nang maging ka-batch niya ito mula 1st year High School ay ito na ang ginawa niyang modelo.

"You know the rules." Said Professor Edric, blowing on the whistle as a signal to begin the mock battle.

Walang sinayang na oras si Ertune at agad nagpatubo ng mga higanteng Venus Fly Traps sa buong bilog, at dahil nasa loob sila ng Gymnasium, nag-crack ang sahig nang tumubo ang mga halaman.

"Yikes!" Usal ni Jeffrey at agad naging alerto, tumingin pa ito sa kisame na animong nagdadasal para sa buhay niya.

"Uso namang sumuko na, Jeffrey." May kumpiyansang sabi ni Ertune habang iginagalaw ang kanyang mga braso para makontrol ang mga halaman. Nais ng binata na pahirapan muna ang kalaban bago ito puwersahang patalsikin sa labas ng bilog.

"You won't defeat me that easily." Saad ng binatang Striker Type.

"Tch, binigyan na kita ng pagkakataong sumuko!" Sigaw ni Ertune. Pero sa loob-loob nito ay hindi ito papayag na agad na sumuko ang kanyang kaklase. 

Alam ni Ertune na isang Speed Enchant ang kaharap niya, maging ang katotohanang mas mabilis itong kumilos kaysa sa kaniya. Ang plano niya ay ang hindi payagang makalapit ng masyado sa Jeffrey sapagkat malakas ang mga sipa nito.

Pero huli na ang lahat, dahil nang muli niyang ibalik ang atensyon sa kalaban ay hindi na niya makita si Jeffrey. Napamura si Ertune at agad hinagod ng tingin ang bilog, maging ang kaniyang mga halaman ay pinahanap niya rin. Nabaling ang atensyon ni Ertune sa mukha ng mga kaklase niyang mukhang namamangha sa kanilang nakikita. Doon napansin ng binata na lampas ang mga tingin nito, sapagkat nakatingin ito sa likuran niya.

"Brazillian Kick!" Jeffrey enchanted, ang kanyang buong kanang binti ay nabalot ng dilaw na ilaw na sapat na para patulugin ang sino mang tamaan nito.

Alam iyon ni Ertune, kahit papaano ay alam niya naman ang ilan sa mga kakayahan ng kaniyang kaklase. Nanlaki ang mga mata ni Ertune nang maramdaman ang pagdampi ng binti sa leeg niya, ngunit dahil na rin sa paniniwalang dapat siya ang manalo...

"I won't lose to you..." Ertune whispered. "Uprooting!" Ertune enchanted.

And with that, the match ended, rubbles were surely scattered everywhere and the winner started laughing proudly.


"Violet."

Ang magkatapat sa labang ito ay si Lizbeth at Genesis. Si Lizbeth ay ang babaeng may kakayahang kontrolin ang gravity sa loob ng limang metro. Ang binatang si Genesis naman ay may kapangyarihan ng yelo. Kapwa estudyante ay nakaranas ng ipadala sa isang misyon at parehong hindi maganda ang record ng mga ito...

"Pumasok na sa bilog ang magkatunggali." Utos ng kanilang guro pagkatapos ayusin ang nasirang mga bahagi ng sahig sa gym.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ng halos kalahati ng klase, kasama na doon sina Kadaski at Drago. Sa kabilang banda ang ilan ay nakadama ng takot, at wala namang ideya si Virdjana kung bakit nagkakaganoon ang kaniyang mga kaklase.

Enchants: Her Secrets Within (SLOW UPDATES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon