Chapter 7: Coat Declaration

118 9 1
                                    

(Fast Forward, the following day)

Virdjana's POV

Habang naglalakad-lakad ako ng tahimik sa isang pasilyo sa loob ng paaralan, rinig na rinig ko ang mga usapan tungkol sa ika nga nilang espesyal na event. Tinatawag nilang araw ng Coat Declaration ngayon o ang iba naman ay nagsasabing...

"Showtime day!" Sigaw ng isang Sophomore na estudyante, na nakasuot ng dilaw na blazer.

Oo, may mga identity din ang mga estudyante upang mas madaling makilala kung anong grade level na. Kulay berde ang para sa mga freshmen, dilaw sa Sophomore, pula sa Junior High at kaming Senior ay kulay asul.

Anyway, ayun na nga. Ang tawag ng iba ay showtime day dahil dito nagpapakita ng aura ang bawat estudyante na siya namang naglilipat ng katumbas na kapangyarihan at kulay sa kapa.

Nga pala, iniwan ko si Reggie sa kuwarto ko dahil alam kong hindi niya gustong magliwaliw dito sa akademya. Ayaw niya nga akong mag-enroll dito, talagang sumang-ayon lang sa akin ang pagkakataon ng kusa na akong ipinasok ni Master Shin dito.

Sabi pa sa akin ng guardian ko, magdo-drawing na lang daw siya kaysa naman panoorin niya akong lumibot-libot sa lugar na ito.

Ano pa bang aasahan ko sa kanya? Iniwan niya na ako dati...eh, hindi na malabong iwanan niya ako ulit. Teka nga, bakit ba ako mukhang naghihinanakit, pinaliwanagan na naman ako ni Reggie kung bakit kami nagkalayo noon!

Napagdesisyunan kong bumalik na sa classroom, lumabas kasi ako kanina, mga 30 minuto na yata ang nakalipas.

(Sa Classroom)

Nadatnan ko si Drago na nakasandal sa gilid lang ng pintuan sa labas ng classroom. Nakasuot siya ng headphones at mukhang nag-e-enjoy sa kung anumang musika ang pinakikinggan niya.

"Wala ka bang balak pumasok ng classroom?" Bigla namang tanong ni Kadaski na sumulpot na lang galing sa kung saan kay Drago.

"Susunod ako." Maikling sagot ni Drago kay Kadaski saka ngumiti. Mukhang nababasa ni Drago ang mga labi ni Kadaski,tumango naman si Nueva at saka nauna nang pumasok.

"Kuya Drago, she's here. Over there!" Sabi ng isang babaeng estudyante na nakasuot ng pulang blazer.

Natigilan ako ng malaman kong ako pala ang tinutukoy ng estudyanteng 3rd year. Kumaripas na nang takbo ang 3rd year at naglaho na lamang ng parang bula. Mukhang invisibility ang kakayahan nito.

I looked at Drago and then he smirked at me. Then he entered the classroom immediately. I suddenly flinched out of nowhere, I felt like something bad is going to happen. I quickly entered the room and saw him standing in front of my seat while holding my burning sling bag.

Ano bang problema nito sa akin? Una, hinaharangan ang dadaanan ko gamit ang apoy. Tapos ngayon, sinusunog ang bag ko!

Eksakto namang napabaling ako kay Kadaski kasi siya iyong malapit kay Drago, nagpapanic ang mukha nito.

"Tingnan mo nga naman, ang bilis talaga ng karma sa mga taong hindi mabait sa kanilang kapwa." Maangas na saad ni Ruby habang ngumunguya ng bubblegum at pinuputok ito pagkatapos ay palolobohin ulit.

"Correct, leader!" Pagsang-ayon naman ng mga alipores niya.

"You want to fight?" I asked Drago in a cold tone.

Lumingon naman si Drago sa akin saka ipinasa ang bag ko sa mga palad ko at habang lumiliyab pa ito! Nagulat tuloy ang iba naming kaklase, hindi lang nga ako sigurado kung dahil sa itinapon sa akin ng lalakeng ito ang isang nag-aapoy na sling bag o dahil sa naghamon ako ng away.

Enchants: Her Secrets Within (SLOW UPDATES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon