Chapter 5: K.S.P

137 15 18
                                    

Kadaski's POV

"Aghk!" Narinig kong pagsigaw ni JP na animong may sumakal sa kanya.

"What the aghk?!" Gulat ko namang reaksiyon ng bigla akong sinakal ng isang itim na galamay. Ibigsabihin lang nito ay nasa labas lang si Zeky!

"Huh? W-what is that?" Tanong ni Virdjana. 

Mukhang na-alarma rin siya kaya agad itong naglaho ng parang bula sa harapan, kasabay ng paglapag sa sahig ng mga lumulutang na libro na kani-kanina lang ay inihahagis niya sa direksyon ko.

Kasunod noon ang marahas na paghatak sa akin, hindi sa amin ni JP palayo sa classroom.

"Both of you can explain this to me at the Office." President Zeky stated sneering as she starts dragging both of us on the floor.

Sh*t, masakit na sa leeg!

Nang makarating na kami sa opisina ay saka kami pinakawalan ng mga Shadow Tentacles ni President Zeky. Tiningnan niya kami ng matalim at tinuro ang sofa, malamang ay inuutusan kaming umupo doon.

"Hindi ako dapat kasali dito!" Giit ni JP.

"Well, huwag kayo sa akin mag-dahilan. Kausapin ninyo na lang si Miss Sedusa." Saad ni Zeky.

"S-Sedusa?!" Sabay pa naming bulalas ni JP. 

Darn, she is the Academy Librarian. I don't like this situation, this woman loves to torture students by sending them to the Detention Room where your power bars down to zero. Oo, ang kuwarto kung saan mawawala ang kapangyarihan mo ng pansamantala. Yari kasi ang sahig, dingding at kisame nito sa Diamond Tiles na empowered pa ng nullification magic. 

"President naman, hindi mo ba pwedeng palagpasin na lang ito? Nakaligtaan lang naman naming tunguhin ng maaga ang dorm." Pahayag ni JP.

"Nawawala ang pagka-badass mo presiiii~" Sabi ko naman.

Bigla namang nagningning ang background ni Zeky dahil sa papuring narinig.

"B-badass ako? T-talaga?" Tanong ni Zeky sabay iwas ng tingin. Yes, gumagana kailangan pa naming makaisip ng maraming papuri ni JP.

Nagtanguan kami at nagpatuloy sa pagpuri kay President.

"Syempre naman, idagdag pa iyang supra-intelligence mo!" Sabi naman ni JP.

"At ang magandang kulay ng mga mata mo~" Sabi ko naman sabay kindat.

"Pre, common naman ang itim na kulay ng mata dito!" Bulong ni JP.

"Teka, huwag ninyo nga akong subukang i-distract. Sa ayaw at gusto ninyo ipapasok namin kayo sa Detention." Asik ni President.

Pagkatapos sumigaw ni President ay siya namang pagbukas ng pintuan ng opisina at ilinuwa noon si Miss Sedusa.

"May I bring them there now?" Seryoso nitong pagkakasabi kasabay ng pag-ngiti nito.

"Yes, you may Miss Sedusa." Sabi naman ni Zeky.

*GULP*

NOOOOOOOOOOOOO!!!

Iyan lang ang reaksyon ng brain cells ko habang kinakaladkad kami ng teacher papunta sa Detention Room naku naman! Mayroon pa namang nullification ability ang room na iyon kaya alam naming hindi kami makagagamit ng kapangyarihan. Humanda ka Assassin kapag nakalabas na kami dito mamayang five ng hapon.

Nooooo!!! 8 am palang!! Ilang oras pa ang itatagal namin dito.

"Stay there sweethearts. That's what you boys get fro breaking the rulesssss." Pagkasabi noon ni Miss Sedusa ay lumabas ang dila niyang pang-ahas. Tumawa pa ito bago kami itulak ni JP sa loob ng kuwarto saka malakas na isinara ang pinto.

Enchants: Her Secrets Within (SLOW UPDATES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon