Love at First Sight

29 1 0
                                    

Ysa's POV

     A few months ago, nahulog ako sa isang misteryosong lalaki. Pandak at maputi, nerd at book lover, pero sobrang manhid at cold. Hindi ko alam kung ano nangyari sakin at nahulog ako sa kanya, pero maybe this was love at first sight. The first time I talked to him I had this weird mini heart attack. Yung parang kinikilig na naiinis? Maybe... love at first sight nga talaga.

-   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -

     Sinundan ko siya. Halata sa itsura ko na stalker ako, yung para bang may balak akong nakawan siya. Familiar ang daan, papunta ito sa book shop ko--- at doon nga siya pumunta! At least ngayon nabawasan ang hiya ko dahil kaya kong pumasok dun with confidence. Pagpasok, binati ako ni Kayla, best friend  kong nagbabantay dun.

     "Hi Ysa!" Yes, my name is Maria Ysabelle Hernandez. My close friends call me Ysa, my family and other friends call me Maria.

     "Hi Kayla.", bati ko. Hinug niya ako ng mahigpit. As usual, masakit, pero sanay na ako dun.

     "Gusto mo ba ng coffee?", sabi niya.

     "Sobra, kanina pa." Kapos na kapos na ako sa tulog eh para bang aabot na ng labi ko yung eyebags ko.

     "Halata nga.", asar pa ni tanda. Mas matanda kasi siya sa akin ng 3 years.

     Pumunta kami ng Starbucks at oorder na sana nang may sumingit na lalaki. Gwapo at mukhang bad boy, pero sobrang yabang. Ang sarap tadyakan!

     "Excuse me? Kailan ba nauso ang gentlemen first?", sabi ko sabay taas ng kilay sa kanya.

     "Ngayon." sumbat pa, tapos tinalikuran niya ako. Aba gusto pala nito ng away ah! Umorder ako ng latté at binuhos ko sa pantalon niya. *evil smile*

     "What's Your Problem?!" Namumula na sya sa galit. Or baka sa paso? Idk, and idc.

     "Para matuto kang paunahin ang mga babae at pumila ng maayos!" Sabay hinila ko si Kayla palabas.

     "Beastmode agad bhe?", patawang sabi ni Kayla.

     "Bwiset kase yung lalakeng yun, akala mo siya may ari ng StarBucks! Nakakainis! He deserved it."

     Lumabas na kami ng Starbucks. Biglang pumasok sa isip ko si Mr. Crush. Nagmadali akong pumunta sa book store para tignan kung nandun pa siya, kaso wala na. Pero iniwan niya yung pambayad sa libro at nilagyan ng Post-It na may nakasulat, "Ate ito po bayad ko. Wala po kasing tao dito kanina. -Ivan"

     Lumapit sakin si Kayla. "Ano yan, Ysa?", tanong niya with curiosity.

     "Wala to, bayad lang ng customer." Ang saya ko! Nakuha ko pangalan niya, at may 30% possibility na makita ko pangalan niya sa social media sites!

-   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -

     Unfortunately, hindi ko siya nakita sa Facebook, pero sa Instagram at Tumblr nakita ko. Book lover talaga siya kasi lahat ng quotes niya, obviously, galing sa books. I stalked him all night. Finally, I had the courage na i-dm siya sa ig. I typed, "Hey, I saw you earlier sa bookstore namin! Ysa nga pla 😊" Ang kapal ng mukha kong kausapin siya. Ngayon ko lang yata to ginawa, pero love is taking the risk. Hindi ako umaasang kakausapin niya ako, though.

-   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -

An Unexpected LoveHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin