Mysterious Problems

20 1 0
                                    



Ysa's POV

          Pumunta na agad ako ng bookstore ng sobrang aga dahil baka nag-expect rin si Ivan na nandun na ako--- este bukas na yung bookstore. At almost 9:30, pumasok si Ivan... Nagbackfire agad yung Plan A kase ang likot likot niya. Then I tried Plan B. Naka ilang tawag na ako kay Kayla pero binababa niya yung phone, then sa last kong tawag sumagot si siya pero di niya ako kinausap... may lalake siyang kausap. I was surprised kase bawal ang lalake sa bahay, pinag-usapan namin yun! Tapos sa boses pa nilang dalawa eh parang galit na galit, then nababa na yung phone. Sa sobrang alala ko hindi ako mapakali dun sa bookstore. Parang gusto ko nang mapabilis yung oras at makauwi kay Kayla.

-   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -

     Sa wakas nakauwi na rin! Pagdating ko sa bahay, nakita ko si Kayla na tulalang-tulala. Di man lang ako binati ng hello... Dumiretso nalang ako sa kwarto namin. "ARAY!" Pagpasok ko may basag na picture frame dun. Natapakan ko pa talaga noh? Nag-aalala na talaga ako! HAYST. Tulog na nga ko.

     Kinabukasan hindi kami nagusap ni Kayla. Tahimik lang kaming dalawa habang kumakain, as in hindi talaga kami nagpapansinan. So dahil ganun, umalis na agad ako at nagkulong sa kwarto. Nagpatunog ako ng Ligaya by Eraserheads.

"Ilang isaw pa ba ang kakain, o giliw ko?...
Tatlong oras na akong nagpapacute sayo,
di mo man lang napapansin ang bagong t-shirt ko..."

     Bakit parang feeling ko nakakarelate ako dito? Ito ba eh dahil nagpapakahirap akong mapansin ni Ivan..Hindi hindi. Wala toh, favorite ko lang tong kanta. Walang ibig sabihin. WOOHH calm yourself Ysa, kaya mo yan!

-   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -

Kayla's POV

     Magulong-magulo ang isip ko. Gusto ko nang magwala, umiyak, at kagabi naisipan ko pang magpakamatay. Pero inisip ko kung ano nalang masasabi ng pamilya ko, at mas importante pa, ay si Ysa. Ako nalang ang natitira niyang kayang mapagkatiwalaan. Kaya nga nagsisi ako na hindi ko sinabi sa kanya tungkol kay Hugo. Hindi niya na pinagkatiwalaan ang mom niya since yung incident... Andami kong mga iniisip, punong-puno na utak ko na para na itong bulkang sasabog. Andami kong mga pasa sa pagtutulak, paghihila, at sa pananakit na sinapit ko kay Hugo.

     Inisipan kong pumunta sa kwarto ni Ysa kase alam kong may pinagdadaanan din siya. Para at least heart-to-heart kaming mag-uusap... kaso baka hindi pa time na malaman niya yun kaya umalis na lang ako. Pero nag-iwan ako ng post it dun sa pinto niya at kinatokan para makita niya. Tapos pumunta na ako dun sa kaibigan ko kasi siya lang nakakaalam tungkol kay Hugo. Kaya ayun, dun muna ako natulog for the night. Pero alam naman yun ni Ysa eh...

-   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -

Ysa's POV

     Ano ba talaga pinagdadaanan nung babaeng yun? Hindi ko siya maintindihan. Alam ko na marami akong dapat malaman, kaso sa tingin ko hindi pa niya kayang sabihin sa akin. Kase kung ano man yun halatang nahihirapan siya. Una sa lahat, nakatulala siya, at pangalawa dun pa siya natulog sa kaibigan niya. apero may konting tampo ako sa kanya kasi bat di ako yung una niyang sinabihan? Alam niya namang papakinggan ko siya eh... HAYYZZZZ makatulog na nga lang....

-   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -

Ivan's POV

     Another day, another nickel. I'm running out of time, and I'm also running out of money. I can't believe this! I wish I'd find a relative to help me... Ky, where are you? I lost my phone, and I can't find you anywhere. Lord, give me a sign that I can still survive... Lorddddd.

-   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -

An Unexpected LoveHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin