Knock, Knock, Knock

15 1 0
                                    



Kayla's POV

Iyak ako ng iyak sa kama ko eh halos isang timba ang mapupuno ng luha kapag piniga mo yung unan sa sobrang basa nito. Lumabas ako ng kwarto at lumapit kay Tiffany. Tumigil siya sa, tumingin sa akin, at sabing, "Kumain ka muna, Ky." Tumango nalang ako at umupo nang biglang may kumatok. Pinuntahan ni Tiffany yung pinto at bigla akong nagkaroon ng feeling na si Hugo ang nasa kabilang side, kaya pumunta agad ako sa kwarto. Narinig ko yung usapan at tama ang hinala ko--- si Hugo nga. Hinahanap niya ko. Narinig kong sabi ni Tiffany na "Wala siya dito.", at narinig kong umalis si Hugo. Hayss, buti nalang alam ni Tiffany kung ano gagawin.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Ivan's POV

Actually, I can speak Tagalog. I already planned this. Gusto ko nang umalis dati pa kaya 3 months before my big plan ay nagpractice na ako ng Tagalog. Pinag-aralan ko din ang mga places sa Manila. Nung grand celebration ng dad ko, nandun na din ang grand exit ko. Kaya ayun, lumayas na ko. Nakaready na lahat ng gamit ko, pati yung ticket papuntang Pilipinas. Then I already had about $3000 to use for my expenses here in the Philippines.

But look at me now... I only have $500. Tumira lang naman ako ng 5 months dito. Ang bilis maubos! Kaya ngayon ang goal ko is to at least find Ky. I still practice Filipino at the bookstore downtown. Lagi akong nandun para lang magstudy, and I found this super weird girl who'd stare at me for a long time. She even asked me if i wanted anything else just to talk to me. I always ignore her, but in the past few days I thought she was funny and cute, though I don't have feelings for her. Anyways, kailangan ko na talagang makita si Ky. Kung hindi baka makita mo nalang ako sa tabi-tabi ng kalsada nanlilimos para sa barya.

But today I felt that Ky is just around the corner. I know that there's always hope.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Ysa's POV

Iniwan ko yung bahay na nakalock kase alam kong walang susi si Kayla at nasakin ang susi niya. Balak kong iblackmail siya kase sobrang nacucurious ako sa nililihim niya. I admit na nagsinungaling ako nung sinabi ko na nagtampo ako pero sa totoo lang nagalit ako sa kanya kase I felt na hindi niya ako kayang pagkatiwalaan. Kaya ayun, back to my plan, alam ko kung saan siya didiretso pag nalaman niyang wala siyang susi: sa bookstore. Kaya dun ulit ako nagbantay. At, as always, nakita ko nanaman si Mr. Antipatiko. (taray nadine lang) Pero iba na ngayon. Napansin kong tumitingin siya sa akin and I'm so happyyy.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Nakita ko si Kayla na pumasok at mukha siyang iritang-irita, parang bata na hindi nakuha yung gusto niyang laruan. "YSAAAAA AKIN NA YUNG SUSI KOOOOO!!" Lahat napatingin sa lakas ng sigaw niya, pati na si Mr. Antipatiko. At yung mukha niya eh parang nagulat na hindi makapaniwala na ewan, tapos mas lalong gumulo nung sinabi niyang "KY IS THAT YOU?!" Lahat ng tao nagsitahamik. Para bang kakatapos lang ng World War III.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

An Unexpected LoveHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin