Where are you?

19 1 1
                                    



Ysa's POV

     Kinabukasan pumunta na agad kami ni Kayla sa bookstore. Nagulat ako nung biglang sumigaw si Kayla.

     "YSAAAAA!!!! HINTAYIN NATIN YANG IVAN MO!!!!", ang sabi niya.

     "O eto, deal: kung darating yang Ivan mo ililibre kita ng Starbucks, pero pag hindi... Ikaw papalit sakin dito sa bookstore ng 1 week."

     Napaisip ako dahil ayaw ko rin magbantay dun... Pero since kampante ako, sabi ko nalang na "DEAL."

     Ayun na nga, hinintay namin si Ivan. Buong mag hapon kami nasa bookstore. Hindi na kami pumunta ng Starbucks or umalis sa kinatatayuan namin. Magsasara na ang  bookstore pero wala pa rin siya. Hayyystttt. Atleast makikita ko siya kung ako nagbantay dito. And who knows, baka makausap ko siya.

-   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -

Kayla's POV

     Di sumipot si Ivan.  "Ysa, feeling ko hindi yung kapatid ko nakita mo. Diba nung unang araw mo siya nakita dito sa bookstore, Tagalog yung nasa Post-It? Eh di naman marunong mag tagalog si Ivan."
    
     Sa totoo lang kinakabahan ako kase baka naglayas si Ivan. "Basta Kayla, siya yun."
 
     "Okay lang, wag ka na magbantay dito. Ako nalang. Alam ko namang ayaw mo eh."
     Sure na sure siya si Ivan yun, halata sa mukha niya eh. I feel so sorry for her. Ysa's a tough girl and she will do anything for love. Dati nung nandun pa kami sa Tagaytay, she had a relationship .Mahirap yung status nila nun kase she had to go here sa Manila because of her Modeling Career. Ayaw ng boyfriend niya na malayo si Ysa sa kanya so, in result, Ysa gave up her career. Galit na galit sila tita and tito sa kanya dahil she gave up her dreams para lang sa boyfriend niya. Inamin na rin Ysa na napakatanga niya sa pag-ibig. Kaya ayun, naka move on na siya 'til she met Aaron. I wish maging sila nalang para mas madali silang magkasundo dahil sa akin kasi madaling utus-utusan si lil' bro. Hay, buhay.

-   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -

Ysa's POV

     Paasa masyado tong si Ivan eh. Hmph. Umuwi nalang ako tapos kumuha ng hot choco at nag pa deliver ng pizza. Habang hinihintay ko yung pizza, nag-open ako ng Facebook at Twitter. Edi hinanap ko sa Twitter si Mr. Pogi. Ang daming Ivan na lumabas pero nakita ko yung isa na mutual ni Kayla. Edi follow agad kasi naka private. Habang inaantay ang request ko, dumating na ang pizza sabay pasok ni Kayla sa room ko at dakma ng dalawang slice. Nag paalam ba to sakin?

     Tagal din bago ko naubos yung pizza at hot choco. Oo, inubos ko yung pizza. Natulog na ako sa sobrang kabusogan. Hahahaha :))

-   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -

     Kinabukasan, lumapit ako kay Kayla. "Oi, tutuparin ko na yung gusto mo. Ako papalit sayo sa bookstore."

     "Ano nakain mo? May sakit ka ba?" Yung itsura niya masaya pero kunwaring confused para mukhang concerned.

     "Ayaw mo ba?" Sa mukha niya nakapoker face, pero sa loob alam kong nagwawala na yan at nagpaparty.

     "Sige na nga." Napipilitan? Gurl, luma na yang style mo.

     Alam niyo kung bakit ako nag-agree na tumupad sa pustahan? Kase handa akong patunayan na kapatid niya talaga yung nakita ko. And for this, I have 2 plans. Plan A: I'll take a pic of him and send it to Kayla, Plan B: tatawagan ko nalang si Kayla at sabihing pumunta sa bookstore since malapit lang bahay namin dun.

-   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -   -

An Unexpected LoveHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin