Ysa's POV
"IVAN?!" Nagyakapan sila at parang napaiyak pa si Ivan sa tuwa. At ito naman si Kayla ay parang nakakita pa rin ng multo. Hindi ako makapaniwala, is this really destiny? Umupo muna kaming tatlo. Magkatabi kami ni Kayla at kaharap namin si Aaron habang nagk-kwento siya about kung paano siya napadpad dito. Ayun na nga, dahil sa lumayas siya. Ito namang si Kayla biglang sabi, "Ikaw talagang bata ka ang daming mong pagsisinungaling sa akin! Marunong ka palang magTagalog? Sus naman Ivan." Siguro tuloy-tuloy pa yun ng 20 mins. Lagi naman kasing ganito si Kayla eh. Pag may kasalanan ka papagalitan ka, pero pag siya may kasalanan di ka nun papakinggan kahit gaano kahaba yung sermon mo.
"Ano, may bahay ka ba?", biglang tanong ni Ky.
"Yes. Kaso marami na kong hindi nababayaran na renta."
"Sus. Ako na magbabayad, dun ka na sa amin titira."
"HUH KAYLA SAAN NAMAN SIYA HIHIGA?!... Napalakas ata yun. Sorry na, sorry na. "I mean baka maging uncomfortable siya dun sa bahay kase wala siyang space."
Tinaasan ako ng kilay ni Kayla. "Edi magtabi kayo, DUH. Mabait naman yang kapatid ko, pakainin mo lang lagi."
Kinurot ko si Kayla sa ilalim ng upuan. "Joke lang! Basta magtabi kayo sa ayaw niyo o sa hindi."
"Wait, bakit nga pala kayo nandito sa bookstore?", pagchange ng subject ni Ivan.
Nagtinginan kami ni Kayla. Hindi pala alam ni Ivan na ako may-ari nito. "Sa akin to, binigay sa amin ng parents ko."
"Ahhh, kaya ka pala nagtanong sa akin kung ano pa gusto ko. So you own this place huh?"
Ugh bakit parang may ugali siyang ayaw ko. Ewan ko ba... dati crush ko siya pero ngayon parang nakakainis na amp.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Kayla's POV
Hayyssttt sabi na nga eh may nararamdaman akong destiny. Pero salamat na din at nakita ko na si Ivan. At least baka magkatuluyan sila ni Ysa with the help ng powers ko. Pero parang napansin kong hindi kinilig si Ysa nung nakita niya si Ivan. More likely siyang nainis... HAYYST gulo nitong babaeng toh kala mo maayos yun pala wala rin.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Hugo's POV
I didn't mean anything from that. Hindi ko sinadyang saktan si Kayla, nabigla lang ako dun sa mga pangyayari. Dahil nakonsensiya ako, hinanap ko siya kung saan possibly siya makita at yun ay kila Tiffany. Kaso wala daw siya dun... Pero alam kong nagsinungaling siya kasi pagpunta ko dun sa bahay, nakita ko yung bag ni Kayla. Siguro natakot siya sa akin kaya nagtago.
And, by the way, may nakita akong cute chick dun sa Starbucks. Ang cute niya, sobra! Kaso lang sobrang sungit, tinapunan pa niya ako ng kape. I want to find her pero bahala na. Sana makita ko nalang siya ulit.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Ysa's POV
Nagsulat lang ako ng mga quotes sa notebook ko. Since mahilig akong gumawa ng mga hugot eh ayun gumawa ako. Nagsulat ako ng mga realtalks.
Realtalk #1:
Akala mo forever ang hanganan pero minsan tangang iniwanan.Realtalk #2:
Kala mo loyal, good, at never a player... Pero ayun: hokage, bad, always a cheater... Hindi kasi laging may forever.Realtalk #3
Kala mo minahal ka pero nung nalaman mo ngayon mo lang narealize na nagmukha ka lang tanga na umaasa sa isang taong alam mong hindi ka naman mamahalin.At hindi lang yun... Gumawa rin ako ng mga hugot para sa kung anong makita ko.
CHRISTMAS TREE
Itatayo mo lang ito kung christmas o kailan mo gusto. Parang love: susuyuin mo lang ako kung kailan mo gusto o kung kailan ka lang bored.TISSUE
Oo, maliit lang na papel pero tinatapon mo na ito kahit hindi naman madumi o nagamit. Parang sa love: kahit wala namang ginawa sayo iiwanan at iiwanan mo pa rin.EROPLANO
Ang mga bata ay usually kumakaway sa eroplano, iniisip na titigil ito. Parang sa love: kumakaway ka sa isang tao na alam mong hinding hindi titigil para sa taong hindi niya naman mahal.HAIRPIN
Kahit ilang beses mo pang sikapsikapin na alagaan ito ng maayos para hindi mawala, ano nangyari? nawala mo rin. Parang sa love: kahit ilang beses mong sikap-sikapin na alagaan ang taong minamahal mo ay nawala at nawala ito.- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
![](https://img.wattpad.com/cover/66546080-288-k539183.jpg)
ŞİMDİ OKUDUĞUN
An Unexpected Love
FanfictionLife is a series of beginnings Not endings This is where the chapter ends Time to fix the problem before it ends Madami ang nagtatanong "May Forever ba?" Kadalasan ang sagot ay halos punong puno ng Bitterness at Sakit....pero hindi ibig sabihin wala...