첩 Chapter 7 : Stop

321 15 3
                                    

Jane’s POV

Kawawa naman ang friend ko. Sinampal nang walang hiyang Bella na ‘yon. Una, sinira ang magandang buhok ng friend ko. After, this one naman. Look at Reyn ngayon, may pasa sa pisngi. Ang lakas din pala ng bruhang bitch na yon!

“Aray!!” Ungol ni Reyn. Ako kasi gumagamot ng sugat nya. She looks .... ugh! Poor kid.

“Gaga ka kasi, pinalayas mo pa ako. Edi sana nagka-back- up ka pa!!”

Inirapan nalang nya ako. “Tanga ka ba, Jane. Edi nadamay ka?”

Sabagay. Hindi pa nga magaling yung buhok ko sa sabunot nung Yui na ‘yon saakin..baka naman mkawawa na yung mukha ko.

“Eh! Bat kasi di mo inamin na hindi ikaw yung may gawa nung post na ‘yon. Na si Alliah talaga!”

“Loka ka, Edi nalaman nilang kasabwat din natin si Alliah. Maganda nang may spy noh? Maganda din kapag naasar si Bella.”

“Eh paano kung isumbong tayo nung Alliah na ‘yon kay Bella at Yui. Edi sya pa ‘tong naging bida?”

She smirked. “Hindi ko hahayaang mangyare yon! Magkakamatayan na muna kami bago ako matalo ni Alliah, Yui at lalong lalo na si Bella.”

Kahit kailan talaga ‘tong si Reyn, gustong gusto na nasasaktan... hayyst!

“(Sigh) Fine. Basta I'm always here para suportahan ka.”

Then I hug her.

-----

Yui’s POV

“Magkikita pa kayo ni Reyn mamaya, Are you sure that you're okay?”

She nod. Hindi namin pinasukan yung mga next class pa namin. Sino ba naman pa ang gaganahang pumasok after ng gulo kanina. Good thing at walang teacher due to their emergency meeting. Wala pa nga kaming inaatendan na class starting kanina.

nasa boxing gym kami ngayon. Binubuhos ni Bella yung galit nya doon sa punching bag. Sobrang galit nya, kasi halos masira na yung punching bag sa kakasuntok nya. Baon na baon. Kawawa si Reyn kapag  nasuntok sya ni Bella. Buti nga sampal lang inabot nya eh!

“Fck you, Reyn! Babasagin ko ‘yung mukha mooo!!! Shit! Damn you!! I really want to punch you!!! ARRGHHH!!” Kanina nya pa inuulit-ulit yan. Para syang baliw!

Hindi ko nalang pinansin yung kanina nya pang sinasabi. Kasalanan kasi lahat ‘to ni Brent eh, kung hindi nya sinaktan si Bella edi sana hindi naghihirap sa nararamdaman nya ‘tong si Bella. Ang hirap kasi sa ibang mga babae, kapag nasaktan eh hirap na hirap nang mag move on. Mahirap ba talaga yon? Iiwan mo lang naman, kakalimutan? Mga gamit mo nga nung bata ka naiiwan at nakakalimutan mo? Pagmomove on pa kaya di mo magawa? Hay naku!

“Yui!! Nakikinig ka ba?”

“Ha?”

inirapan ako ni Bella, aba kasalanan ko bang nagsasalita sya habang may iniisip ako!

“Ang sabi ko, anong oras na!! Baka malate tayo doon sa community service hours natin.” kalmado nyang sabi. 

Grabe talaga si Bella. Minsan nakakabaliw, nung nakaraan halos patayin ako sa sisi kung bakit daw ako pumayag sa ganung consequences tapos ngayon ayaw malate?

Tinignan ko sya simula ulo hanggang paa. “Anong nakain mo bakit parang ayaw mo atang malate?”

Tinigil nya yung pagsuntok sa punching bag at binigyan ako ng isang nakalalokong ngiti. She’s insane.

“Wala lang... Its just, I'm very happy para sa mamaya.”

Inirapan ko sya. “Ano na naman bang gagawin mo friend, gusto mo bang malaman ng buong mundo yang pinag-gagawa mo? Magrerelease pa naman kayo ng new boy group tapos may kakalat na balita?” I explained.

Agad nabalutan ng black yung mukha nya, not literally. “Hindi nila malalaman kung hindi ka mag-iingay!!”

mabilis ko syang binatukan. “Boba ka din, Friend eh. Alam mo ba yung ibig sabihin ng salitang, KALAT? Hayys!”

Kahit kailan talaga nakakaboba si Bella. Hinihimas nya padin yung ulo nya na binatukan ko. Aba! Kasalanan nya na yan.

“Hay nako! Lets go na nga. We’re running out of time. I need to think better plans pa for my revenge!”

She said. Then she grabbed me outside the Gym. This bitch’s going to be demon someday.

-----

Finally we arrived at SVA (St. Vincent Academy) This is the new building ng SVU. Dati na ‘tong ginagamit kaso naluma kaya pinalipat muna ng mga laurel yung nagsstudy dito sa SVU.

We entered the main gate, and suddenly... sobrang maalikabok! *Cough*

“B-bat kasi ang a-likab-bok! Dito!!” Reklamo ko.

Hindi nalang nagsalita si Bella at tinakpan nalang nya yung ilong nya. “Sana nagdala tayo ng mask!” I added.

Since wala pa naman sila Jane at Reyn. Inikot muna namin yung Academy. Malaki at maganda ang school na ‘to. Halatang pinagisipang mabuti ang pag-gawa nito. Ang kaso, madumi at napaka-kalat ng mga gamit. Paano namin ‘to malilinis in 1 month?

“Nasaan na ba ‘yung dalawa?” I asked.

“I don't know.. Isumbon—



Hindi na natapos pa ni Bella yung sinasabi nya ng biglang may sumabat na nang-galing sa likuran namin.

“Sumbongera!”



***

The Bitch Heiresses ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon