CHAPTER 48: Is it too late ?

171 4 0
                                    

Reynalene's POV

Nagising nalang ako dahil sa maliwanag na lugar na kinakalagyan ko. Medyo malabo pa kasi ang paningin ko e, kaya wala pa akong masyadong maaninag bukod sa kulay puti.



“R-Reyn? Okay ka na ba?!” Isang pamilyar na boses ang aking narinig habang pinipilit kong maging malinaw ang aking paningin.


Hmmn...”



“A-Ano? M-May masakit ba sayo?!” galing ulit sa taong nagsalita kanina.



Hanggang sa unti-unti nang luminaw ang pangin ko. Maayos na siya! At ang taong kanina pa pala pamilyar saakin ay si Austin.



Anong ginagawa niya dito?! Hindi kaya.... Nahuli na nila ako?! HINDI! HINDI PWEDE




Mabilis akong bumangon at lumayo sakaniya.

“Wag kang lalapit saakin! Hindi niyo ako mapapakulong!!”

“A-Anong sinasabi mo?!” ma-ang pa ng katabi niyang sa Bella—hindi, si Reynalene.


“WAG N'YO KONG GAWING TANGA!! IPAPAKULONG N'YO KO DIBA?! DIBA?!”


Agad namang tumakbo si Bella sa labas. Tama nga ako, ipapakulong nila ako.. Tama ako! Tatawag sila ng pulis dito! Marahang lumalapit saakin si Austin pero pinapalayo ko siya!



“Calm down, Reynalene... Calm down..”




“NO! NO! YOU!! YOU'RE GOING TO IMPRISON ME!! NOOO! I WON'T LET THAT FVCKING HAPPEN!!”



Maya-maya ay bigla nalang may pumasok na isang babae na naka-puti. Tama! Ito na ang pulis! Naka-puti ang pulis. Siguro sinadya nila 'yan para hindi ko isipin na pulis 'yon!


“WAG KAAANG----Uhmmm...”

Para bang nanghina ang katawan ko ng maramdaman kong may maliit na bagay na tinusok saakin at para bang may likido ito sa loob.




Hanggang sa nasakop na naman ng dilim ang paligid ko.. Hindi! Ikukulong na nila ako...




Bella's POV

“Doc? What happened to her? Why is she doing those crazy acts?!” I asked.

The Bitch Heiresses ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon