CHAPTER 42: Shares

151 5 0
                                    

“Wh-What?!”

Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Mr. Buena Ventura buy 40% shares of our company. Meaning siya na ang bagong Major share holder nang kompanya.

Tumango nalang si papa. Pero may kakaiba sa awra niya. Parang nakangiti pa siya. Oh fuck! Hindi ko na alam ang nangyayare sa kompanya ko.

“Pero may kapalit ang pananatili mo sa kompaniya..” Mahinang bulong ni papa. Narinig ko padin naman iyon.

Napalunok nalang ako nang laway ko. Alam ko ang pasikot-sikot sa loob nang business industry. Bibilhin, papabagsakin. Kaya alam kong kakaiba ang hihilingin nito saakin.


“A-Ano daw pa?!”



Humugot nang hangin si papa at ngumiti saakin. Oh no! “Pakasalan mo ang kaniyang anak na si—Austin Buena Ventura.”


OH YES! Tila naging mga palad ang mga tenga ko at nagsipalakpakan. Well, napangiti nalang ako bigla. “H-Ha?!”


“Marry Austin Buena Ventura para maging isa ang kompaniya nila saatin.”

I sigh. Okay, I guess there's no more turning back.

“Okay. I will!”



Reynalene's POV

From: Harry

All's settled. We need to finish this one. Kapag natalo tayo, wala na tayong magagawa kundi pabayaan sila.

Ako si Reynalene Lagdameo. Wala sa bokabolaryo ko ang 'SUMUKO' kaya kahit alam kong talo na ako sa huli ay lalaban padin ako. Pero pagkatapos nitong plano na 'to. Kapag hindi padin kami nagtagumpay...




Susuko na kamiako.


Austin's POV

“Seryoso ka dad? Paano mo nagawa yun?”


“Binili ko yung shares na binibenta ni Mr. Antonio, este yung ninong mo..”


Hindi ako makapaniwala sa ginawa ni dad. Matagal nang binebenta ni ninong yung shares niya kay dad. Pero bakit ngayon niya lang binili. Is he having fun?


“At bakit ngayon mo lang binili?!”



Nakita kong umikot ang swivel chair niya at hinarap ako nang ngumingisi. “I need to know who's that lovely girl na kinababaliwan nang mga trainee niya at nang magaling kong anak.”



Saka lang pumasok sa isip ko yung tungkol sa piyesta? Kaya ba bigla silang dumating?


“Kaya ba...”


“Oo. Kaya kahit sinabi namin sayo na hindi kami makakadalo sa fiesta ay pumunta padin kami. Dahil sinabi ni Ari na kasama mo daw si Ms. Arevalo kaya naman pinakansel ko lahat nang business trips namin nang mommy mo. Pati ang field trip ni Aki.”




Natigilan ako. Seryoso sila? Ganun ba nila kagustong makita ang babaeng kinababaliwan ko?


“Hindi mo naman kami binigo 'nak. Dahil nakita namin na you guys are meant for each other.” Nakita kong ngumisi si dad. “That's why binili ko ang shares nang ninong mo para maisalba ang babaeng pinakamamahal mo na ipinahiya mo.”



The Bitch Heiresses ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon