Nakatayo ako sa may arrival area, hinihintay ang sundo ko na si Kath at Daniel. Grabe, ang init talaga sa Pilipinas.
"JULIAAAAAAAA!!" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Si Kathryn ang nakita ko na patakbong papunta sa'kin. Sinalubong ko siya.
"Oh My God! Kath! It's been so long! God, I missed you!" Bati ko sakanya.
"Hay nako! Inglesera ka na ha! Mukhang dudugo ilong ko tuwing kakausapin kita, girl! Pero namiss din kita!" Sabay yakap sa'kin ng mahigpit.
"Hep! Hep! Bakit hindi ako kasama sa group hug na yan!" Sigaw ni Daniel na sumulpot sa harapan namin ni Kath.
"Oh my Gee! Ang ganda ganda mo na Julia! Tignan mo Kath! Dapat pala nag America ka na rin para kagaya mo na si Juls!" Pang-aasar ni Daniel kay Kath. Nabatukan tuloy siya ni Kathryn
"You guys didn't change at all! Sobra ko kayong namiss!" Sabi ko sakanila sabay yakap sa kanilang dalawa.
"Ayun! Nagtatagalog ka naman pala eh! Hala, tama na nga kaka-english, masakit sa ulo at baka magka nose bleed pa kami ni Kath. Halika, inaantay na tayo ni Mama!" Binuhat na ni Daniel at itinulak naman ni Kath na yung mga bagahe ko at nagtungo na kami sa sasakyan ni Daniel.
Nakalimutan ko pa lang sabihin na bukod sa magkababata kami ni Daniel, magpinsan rin kami. Magkapatid ang mommy niya at mommy ko.
"Alam mo, Juls sobrang excited na si Mommy makita ka. Akalain mo bang pinaalis ako sa kwarto ko at dun ka daw kasi magsstay. Naging kwarto ko tuloy bigla yung attic. Puro agiw pa naman dun." Pagsusumbong ni Daniel.
"Hay nako, DJ! Wag ka na nga magreklamo. Pag si best friend ang pinatulog mo sa attic, siguradong lagot ka kay Tita Karla!" Pananakot naman ni Kath. Si Tita Karla ang mommy ni DJ.
"Oo nga pala, bes. Bukas punta tayo sa school. Samahan ka namin na mag inquire!" Yaya ni Kath. Tumango lang ako.
"Oh, couz. Bakit parang ang tamlay mo? May problema ba?" Tanong ni DJ.
"No. I'm fine. Napagod lang ako sa flight." Ngumiti ako at tumingin na lang sa bintana. Medyo naninibago pa siguro ako sa Pilipinas. 10 taon din kasi mula nung huling nandito ako. Marami na ang nagbago. Kung sana nandito rin siya... napabuntong hininga na lang ako.
"Haaay, bes! Iniisip mo na nama ba si Quen?" Sabi ni Kath.
"Uh kind of" Matipid kong sabi.
"Bes! Di mo na kailangan magworry kung asan na yung si Quenito! Actually, magkaka-schoolmate kami. Last year pa siya nandito sa may atin. Di lang namin nababanggit sa'yo." Sabi ni Kath
"Sus. Baka naman hindi matuwa yang si Julia pag nakita niya si Quen. Mabuti pa ata na hindi na lang un bumalik dito eh." Nakasimangot na sabi ni DJ. Nakatikim tuloy siya ng napaka lakas na hampas galing kay Kath. "ARAY! Lagot ka talaga sa'kin mamaya, Kath!" Sigaw niya, binelatan lang siya ni Kath.
"Why? Bakit hindi ako matutuwa?" Pangungulit ko sa kanila.
"Uh. Mabuti pa, ikaw na lang ang magjudge bukas pag nagkita na kayo." Sabi na lang ni Kath.
Bakit kaya?