Chapter 4

195 4 0
                                    

ENRIQUE'S POV

Shit. I'm running late. Patakbo akong pumunta sa classroom, 12:30 na kasi at kanina pa nagsimula yung klase. Habang nagmamadali ako, nadaanan ko ang isang grupo ng mga babae. Agad silang nagtinginan sa'kin nung sabihan ko sila ng "Excuse me."

"EEK! Si Enrique!!" Automatic na nagtiliian silang lahat. Napasimangot na lang ako. Araw-araw, ganito na lang lagi kami sa UST. Tuwing may mga babae na nakakakita sa'kin, agad silang magtitilian o kaya magtutulakan para lang makalapit sa'kin. Nakakasawa na. Oo, alam ko na gwapo ako at talagang malakas ang sex appeal ko, ang hindi ko lang maintindihan, ay kung bakit nila kailangan magingay ng sobra. Nakakabwisit kaya. Bumuntong hininga na lang ako at ngumiti sa kanila. Show them your fakest smile, Enrique.

"Hi girls." Bati ko sakanila habang nakangiti. Nagtilian na naman sila at parang halos hihimatayin. Natatawang umiling ako at naglakad papalayo. Mga babae talaga.

"Enrique!" May tumawag sa'kin. Si Xian pala. 

"Sup bro." Bati ko.

"May new student daw kayo ah!" Sabi niya.

"Huh? Ewan ko. Kakapasok ko lang eh." May new student daw, sino naman kaya. Napaisip tuloy ako.

"Babae ata eh. Narinig ko kanina sina Sam na pinaguusapan. Maganda daw!" Sabi ni Xian, mukhang sobrang excited na siyang makita yung new student. Umiling ako.

"Alam mo ikaw, may girlfriend ka na nga, kung sino sino pang babae hinahanap mo! Isusumbong kita kay Megan eh!" Pananakot ko, sobrang under pa naman 'tong si Xian kay Megan.

"EHHH! Joke lang, eto naman oh! Gusto ko lang naman makita!" Pagrarason niya.

"Sus. Kala ko ba sabi mo walang masyadong maganda sa mga Economics major?" Tanong ko sakanya. Dati kasi kapag napaguusapan kung anong major sa College of Commerce ang maraming maganda, sinabi ni Xian na ang major ko daw na Economics ang pinaka kinukulang sa mga magaganda. Palibhasa, Marketing ang major niya at Finance naman ang major ng girlfriend niyang si Megan kaya niya sinabing yung Marketing at Finance lang daw ang maraming magaganda. 

"Iba 'to, pare! Sabi nina Sam, iba daw yung ganda nito. Tipong maladiyosa." Pagdedescribe ni Xian.

"Alam mo tol, walang ganyang babae. Baka naman namamalikmata lang yung sina Samuel." Sabi ko.

"Hay nako. Hindi ko alam kung bakit ba kita kaibigan, wala ka talagang kahilig hilig na mamuri ng babae! Kaya hanggang ngayon wala ka pa ring nagiging girlfriend na seryoso!" Sabi ni Xian.

"Wag mo nga akong sitahin. Hindi naman kasi talaga dapat sineseryoso ang mga yan. Enjoy-in mo lang." Sabi ko habang natatawa.

"Baka mamaya sa kaka-enjoy mo, magka STD ka na!" Pang-aasar ni Xian. Nahampas ko tuloy siya ng libro na hawak ko.

"Gago! Anong STD ka diyan! Baka ikaw!" Balik pang-aasar ko sakanya.

"Uy! Wala ah! Si Megan lang naman ang--" Pagsisimula niya.

"Gago, ayoko marinig yang mga ginagawa niyo!" Natatawa kong sabi, Sira ulo talaga 'tong si Xian

"Bakit? Naiingit ka ba? Matagal tagal na rin nung huli mo ah!" Patuloy niya.

"Tangina tol. Wag na nga na'ting pag-usapan. Masyado pang maaga para pagusapan yan!" Sabi ko habang pinipigil yung tawa ko. Napatingin ako bigla sa relo ko. "Shit. Ayan! Late na ako lalo, daldal mo kasi eh! Kita na lang mamayang break, una na ako." Paalam ko sakanya. Habang naglalakad ako papalayo, sumigaw si Xian.

If We Try (JulQuen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon