"Hija!" Salubong sa'kin ni Tita Karla na inaabangan ang pagdating namin.
"Tita! I missed you!"Salubong ko rin kay tita ng yakap.
"Kamusta ang flight? Ang biyahe sa car? Hindi ka naman ba pinerwisyo ni DJ?" Sabi ni Tita Karla, sabay irap kay Daniel.
"Mama naman! Good boy ako no. Hindi ko masyadong binwisit si Julia kasi alam kong medyo jet lagged pa yan." Sabay ngiti ni DJ kay Tita Karla.
"Hay nako, Tita. Buong biyahe binwisit ni DJ si Juls. Nagrereklamo kasi daw sa attic siya matutulog dahil umuwi daw si Julia" Pagsusumbong ni Kath.
"Naku nako. Ikaw talaga Daniel John Ford! Kakadating lang ng pinsan mo kung anu ano na pinagsasabi mo. umakyat ka na nga dun at ayuisn mo yung gamit ni Julia! At wag kang baba at kakain hanggang hindi mo pa tapos yon!"
"Wow, ma! Feel na feel ko talaga na anak niyo ko. I love you too ma, sobra. Grabe!" Paglalambing ni DJ kay Tita sabay akyat ng hagdan bitbit yung mga gamit ko.
"Oh Julia, Kath. Halika at kumain muna kayo, niluto ko yung favorite mo na pasta, Juls!" Pagyaya ni Tita Karla.
Kumain kami ni Kath, at dahil nga halos 10 taon din kaming hindi nagkita ng harapan, kung anu ano na ang napagusapan namin.
"Grabe, bes! Sobrang daming nagbago dito sa'tin. Simula nung umalis ka, no choice tuloy ako na makasama si DJ everyday of my life! Jusko, takot ko na lang na maging magkamukha na kami niyan!" Umiiling iling na sabi ni Kath.
"Talaga? Know what, medyo magkamukha na nga kayo ng pinsan kong iyon." Natatawa ko namang sabi.
"No way, bes! Sa ganda kong 'to? ASA NAMAN!" Nadidiring sabi ni Kath.
"Hoy, hoy, hoy! May naririnig ata akong panget na nagsasabi na maganda siya." Biglang sumulpot na naman si DJ sa harap namin ni Kath.
"Alam mo, kanina ka pa sulpot ng sulpot bigla diyan! Para kang kabote!" Paninita ni Kath.
"Tss. Kabote? Ako? Ang gwapo ko naman atang kabote." Pagmamayabang ni DJ.
"Hay nako, bes. Nangangarap na naman yang pinsan mo ha!" Pangaasar pa ni Kath.
"Hala, couz oh. Nilalait ang lahi na'tin. Huhuhu." Pagsusumbong sa'kin ni DJ.
"Hoy DJ! Mahiya ka nga sa balat mo! Syempre si Bes napakaganda niyan! Wag mo siya igaya sa'yo. Nagkamali lang ata si Tita Karla sa pag-uwi ng baby galing ospital." Sabi naman ni Kath
"Ano ka, syempre anak talaga ako ni Mama, at pinsan talaga ako ni Juls. Sa gwapo ko ba naman 'to, obvious na kalahi ko talaga sila. Tanggapin mo na lang na gwapo talaga ako, uhugin ka lang eh." Sabay tawa ng malakas ni DJ.
"Guys! Stop fighting! Grabe, until now, ganyan pa din kayo. Nagaasaran until sobrang may mapikon na" Natatawa kong sabi.
Biglang dumating si Tita Karla sa dining room. "Oh Daniel, tapos ka na ba magayos ng gamit ni Julia? Diba sabi ko sa'yo tapusin mo muna yon bago ka makigulo dito."
"Hehe. Eh Mama, nagutom kasi ako bigla eh. Baka ubusan ako ng matakaw ko na pinsan." Sabay turo niya sa'kin.
"You're so mean! Tita oh!" Sumbong ko naman kay Tita Karla.
"Daniel, wag mo nga aawayin si Julia, kita mo ng kakauwi lang niyan at jet lagged." Paninita ni Tita Karla.
"Hindi ko na po aawayin ang balikbayan." Sabi ni DJ habang nakataas pa ang kanang kamay.
"Oo nga pala, Julia. Bukas pwede ka ng pumunta sa UST at mag enroll ka na. Magpasama ka diyan kay DJ at Kath." Sabi ni Tita Karla. Tumango lang ako.
Maya maya ay umakyat na kaming tatlo nina Kath at DJ sa kwarto ko. Maganda ang pagkakaayos nun, mukhang talagang pinag hirapan ni Tita Karla ang pag-aayos ng kwarto.
"Couz, alam naming pagod ka na kaya iiwan ka na muna namin ah. Pahinga ka lang diyan! Tapos bukas, gumising ka ng maaga para makasabay ka na sa'min pumasok sa school." Sabi ni DJ
"Is it not too late for me to enroll?" Tanong ko.
"Hindi ah. Kakasimula nga lang ng school year last week. Tapos halos wala pang mga ginagawa at yung mga professor, hindi pa nagsisipasok." Sagot naman ni Kath.
"Alam mo, sobrang matutuwa ka sa UST. Natatandaan ko kasi diba nung bata pa tayo sabi mo dream school mo yon." Sabi ni Kath.
"Yeah, I remember. Pero kaya ko lang naman yun dream school before kasi dream school din yun ni Quen..." Sabi ko. Naalala ko na naman tuloy si Enrique.
"Hay, bes. Wag ka na masyado mag-reminisce kay Quen. Makikita and makakausap mo na naman siya starting tomorrow." Sabi ni Kath
"Tsk. Baka kausapin siya." Sabi ni DJ ng pabulong.
"What?" Tanong ko, parang hindi ko masyadong narinig yung sinabi niya. Biglang siniko ni Kath si DJ
"Ah. Nothing" Simula niya. "Ay, ano ba yan. Napapa english na tuloy ako. Oh sige na, Juls. Magpahinga ka na at ihahatid ko na pauwi 'tong si Kath na uhugin. Kita kits na lang tayo bukas hehe." Sabi ni DJ na agad ng lumabas ng kwarto.
"Bye bes. See you tomorrow! Sleep well ha!" Bumeso na siya sa'kin at umalis.
Pagkaalis nina Kath, naligo muna ako at nagpalit ng pantulog, pagbalik ko sa kwarto ay nilibot ko ang paningin ko sa mga pictures na nilagay doon ni Tita Karla. Halos lahat ata ng picture na pinadala ni Mommy kay Tita habang nasa America kami ay nandoon. Habang tinitignan ko ang mga picture, napansin ko ang isang picture frame na nakapatong sa vanity table. Napangiti ako sa lumang larawan. Tandang tanda ko kasi yung araw kung kailan kinuha 'tong picture. Kaming 4 nina Kath, DJ, at Quen yung nasa picture, kuha yon nung 7 years old pa lang kami, sama samang nag beach ang mga pamilya namin nun. Magkatabi sina Kath at DJ, at kami naman ni Quen ang tabi. Nakasimangot si Kath sa picture kasi nilagyan siya ni DJ ng buhangin sa buhok, habang ang pinsan ko naman ay may pilyong ngiti, nakaakbay naman sa'kin si Quen habang may hawak siyang starfish at ako naman ay may hawak na mga sea shells. Sobrang lawak ng ngiti namin at mukhang masayang masaya. Lalo ko tuloy namiss si Quen.
Excited na talaga ako na makita siya bukas...