Chapter 3

157 3 0
                                    

Pagdating ng 9 o'clock, ginising na ako ni DJ at sinabing kailangan ko na daw mag-ayos kasi 12 ang start ng klase. Mga bandang 11 dumating na rin si Kath at sabay sabay na kami umalis. Pagdating namin sa UST, talagang humanga ako sa school. Ang lawak kasi at ang ganda, at napansin ko rin na ang ganda ng architecture ng mga building. Dumirecho kami sa College of Commerce. Pagkabigay ng schedule ko, sabi sa'kin nung Dean, pwede na daw akong mag attend ng mga klase ko. 

"Bes! Same pala tayo ng section eh!" Excited na sabi ni Kath.

"Hoy hoy, kasama niyo rin kaya ako." Sabi ni DJ

"Hindi naman kasi matutuwa si bes sa impormasyon na yon kaya hindi ko na lang binanggit. Hmp." Binelatan ni Kath si DJ kaya hayun, nagsimula na naman ang dalawang aso't pusa na mag-asaran.

"Umm, guys? I think we still have classes to attend to.." Sabi ko dahil malapit na ring mag alas dose.

Habang nakatayo ako dun at iniintay na matapos yung asaran ng dalawa, may 4 na lalaki na dumaan at tumigil sa harapan ko.

"Hi." Sabi sa'kin nung isang lalaki, medyo matangkad at gwapo. Maganda rin ngumiti. Hindi ko naman siya pinansin dahil hindi ko naman siya kilala.

"Ang sungit naman. Nawawala ka ba, miss?" Tanong naman nung isa niyang kasama. Gwapo rin, medyo kinulang lang sa height.

Dahil medyo naiirita na ako at hindi ako comfortable sa mga presensiya nila, natarayan ko tuloy sila. "No, I'm not lost. You can leave me alone now."

"Ay, english speaking pala." Sabi nung isa pang kasama.

"Ang ganda niya." Sabi nung pang-apat.

Medyo nabubwisit na ako kasi pinaguusapan nila ako kahit nasa harapan lang nila ako. Buti na lang at natapos na mag-away si DJ at Kath kaya lumapit na rin sila sa'kin. Inakbayan ako ni DJ at sinabing,

"Ops Ops Ops. Anong ginagawa niyo at hinaharass niyo ang napakagandang babaeng ito?" 

"Uy DJ, girlfriend mo ba yan? Lakas ah!" Sabi nung lalaki na kinulang sa height.

"Naks, DJ. Iba na!" Natatawang sabi nung matangkad na gwapo.

"Sira ulo. Pinsan ko 'to!" Pagmamayabang ni DJ. Wow, proud cousin.

"Bawal niyong pormahan ha!" Dagdag pa ni DJ.

Biglang sumingit naman si Kath. "Hay nako. Wag nga kayong makinig diyan kay DJ, very single and available yang si Bes!" 

Sabay naman kaming napatingin sakanya ni DJ.

"Hoy Kath, bakit mo naman binubugaw yung pinsan ko?!" Sabi ni DJ kay Kath. Biglang hinablot ni Kath yung braso ni DJ at may kung anong sinabi, hindi ko naman narinig dahil lumayo silang dalawa. Maya-maya bumalik yung dalawa na pa ngiti-ngiti.

Umakbay uli sa'kin si DJ. "Bro, si Julia nga pala. Cousin ko." Pakilala niya sa'kin sa mga lalaki na kanina pa nakatayo sa harapan ko. Akala ko ba sabi wag daw ako pormahan... labo

"Couz, siya si Jeremy" Turo ni DJ dun sa pang-apat na nagsalita kanina.

"Eto naman si Michael." Turo niya dun sa lalaki na gwapo pero maliit.

"Si Angelo" Turo niya dun sa lalaki na sobrang tangkad, pero hindi kagwapuhan.

"At syempre, si Sam." Pakilala ni DJ dun sa gwapong lalaki na matangkad at medyo mahaba yung buhok. Maganda rin siya ngumiti.

If We Try (JulQuen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon