JULIA'S POV
Nasa mall kami nina Kath, DJ at Sam ngayon, nagaya kasi sila na manood daw ng movie. "Ano gusto mo panoorin, Juls?" Tanong sakin ni Sam. "Kahit ano, okay lang." Nakangiting sagot ko sakanya.
"Gusto mo ng horror, couz?" Tanong sakin ni DJ habang nakapila kami sa bilihan ng ticket. "Ayos lang. Hindi naman ako duwag." Sagot ko.
"Ikaw nga ang duwag diyan eh!" Sabat ni Kath na tumayo sa gilid ko.
"Hindi kaya! Ang tapang ko kaya sa ganyang bagay." Sagot ni DJ na may halong pagyayabang.
Ilang minuto pa yung lumipas, lumapit na si Sam samin hawak yung 4 na ticket.
"Eto guys, yung The Conjuring yung ticket na nabili ko." Sabi ni Sam habang inaabot samin yung tickets.
"Thanks, Sam!" Sabi ko. Kinuha ko na yung wallet ko para bayaran siya pero pinigilan niya ako.
"Libre ko na to." Sabi niya na may malapad na ngiti.
"Nakakahiya naman sa'yo." Sabi ko sakanya.
"Okay lang, ano ka ba. Malakas ka naman sa'kin." Sabi niya sabay kindat.
Medyo nagulat ako dun sa pagkindat niya kaya ngumiti na lang ako. Napalingon naman ako kay Kath at Dj na parehas naka-ngisi sa'kin. "You look like idiots." Sabi ko ng natatawa.
"Cute niyo kasi, bes!" Sabi ni Kath. Natawa naman si Sam sakanya.
"Hoy, ano ka ba Bernardo. Mahiya ka nga." Natatawa kong sagot.
"Hay nako, wag na nga tayo magdaldalan at baka malate pa tayo sa movie." Sabi ni Dj sabay hila sa braso ni Kath papunta sa loob ng Cinema 5 kung saan ipapalabas yung The Conjuring.
Nakita ko yung poster bago kami pumasok at medyo tumaas yung balahibo ko. Ang creepy naman kasi nung itsura. Mukhang mapapasubo ata ako dito sa palabas na 'to.
ENRIQUE'S POV
Ang loner ng pakiramdam ko. Bakit ko ba kasi naisipan pumunta dito sa mall at sundan pa sina Julia? Punyeta naman oh.
Pumasok sila sa Cinema 5, dali dali naman akong bumili ng ticket para sa movie at sinundan sila sa pagpasok. Ang loser ng itsura ko dahil mag-isa lang akong manunuod ng sine. Bago pa man magsimula yung movie, tinext ko muna si Xian.
To: Xian Lim
Bro, san ka?
Ilan minuto lumipas at nagreply din si kumag.
From: Xian Lim
Trinoma
Sakto! Nandito rin sa Tri si Xian! Ayun, may makakasama na ako.
To: Xian Lim
Punta ka sa Cinema! Bumili ka ng ticket para sa Cinema 5. Samahan mo ko manuod ng sine. Tangina ang loser ko, magisa lang ako.
Maya maya pa ay nagreply na si Xian.
From: Xian Lim
Tanginang yan. Sige sige. Nakabili na ako ng ticket. San banda ka?
Bago pa man ako makareply ay nakita ko na si Xian na hinahanap ako sa mga upuan. Maliwanag pa kasi at hindi pa nagsisimula yung movie kaya nakita ko pa siya.
"Xi!" Tawag ko sakanya. Lumingon naman agad siya at tumabi sa'kin.
"Anong trip mo? Bakit bigla mo naisipan manood ng horror?" Tanong niya sa'kin.
"Basta! Hindi ko nga 'to pinlano eh! Manood ka na lang at ienjoy mo yung movie. Wag ka masyado maingay." Suway ko kay Xian. Baka kasi magingay 'to at makita pa kami nina Julia, mabuking pa na sinundan ko sila.
Kaya lang naman ako sumunod kasi syempre nagaalala ako for Julia. Te-teka! Anong nagaalala ka diyan?! Di ka nagaalala sakanya!
Hindi pala. Curious ako, oo tama! Curious lang ako kung bakit siya sumasama kay Sam kahit sinabi na nga namin na manyak yun. Nandito lang ako para magobserve. Hindi nun ibig sabihin na concerned ako sakanya. Diba, Enrique? Curious ka lang talaga.