Chapter 6

57 3 0
                                    

JULIA’S POV

Hinihintay namin ni Kath si Megan sa may lobby ng Commerce Building, kinausap niya kasi yung Dean na kaming dalawa ni Kath ang handpicked niya sa pageant, at si Quen naman at si DJ ang handpicked ni Xian.

Sabay na dumating si DJ at Quen. Nakatitig lang sakin si Quen habang naglalakad sila. Dumirecho si DJ kay Kath. Umakbay siya dito.

“Couz, may sasabihin lang ako dito kay Kath ha.”  Sabi ni DJ. Tumango lang ako.

Awkward kaming naiwan ni Quen. Walang nagsasalita sa’ming dalawa.

“Uhm” Simula ni Quen, napatingin ako sakanya. “I take back what I said during class.” Sabi niya. Nakatanga akong nakatitig lang sakanya, inaantay na may iba pa siyang sabihin. “Sorry for being such a jerk.”

“It’s okay.” Matipid kong sabi.

“Uh. So kamusta?” Sabi niya. “Kailan ka pa bumalik?”

“I’m fine.” Sagot ko. “Kahapon lang.”

“Ah. Kamusta si Tita?” Sabi ni Quen, tukoy sa Mommy ko.

“She’s fine. May asawa na nga ulit siya.” Sagot ko.

Kung anu anong factual topics pa ang pinagusapan naming ni Quen ng bumalik ulit sina Kath at DJ, ngayon naman ay kasama nila si Sam.

“Hi. Nice to see you again.” Nakangiting bati ni Sam sa’kin. Ngumiti din ako sakanya at bumati. Hindi ko alam kung bakit, pero ngayon ko lang napansin na napaka gwapo nga ni Sam, may ibang dating yung mukha niya.

“Balita ko ako dapat partner mo sa pageant ah?” Sabi niya. Tumango ako, napatingin naman ako kay Quen na medyo masama ang tingin kay Sam.

“Pero you’re in good hands naman, mabait naman yang si Enrique. Medyo chick boy lang.” Sabi ni Sam sabay kindat. Natawa ako, si Kath at DJ. Tumikhim lang naman si Quen.

“Ay bes. Tinatanong pala nitong ni Sam if uuwi ba daw tayo agad?” Sabi ni Kath sakin.

“Ask DJ. Siya naman kasabay ko eh.” Sabi ko.

“Kasi couz, gusto kong pumunta ng mall, eh tamang tama, nagyaya ‘tong si Sam na magmovie daw tayo. Ano, G ka ba?” Tanong ni DJ sa’kin.

“Uhm. Sige.” Sabi ko. Biglang sumingit si Quen.

“May practice daw mamaya.” Sabi niya. Napatinging ako sakanya. Biglang sumulpot si Megan na kasama si Xian.

“Uy Meg, diba may practice mamaya?” Nakangiting tanong ni Quen kay Megan.

“Ah. Oo pala, cancelled yung practice, bukas na lang daw sabi ni Dean.” Sabi ni Megan.

“So, ibig sabihin pwede ka na sumama?” Sabi sakin ni Sam.

“Yup. Sama na ako.” Excited kong sagot. Napatingin ako kay Quen at medyo nakasimangot siya. Nagkibit balikat na lang ako.

ENRIQUE’S POV

Nakakainis talaga yung si Sam!

Kanina pa umalis sina Kath at DJ, kasama si Julia at Sam. Mukha tuloy silang magdodouble date. Kainis… teka. Bakit nga ba ako nagagalit? Ano bang pakielam ko diyan kay Julia? Diba nga, galit ako sakanya!

“Bro, bakit ba kanina ka pa nakasimangot?” Tanong ni Xian sakin. Nandito kami ngayon sa may Simple Line, inaantay na matapos bumili si Megan.

“Wala.” Nakasimangot ko pa ring sagot. Lumabas na si Megan at sabay na kaming tatlo naglakad papuntang car park.

“Oh what’s wrong, Enrique?” Sabi ni Megan.

“Wala nga. Alam niyo, ang kulit niyong mag boyfriend ha.” Naiirita kong sagot.

“Sus, if I know, baka naman kasi naiinis ka lang na magkasama sina Julia at Sam ngayon?” Sabi ni Xian.

“Alam mo ikaw, kung anu ano pinagsasabi mo diyan.” Sabi ko sakanya.

“Alam mo Enrique, if you like Julia, you should go get her.” Sabi ni Megan

“Pano mo naman nasabi na gusto ko siya? Hindi kaya.” Sagot ko.

“Ah hindi ba? Well, that’s good. Sure kasi ako na wala kang chance sakanya.” Sagot ni Megan.

Natatawa akong napatingin sakanya “Ako? Walang chance? Sure ka ba? Sa gwapo kong ‘to?” Sagot ko habang naka-smirk.

“Hay nako. Yabang mo. Hindi mo ba alam na super sikat si Julia sa States? Dami niya kayang manliligaw!” Sabi ni Megan.

“Sa States yon, hindi dito.” Sabi ko.

“Duh! Di ka ba nagiisip? Kung sa States nga ang dami ng nagkakagusto sakanya, eh dito pa kaya?” Mataray na sabi ni Megan.

“Alam niyo, wag na nga kayong mag-away na dalawa.” Suway ni Xian samin.

“Eh kasi yan girlfriend/kaibigan mo!” Sabay naming sabi ni Megan.

“Ay nako. Bahala na nga kayo diyan, uuwi na ako sa condo. Kita na lang tayo mamaya Xi.” Sabi ko, at naglakad na ako papunta sa kotse ko.

Malapit lang naman ang dorm ko sa school. Mga 10 minutes na lakad, pero nagmamadali kasi ako kaninang umaga kaya dinala ko na ‘tong sasakyan ko. Habang papalabas ako ng UST, parang may biglang nagudyok sakin na pumunta sa mall. Teka, bakit ako pupunta ng mall? Tsk Ilang minuto pa akong nakipagtalo sa isipan ko, pero maya maya ay niliko ko na rin ang sasakyan ko at nagtungo sa mall. 

Pagdating ko dun, hindi ko sigurado kung saan ako pupunta. Bakit ba kasi nagpunta pa ako dito?

If We Try (JulQuen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon