"Kai, since nagbago ka na, hahayaan na muna kita. Malapit ka namang mag-18 diba? Pero okay lang ba kahit gabi kami lagi umuuwi ng daddy mo? Alam mo naman, parang dati, trabaho kasi anak eh."
"Okay lang yun ma basta magkakasama tayo ng gabi. Sige. Babye!"
"Bye!"
Today's the first day of school. Ewan ko lang kung may chance pa ako. Si Vanna kasi nasa section Einstein, after mga 2 classrooms from section Newton (section ko). I just crossed my fingers as I walked inside the classroom. Naupo ako sa isang vacant chair sa corner, mag-isa lang ako. Para hindi ako magmukang tanga, nagbasa ako ng isang audiobook. Of course dinala ko din yung headphones ko. Audiobook nga eh. Kaso bago ko iplay, may narinig akong nagtatawanan sa labas.
"Boi kagaguhan naman!"
"Hahahaha! Buti nga dakdak ka kasi ng dakdak."
"'Pag 'di kayo tumigil tatadyakan ko kayo."
"Bully!"
Nilakasan kong konti yung pinapakinggan ko. 'Pag may naririnig akong ganyang magsalita, naaalala ko yung past. Hindi ako maka-conconcentrate sa binabasa ko.
"Tol, uy! Natulala ka ata?"
"Malamig ba yung natapon sa'yo? Hahaha!"
"Dre, 'wag kang ganyan. Seryoso yung tingin niya oh."
"Bully nga kasi s'ya!"
Sinubukan kong mag-glance ng konti para 'di halatang nakatingin ako sa kanila. Blurry naman paningin ko. Inayos ko kunwari yung buhok ko at tumingala para makita ko sila.
OMG W-
"Oh my gosh, Kylineeeee!!"
Buti na lang natupad ang wish ko. Naghiwalay kami ng school, naging magkaklase pa! Tadhana ba 'to? Pinause ko yung pinapakinggan ko at tinago yung binabasa ko para malapitan sila.
"Guys! Omg halavyoooo!" sabi ko.
"Yes! Independent na ulit tayo! Sa wakas at ala na 'yung bwisit na Penelope na 'yan." sabi ni Twittle.
"Hahahaha! Oo nga! Pero sigurado akong nakalimutan na ni mama 'yon. Four years ago pa naman nangyari 'yon eh."
"Truuuue!"
Nangiti lang ako until Darren caught my eye.
"Darren!" sabi ko at niyakap siya. Niyakap niya din ako. Pero bumitaw din ako agad. Akward kaya. Tsaka basa yung damit niya. Ah, siya pala natapunan XD
"Buti pa si Darren may hug, kami wala," sabi ni Stacy. "yieeeee."
"Group hug!" sabi ko at nag-group hug kami.
*krrrriiiing*
"Tse! Time na kung time!" sabi ni Andrea.
"Pwede ba makitabi sa inyo?" sabi ko.
"Sa isang condition," sabi ni Darren. "Ikaw na bahala sa bag ko."
Sa sinabi niya, may naalala ako.
"Baka mabigat nanaman 'yan?" sabi ko sabay tawa.
"Hindi!"
"Sige basta ikaw bumitbit sa bag ko."
Kinuha ko yung bag niya--hindi nga mabigat--at nilagay sa tabi ng upuan kung saan nakaupo si Mavy. Lumapit naman si Darren. Nilagay niya 'yung bag ko sa tabi ng upuan kung saan siya nakaupo. Tumawa lang ako at naupo. Pumasok na din yung professor namin.
"Good morning sa lahat. At bago tayo bumaba para sa orientation, ako si Mrs. Monica Cortez. Thank you for enrolling at Lexber University! Mamaya na tayo magpakilala sa isa't isa so tara na't bumaba na tayo." mabilis na sabi ni ma'am.
BINABASA MO ANG
The Dare 2: Memories (KyRren FanFic)
Fanfictionnot edited WARNING: cringey af af It's been three years since we moved to Manila. I still got my ring and necklace safe with me. Now that I'm a college girl already, I'm about to meet a group in school. Someone that has been my bestfriend; someone t...