Chapter 6: Choices

340 13 8
                                    

Isang linggo na yung nakalipas after ko siyanh ifriendzone. Monday ngayon by the way. May inannounce kanina si Coach. PE teacher namin siya pero sabi niya mas maganda kung 'coach' tawag namin sa kanya. Choosy hahaha! Anyways, meron daw tryouts sa basketball, volleyball, badminton at swimming sa Wednesday. Ewan ko kung saan ako sasali kasi marunong ako mag volleyball, adik ako sa swimming, at mahilig akong mag badminton.

Magpapass na kami ng assignment sa Calculus ngayon. Last period namin yung calculus. Limang minuto na lang bago dissmissal.

"Hala bhe," narinig kong sabi ni Stacy. "Nagawa niyo ba?"

Yan ang sinasabi ko sa inyo.

[flashback]

Sabi nila 'group study' daw kami sa unit nila Andy. Ako lang naman nagdala ng libro. In-eencourage ko silang gawin yung assignment namin sa Calculus kaso sabi nila bukas na lang daw. Kung kelan last minute tsaka nila gagawin.

"Gagawa ba kayo ng assignment o ano?!" sigaw ko. Syempre may pakealam ako sa grades ko. College na ako eh.

"Hayyy... sino ba dito mabait na may alam sa calculus?" sabi ni Cassy.

"Si Kyline." sabi ni Andrea.

"Kaso 'di ako mabait." sabi ko. Katamad kaya. Bahala sila sa assignment nila.

Good news ay 2 questions lang, 25 points each kasama yung solution. Bad news... alam niyo na.

Tapos ko na yung una. Eto na lang.

(A/N: Yung equation galing po sa google at transparent siya so I suggest na gawin niyong white yung background if you know what I mean para mabasa niyo yung equation

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(A/N: Yung equation galing po sa google at transparent siya so I suggest na gawin niyong white yung background if you know what I mean para mabasa niyo yung equation. :))

Pwede kaya mag calculator kahit ngayon lang? Muehuehuehue. Nakokonsensya ako eh. Try ko na rin kaya lels. Kinuha ko na phone ko at cinalculate. Huhubels ang sama ko na

[15 minutes later]

Nasagutan din sa wakas.

"Hoy mga mongoloid sumagot na nga kayo sa assignment!"

Nakita ko si Andrea at JK sinasagutan na nga yung assignment nila.

"Eeexcept kela Andy." sabi ko ng mabagal.

Napa-grin ako at umupo sa isang tabi. Kinuha ko cellphone ko para hindi ako magmukang tanga. Nanood ako ng mga musicals sa YouTube. AVPM to be exact. Pangatlong beses na yun.

[end of flashback]

Ay oo nga pala naalala ko yung AVPM, 'di ko pa natatapos. Parang gusto ko din kasi mag-theatre eh.

So ayun, sa grupo, kami lang nila Andy, JK, at Cassy lang nagpass. Well, mejo ikinahiya ko si Darren dun.

Nung nagring na yung bell, lumabas na kami ng classroom. Nakita ko si ma'am Cortez on the way sa gate. Mejo close na kami ngayon. Nays hihihi XD

"Kyline! Darren! May auditions kami sa theatre club. Ako nagmamanage nun. Gusto niyo bang sumali? May auditions kami sa Wednesday. Okay lang naman kung ayaw niyo. Naisip ko lang na baka gusto niyo kasi mahilig kayong kumanta." sabi ni ma'am.

Theatre!!

Ay pakshet yung tryouts! Badminton na lang! Ay teka, volleyball! Shems.

AVPM, AVPM, AVPM...

"Ma'am kapag po ba sumali sa theatre, magiging worthy na po ba yun kapag po may auditions po sa... kunwari, Kids Acts PH, Star Kid PH?" sabi ko.

(A/N: Wala atang Star Kid dito sa PH? Yun kasi yung gumawa sa AVPM haha)

"Last last year pumunta dito yung Kids Acts. So malay mo may unexpected na magheld ng auditions dito."

"Sige subukan ko po."

Napatingin naman ako kay Darren. Kinuwento niya sa'kin noon. Bata pa lang daw siya talagang dream niyang maging singer. Tapos nung 9 years old siya nagbabasketball na siya.

Nag-isip pa siya.

"Ilista niyo na po ako."

Magthetheatre siya?!

"Sige, after class bukas punta kayo sa auditorium. Meron na kaming script na babasahin niyo. Okay yun lang."

Ayun, nag-ngitian lang kami tska umalis.

Sa tingin ko tama yung decision ko. Baka kasi hindi ako matanggap sa tryouts. Eh after class din yun. Pocha dami kong problema.

Tryouts o auditions?

(A/N: High School Musical ahahaha)

Magsuswimming na lang kaya ako kasi sa Saturday pa yun at may time ako sa auditions?

Pero parang ayoko nang magswimming eh.

Magvovolleyball na lang kaya ako kasi na-influence ako nila Cassy dun?

Kaso 'di naman ako gaanong magaling magvolleyball eh.

Paano kung badminton na lang kasi mabilisan lang daw tryouts nun?

Okay sana kaso...

"Guys wag na tayo magtryouts. Tinatamad ako eh." sabi ko. "Sumali na lang tayo sa Intrams."

"'Yun nga din iniisip ko eh." sabi ni Twittle.

"Oo nga wag na." sabi ni Andy.

"Sige sige sige." sabi ni Cassy.

"Para 'di na natin kailangang late umuwi."

NICE AUDITIONS NA LANG.

Tunay na kaibigan talaga haysss <3

"Practice tayo bukas. Maghahanap ako ng mga Monologues. Ano ba gusto mong category?" sabi ni Darren.

"Comedic." sabi ko. Tumango siya.

Nagsiuwian na kami. Excited ako ewan ko kung bakit 'di ako kinakabahan.

A/N: Second update yaaaay! Hahaha try niyo isearch yung AVPM sa youtube laptrip siya. Yun lang, labyu guise!

XOXO

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 29, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Dare 2: Memories (KyRren FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon