"Ano bang gagawin na'tin dito? Ba't nga ba tayo nagmall?" tanong ko sabay tawa.
"Shopping? Window shopping? Sa condo? Star City? Mind Museum? O babalik tayo?" tanong ni Mavy. "Basta ala na ako jan."
"Kung saan saan napupunta yung utak mo." sabi ni Cassy.
"Window shopping na lang!" sabi ni Andy.
"Bakit?" tanong ni Twittle.
"Actually may point si Andrea. Para maenjoy naman natin ang first day! Andito na nga tayo magsasayang pa tayo ng energy." sabi ni Darren.
"Andrea, 'wag ka nang bumili ng heart pillow ulit." sabi ni JK.
"Ano ba kasi nangyari?" tanong ko.
"May admirer siya kasi noon. Heart pillow yung binigay sa kanya. Eh eto namang kaibigan mo bumili ng heart pillow. Ibibigay daw sa gag×ng lalaki na yun-"
"Grabe ka naman kay Jake! Ilang beses ko ba kailangang sabihin sa'yo sa para sa'yo 'yon?"
"Ay oo nga pala. Nakaka-apat na akong heart na unan."
Grabe silang mag-LT hahaha! O atleast sweet!
Naglakad-lakad kami hanggang sa napag-isipan ni Stacy na manood ng Camp Sawi.
Naalala ko nanaman nung bigla kaming nagkita sa mall noon. Hayyy... nakakamiss.
[after lunch]
Naglakad na kami pabalik sa school. Sa Kenny Rogers kami naglunch. Napag-isipan na naming bumalik sa university. Buti nga hindi kami nakita ng guard na yun eh. Saktong tapos na yung lunch nung pumasok kami sa classroom.
Seating arrangement namin walo:
JK | Andy | ME! | Darren | Mavy | Cassy | Twittle | StacyAll at the same row.
May nakita akong nakasulat sa board. Yung schedule. Pinicturan ko na lang dahil tinatamad ako. Pumasok na din si Mrs. Cortez na naka-ngiti.
"Ah, new comers! San kayo nanggaling?" sabi ni ma'am, alam kong kami ang tinutukoy niya. Pero nakangiti pa rin siya. "'Di ko pa kayo kilala pero you know who you are. Stand up please at magpakilala kayo kasi wala kayo sa introduction kanina. Name, age, taga saan---o kung aling condo kayo, at mga hilig lang ang sasabihin. Sige, ikaw muna!" sabi ni ma'am sabay turo kay JK.
Nakangiti naman si JK. Magpapatawa sigurado 'to.
"Thenk yu bery moch ma'am. My name is Juan Karlos Labajo, teen pa lang po ako kaso baka 'di na po, 19 years old. Para po hindi mahirapan ang mga pwends ko, sa Bali Oasis po kami lahat nakatira. At mahilig po ako kay Andre- ayy.. sa music at sports. Yun lang, thank you po!" pakilala niya at naupo. Tumayo naman si Andy. Shiz ako na next!
"Hello, ako po si Andrea Blythe Gorostiza. Mas seryoso po ako kesa kay JK. 18 years old po ako. Tulad po ng sabi ni JK, Bali Oasis din po ako. Mahilig din po ako sa music at video games." sabi ni Andy at naupo.
Bago ako tumayo, himanga ako ng malalim.
"I'm Kyline Nicole Alcantara. 17 years old pa lang po. Ang bata ko po hahaha. Pero turning 18 this September. Mahilig po akong magbasa at kumanta." sabi ko.
"Bali Oasis din?" tanong ni ma'am.
"Opo."
"Sample ka naman daw!"
Mejo kinabahan ako pero tumawa lang ako at tumango. Tumingin ako sa squad. Nakangiti sila at nag-thumbs up.
"Go Kai!" sabi ni Cassy. Napangiti ulet ako.
BINABASA MO ANG
The Dare 2: Memories (KyRren FanFic)
Fanfictionnot edited WARNING: cringey af af It's been three years since we moved to Manila. I still got my ring and necklace safe with me. Now that I'm a college girl already, I'm about to meet a group in school. Someone that has been my bestfriend; someone t...