Chapter 5: Friendzone

202 9 0
                                    

Andrea's Point of View

Hinihintay namin yung tawag ni Evanna. Dalawang minuto na ang nakalipas. Pamaya-maya, bigla kong nakita na may tumatawag. Si Evanna nga. Sinagot ko yung tawag niya.

"Hello, Evanna? Si Andrea 'to."

"Hello. Asa lobby na kami. Anong room kayo?"

"Ako na lang pupunta sa baba."

"Sige. Thanks."

Inend call ko na. Mejo akward haha.

Kyline's Point of View

"Darren, this is bullshit. Ala naman tayong ginagawa." sabi ko. Paano eh andito lang kami, nakaupo sa sahig. Yung haba ng walk in room ni Andy is 72 inches, I think, which is equal to 6 feet. So masama ang kutob ko dito dahil less than 6 feet ang height ko. So makakahiga ako dito.

"Teka may naalala ako," sabi ni Darren at may kinuhang papel sa bulsa niya. "Binigay 'to sa'kin ni JK kanina. Ito yung ginawa kong listahan namin sa mga gagawin 'pag naglalaro kami."

Tiningnan ko yung papel.

"Putarages, make out?!"

May biglang pumasok sa isip ko.

Kung madalas nilang nilalaro 'to ilang babae na kaya nakasama niya?

"Oo seryoso. Tagal ko nang 'di nagagawa 'yon, ahem." huminto siya saglit. "Second time ko ngayon."

"Sino first mo?" napilitan ko yung sarili ko na tanungin siya.

"'Wag na natin pag-usapan yan."

"Sino nga?"

"Kahit sabihin ko hindi mo kilala."

Edi kung 'di siya komportable dun, 'di ko siya pipilitin.

"Umm... sabihin mo nga yung totoo, anong nararamdaman mo ngayon?" sabi ni Darren.

"Bakit?" sabi ko.

"Kinakabahan ka ba? Kinikilig ka ba? Nanginginig ka ba?"

"Confident. Bakit nga?"

"Hindi ka naman iniinit?"

"Confident nga. Bakit kasi?"

"Eh sakin, may nararamdaman ka?"

Nagulat ako sa tanong niya. Welp, sa totoo lang parang hindi ko alam kung may gusto pa ako sa kanya. Pero wala akong ibang nagugustuhan.

"Sigh, ayokong ma-offend ka pero... wala. Ikaw?" sabi ko.

Napatahimik lang siya. Nahirapan ako sa sinabi ko.

"Wala talaga?" sabi niya.

"Teka, don't tell me na may nararamdaman ka?"

Alam ko na yung ibig sabihin niyan. Speechless pa rin siya. Niregret ko yung sinabi ko pero totoo naman eh. Parang siya yung "the brother I never had".

"Okay lang 'yon. Friends muna tayo," sabi ko at nagsimulang bumulong. "Muna."

Naramdaman kong mejo napangiti siya. Sumandal lang ako sa balikat niya.

"Tapos na 7 minutes niyo!" narinig kong sabi ni Cassy sa labas ng pinto.

Lumabas na kami sa walk in closet. Nakita ko si Vanna at Bridgette. Nag-'hi' ako sa kanila na may konting happy tone at konting walang lakas na tono.

"Andrea kayo na!" sabi ni Cassy. Tumayo agad si Andrea.

Excited si Andrea na pumasok kasama si JK.

"Ano nangyari?" sabi ni Vanna.

"Nagyaya kasi silang maglaro ng 7 minutes in heaven." sabi ko. Mejo napapangiti.

"Hindi. Sa inyo, ni Darren."

Ewan ko kung sasabihin ko...

"Ah wala." sabi ko, tumawa naman siya.

"Weh?"

"Finriendzone ko siya."

"Sis bakit?! Diba crush mo kamo siya?"

"Ehh... habang tumagal kasi parang iba na nararamdaman ko."

"Okay lang yan. Friends muna diba?"

"Yan nga sinabi ko sa kanya. Baka may future din kami kaso iba na nga nararamdaman ko. Parang kapatid ko na din siya. Nagsisi nga ako nung sinabi ko yun eh."

"Stay strong sis!"

Napatawa lang kami.

A/N: Sssssup! Sorry talaga ginawa ko silang "friends" lang. May naisip kasi akong bagong plot. Sana maintindihan niyo hahahah.

XOXO

The Dare 2: Memories (KyRren FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon