Prolouge

59 2 0
                                    

*****

"Krriiiiiiiiiiiing!"

Nag ring yung alarm ko. Nagising naman ako at agad bumangon sa kama. Hinimas himas ko muna ang mukha tsaka tumayo. kinuha ko yung twalya ko at lumabas ng kwarto.

Bumaba ako sa may kusina.
Nakita ko si Yaya Linda na nagluluto ng Almusal. Sumilip naman ako kay mama. Nakita ko sya sa may sala. Binabantayan si Baby Kris.

Umupo ako at humarap sa lamesa. Nakita ko si kuya ken sa harapan ko na nag babasa ng dyaryo habang nag kakape. Bigla naman nilapag ni Yaya yung pagkain sa harap ko at ngumiti.

Habang kumakain ako. dumating naman si Mama dala-dala si Baby Kris. 1year old pa kasi sya kaya hindi pa makalakad ng maayos.

Nag goodmorning si Mama samin at ganun din kami. Umupo si Mama sa tabi ko pero nilagay nya muna si Kris sa baby Chair nya.

Nagtatawanan kaming apat sa kusina.
Ng mapansin ko yung orasan. 6:45 na pala! Malelate na ako sa school.

Iniwan ko muna sila sa kusina at dali daling umakyat ng kwarto at pumasok sa CR. 15 Minutes lang ako naligo. Agad sinuot ang uniform. Inayos ang gamit, bag at Labas agad ng kwarto.

Takbo ulit pupuntang kusina para magpaalam kay mama at yaya.

"Mama si Kuya?". Tanong ko kay mama habang nag susuklay ng Buhok.

"Nasa kwarto nya nagbibihis. Bababa narin yun". Sagot naman ni Mama sakin.

Ilang minuto akong nag hintay kay kuya. Sa Hawakas! Bumaba narin ang Matanda! grabe ah. Mag 7:30 na. Late na talaga ako neto. swerte nya 9:00 pa trabaho nya. "Gulat kayo noh? Oo nag may trabaho na si kuya kendrick".

****

Nasa labas na ako ng gate ng School.
Tinignan ko yung Relo ko. Nanlaki mata ko. 7:55 na! Waaah! 5minutes nalang bago mag ring yung bell.

Tumakbo agad ako papunta sa room.
Pagpasok ko dun. Naka hinga naman ako ng maluwag kasi wala pa si Teacher. Pumasok ako at umupo. Sakto naman nag ring yung bell. Pumasok agad si Teacher Jef sa room.

****

"kriiiiiiiiinnnggg!"
Recess time na.

"Girl! halikana? Kain na tayo".

"Ok Girl!". Sagot ko naman kay Melanie na nasa Harapan ko. Ngumiti ako sa kanya sabay Tayo at lumabas kami ng Room.

Nung nasa canteen na kami. Nag order kaming dalawa ng Shawarma. Tapus umupo kami at Nag kwentuhan.

"Girl? Sabi ni Captain sakin. Sa sabado raw ang Tugtug natin sa Bar,Since Thursday Ngayon". Sabi nya sakin habang ako kumakain.

"Ok Girl. Copy!". Sabay Taas ko ng kamay at nag salute sa kanya. Nag tawanan naman kaming dalawa.

Mga ilang sandali lang. Tumahimik ang buong Canteen. Napahinto naman kami ni Melanie sa Pag tawa..

Tumingin kami sa may Entrance ng canteen. Nakita namin may tatlong lalake na pumasok at pumunta sa Counter para mag order. Tumitingin lang kaming lahat sa kanila.

Parang Takot lahat ng mga studyante sa kanila. Except nalang sa Tindera.
masungit kasi sa studyante eh..
Bitter kumbaga. HAHAHA!

Nung tapos na silang bumili ng pagkain nila. Naghanap sila ng mauupuan. Tumingin naman yung isa sa tabi ko. Lumingon naman ako sa tabi kong BAKANTENG UPUAN ang nakita ko.

nanlaki naman agad mga mata namin ni Melanie. Tumingin kami sa isa't isa at nag "Anong gagawin natin" look kami.

Lumapit yung Tatlo sa bakanteng upuan at Umupo. °-° . Katabi ko pa yung pinaka Maangas sa kanilang Tatlo.

Gangster Meets Man HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon