Chapter 2: This Is War

35 2 0
                                    

*****

"Kriiiiiiiiiiiiiinng!".

Nag Recess na. Lumabas na si Teacher Sa room. Lahat naman ng studyante Nagsilabasan na. Pero kami ni Melanie hindi pa. Paano naman kasi? Katabi ko pa Yung DEMONYO. Nakaupo lang sya habang naglalaro sa cellphone, Earphone din. dito lang kasi may space. At Eto po ako ngayon. Hindi makatayo dahil sa takot.

Ito pang isa kong katabi. Nag pipigil pa sa tawa. Ni hindi lang man ako Prinotekta sa kuya nyang Demonyo.

Oo". Kuya nya yung Katabi ko ngayon.
Si Melanie Pangilinan. Bunsong kapatid ni Kiefer Pangilinan.

nakapagtataka noh? Iba sila ng ugali ng kuya nya. Sya Angel. Yung kuya nya. LUCIFER!

Ewan ko ba! Haysssttt! >.<

"Girl halikana! Bahala ka dyan!".
nasa pinto na pala yung bruha. Ni hindi man lang ako ginising sa Katotohanan? Nawala kasi yung pag iisip ko. Nasa Jupiter sya eh. Hindi agad naka balik.

" a-ah? sa-sandali lang girl!". Nauutal ko pang sagot sa kanya. Bakit ba kasi andito yung Demonyo sa tabi ko. Kinakabahan tuloy ako.

Nakaalis na kaming room. Going to canteen kami ngayon. Nawala na din ang kaba ko. Nung nasa labas na kami ng canteen. Siniswerte nga naman! Nakita ko na naman si Jayson. But this time. May Takip na sa leeg nya. At may blackeye pa sa kaliwang mata nya. May stipneck ata tong lalakeng to eh..

Tinignan nya lang kami-- ay este! Ako lang pala. Tapus nanlaki mata nya at Umalis na kasama yung mga Babes nya. Sinamaan naman ako ng mga mata ng mga Aswang na kasama nya.

Pano ba kasi. Nasipa ko sya sa mukha kahapon. Edi yan tuloy napala. Lumipat sya sa kabilang section dahil sakin. Wala naman akong pakialam!

"Naku girl. Mukhang napalakas ata Sipa mo kahapon".

"Ewan ko ba sa kanya girl! Sya kasi eh. Yan tuloy napala nya".

"Ikaw kasi. Sobrang MANHATER mo. magtigil kanga jan Stephanie!". Sagot naman nya sakin. Napatawa nalang kami dalawa.

Pumasok na kami sa loob. Umorder kami at umupo. Matagal tagal din ang chikahan namin ni melanie. Nang may naramdaman kaming masamang aura. Then speaking of the devil. Nandito na si Lucifer kasama ng mga Utusan nya. Napatigil nalang kami ni melanie--i mean lahat pala kami.

Umorder sila at umupo. at akalain mo nga naman! Sa katabi naming table.
Pero gulat kami dahil yung Halimaw lang ang hindi umupo.

Maya-maya nilapitan nya ang isang Babae. Napaatras naman lahat ng studyante. Tinignan nya ang babae at--

"Ahh!".

Nagulat nalang ang Babae dahil binuhusan sya ng Calamansi Juice at tinapon sa kanya yung bote. Naawa kaming lahat sa kanya.

"Ang Labnaw ng lasa ng Juice". maarte nyang sinabi tsaka bumalik sa upuan nya.

Hindi naman ako nakapag timpi.
Tatayo na sana ako ng may humawak sa kamay ko."Kung ano mang balak mong gawin, wag mo na ituloy. Madadamay ka lang". Sabi nya sakin habang tinignan nya lang ako. Hindi ko naman sya masisisi. Umupo nalang din ako at nag kunwari na walang nangyari. Pero sa totoo lang hindi ko naman talaga aawayin yung halimaw na yun eh. Gusto ko lang bigyan ng Panyo yung babae.

*****

"Uy! Ayusin mo yung Isang Planet! Hindi na sya maayos oh!".

"Teka lang. Hindi naman makapag hintay".

"Uy yung Paint! Baka mabuhos".

Nag aaway away yung mga classmate ko dahil sa ginagawang project. bumuo kasi si Ma'am Yen samin ng Tig 3 tao sa isang group. Pero iniwan nya kami dito dahil may meeting daw sila. EDI WOOW!

nasa kabilang grupo si Melanie ngayon. Group 6 sya samantalang ako group 4.

Matagal- tagal ring hindi nakabalik si Ma'am. May sumigaw naman samin na lalake.

"Yaaaah! Naiinip na ako!". Sigaw naman nya samin. Lahat kami napatingin sa kanya.

maya-maya lang. May dinala syang isang pintura at binuhusan ang isang Babae. NA NAMAN!!

nagulat naman kaming lahat sa ginawa nya. Mas kawawa na yung classmate namin kaysa sa babae kanina na juice lang ang binuhos sa kanya. Hindi naman ako nakapag pigil. Umiinit na ang dugo ko na para bang umaakyat sa ulo ko.

kinuha ko yung bag ko. Buti nalang may extra damit akong dala dito. Kinuha ko agad yun at binigay sa babae na iyak ng iyak.

Lumingon naman agad ako sa kanya at agad syang nilapitan pero pinigilan ako ni Melanie na makalapit sa kanya. Pero hindi ako nag paawat. Nilapitan ko talaga sya. Kinuha ko yung isang paint sa table nila at binuhos sa mukha nya.
















O___________O



Ganyan ang mga reaksyon nila nung ginawa ko sa kanya yun.

"Whats your Problem??!!!!". Sigaw nya sakin sabay pahid ng mukha nya.

Tinignan ko silang lahat. Nakita kosi melanie na tinatakpan ang bibig. Gulat na gulat ata.

"Yan ang tinatawag na pasasalamat namin sayo! dahil Sa ginawa mo sa babae kanina't ngayon! Ikaw na nga tong sinusuklian ikaw pang galit? pasalamat Ka sinuklian ko pa yung ginawa mo. Ang BAIT BAIT mo kasi Eh! Kaya yan ang dapat sayo! Ang mga lalakeng kagaya mo dapat lang isa--". Hindi na natuloy yung sasabihin ko dahil kinuha nya yung kwelo ko at tinaas. Nasasakal tuloy ako.


"How Dare you! Wala pang tao ang gumawa sakin ng ganyan. Ikaw palang! At Ang tapang tapang mo ngayon ah! Hindi mo ba ako kilala?! Ako ang hari dito! babae kalang! Wala kang laban saken!". Sabi nya sakin sabay taas nya ng mukha ko sa mukha nya at--

"You want war? Then i'll give you war B*tch!". Binitawan nya ako tsaka sya umalis.





Tulala lang kaming lahat sa sinabi nya pero hindi ako natatakot. War sabi diba? Edi war! Wala akong takot sa kanya!




*****

"Girl? Galit kaba sakin?".

"a-ah? Hindi ah. Bat naman ako magagalit sayo?".

"Kasi yung kanina? Yung binu--".

"Ano kaba. Okay lang yun noh. Haha! Proud pa nga ako sayo dahil ginawa mo yun kay kuya eh". Hindi ako nakapag salita. Yumuko lang ako tapus nilalaro yung kamay ko habang nag lalakad kami ni Melanie.

Pauwi na kasi kami pero nag lalakad lang. Matagal-tagal din kami tahimik sa daan ng may bumisina sa likod namin ni Melanie. Lumingon naman kami. Akala ko nga si kuya eh pero--

"Kuya kiiiee!". Masayang sigaw ni Melanie sa kuya nya. Pumasok na sya sa may likuran. Tumingin sya sakin at Ngumiti ng napakalapad tas nag wave.

umalis Na Sila at naiwan akong mag isang nag lalakad.

Haaay!". Napa buntong hininga naman ako.


Gangster Meets Man HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon