****Nasa School na ako. Pero medyo early lang. Hindi kasi ako sumabay kay kuya. Baka Malelate na naman ako. Loko kasi yung Tandang yun! Mabagal kumilos.
Pumasok na ako ng Room pero wala pang tao. Umupo lang ako sa gilid kung saan yung pwesto ko tas Nag earphone habang nag lalaro.
Mga ilang sandali lang. Dumating na yung mga Classmate ko at si Melanie. Nakita nya ako At kumaway sakin. Kumaway din ako sakanya at Ngumiti.
Pumasok narin si Teacher. Pumunta sya sa Harapan at nilapag yung mga gamit sa table. Humarap sya samin.
"Class. I Would Like To Anounce--".
Hindi pinagpatuloy ni Teacher yung sasabihin nya dahil sobrang maingay ng mga boys.
"Class! Boys! Be Qu--".
Hindi na naman nakapagpatuloy si Teacher sa sasanihin nya. Hindi naman ako nakapag timpi sa ingay ng mga boys dito. tumayo ako at pumunta sa Harap. Tinignan lang ako ni Teacher pero ngumiti lang ako sa kanya. Humarap sa boys. Huminga ako ng Malalim at---
"BOOOOOOOOOOOOYS!!!".
O______________O
Humarap ulit ako kay Teacher.
"Teacher? Pasensya na po sa ginawa ko. Pero Pwde nyo napo ipagpatuloy yung sasabihin nyo".
Umalis na ako at bumalik sa upuan.
Tumitingin lang ang mga Boys sakin. Tinignan ko naman sila na para bang kakainin ko na sila. Agad naman sila umayos at umupo. Tinignan na namin si teacher na Nagpipigil ng tawa.
"Loko to ah..""Ok Class! As i was saying.. may New Classmate kayo ngayon. Dito na yung room nya at magiging classmate na nya kayo. I suggest that Be Nice to him ok?".
Tumingin naman kami kay Teacher na para bang nag tataka. "Lalake? Sino kaya yun?."Mr. Pangilinan? You may Enter inside to the room".
O___________________O
Nagulat kaming lahat sa Narinig namin. PANGILINAN?!! My Goodness!
Nakita na namin sya sa may pinto. At hindi nga kami nag kamali. Sya nga. Naku! Susunduin na kami ni kamatayan! Bilang nalang ang Buhay namin! Lord! Help Us!!!
"Class. I want you to meet Kiefer Lloyd Pangilinan. Starting today. He will be your new classmate. So be good to him ok?".
Be Good?!! Wow Naman Teacher! Saamin mo pa Yan tinanong! try mo kaya sya tanungin noh?!
Pumunta sya sa harapan katabi ni Teacher. Tumingin sya samin. At--
"Hello Everyone. I'm kiefer. Lahat naman siguro kayo kilala ako? HAHA! Sana maging Close tayo at maging kaibigan. Ok ba yun?".
Tumahimik bigla yung room pero hindi nag tagal---
1...
2...
3...
"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAHH!".
O__________________O
Lahat kami napa sigaw dahil sa takot.
Akalain mo nga naman? Sa lahat ng studyante sya pa?! Deadbol na kami!!Yung ibang studyante. Nag iimpake na ng gamit. Yung mga Babae. Yung iba nahimatay. Yung iba naman Nag hahabol ng hangin. yung mga lalake naman. Yung iba Lumabas na ng room. Yung iba Nag tago na.
Kami ni Melanie? Nasa Likod nagtatago. demonyo na kasi ang pumasok sa classroom namin eh. Delekado na!
*****
sorry kung maikli lang sya. Hehe
pero di bale. Hahabain ko nalang sya sa next chapter. :)***
"Gangster Meets Man Hater"
Written By: Ultimate_Hero24
Copy Right:
All Rights Reserved
BINABASA MO ANG
Gangster Meets Man Hater
Novela JuvenilPaano kaya kung ang isang Matapang, Maangas at Kinakatakutan na Gangster ay makikilala ang isang babaeng Matagal nang Isinumpa Ang Mga Lalake? Paano Kaya kung mangyari lahat ng yun? Paano kaya kung Ipag tatagpo sila ni Destiny? Ano kaya ang Mangyaya...