Chapter 7: Angelic Voice/ Who's That Girl?

22 0 0
                                    

****

Kiefer's POV

Gumising ako ng maaga. Tinignan ko yung relo ko. 4:00AM na. Nandito parin kaming Dalawa sa Atlantis GYM. Nakahiga ako katabi nya. Oo KATABI NYA. Pero Nakatalikod kaming dalawa Habang natutulog.

Bakit kami magkatabi? Ganito yan.



"Reviewing Last Night's Moment"



11:00PM na ng gabi.Nasa sahig parin ako ng GYM habang yung Asungot na Kaibigan ni Melanie. Nasa Couch. Mukhang Relax na Relax habang natutulog. Samatalang ako dito. Giniginaw na. Wala pa talaga akong tshirt. Basa pa talaga pants ko. Nakakainis! Bakit ko ba kasi binigay sa kanya ang tshirt ko? Ako tuloy ang wala ngayon.

Nagawa ko lang kasi yun dahil Nakokonsensya talaga ako sakanya. At isa pa. Sabi ko sa kanya na isampay nya yung uniform nya para matuyo tsaka nya gamitin ang tshirt ko. Para pagkabukas. Susuotin nya ulit yun at uuwi na. At ngayon na sinuot na nya. Nagpapaka prinsesa na sya. At May Kumot pa syang dala! Hindi ko naman kasi alam na may kumot sya. Nakakainis! Bakit ba kasi nagpapaka Hero ka sa kanya Kiefer? Eh diba? Ikaw ang Hari sa pambubully? Ang walang awa? O? Bakit ngayon nagpapaka Hero ka sa babaeng Amazona na yan? Haysst! Hayaan mo nalang! Nagawa mo na eh! Anjan na yan eh! Tanga ka kie!

"Taga mental kaba?".

Nagulat ako sa boses nya. Gising pa sya? Akala ko tulog na. Nag tanong pa talaga sya na Taga mental ako ha?

"Hindi. At bakit mo naman yan natanong?".

Sagot ko sa kanya habang nakatagilid na patalikod na humiga. Humarap kasi ako sa Pool. Hindi sa kanya.


"Ang dami mo kasing mga pinagsasabi eh. Nagising tuloy ako dahil sayo".


Mga pinagsasabi? Baka yung kanina? Eh sa isip ko lang naman yun.  Napalakas ata mga sinasabi ko kanina. Narinig nya kaya?

"Oo! Narinig ko! Dinig na dinig ko!".

Woah! Ano ba! Nababasa nya isip ko? Taga X-men ba to? Baka may powers tong amazonang babaeng to.


"Dito ka nalang matulog sa tabi ko".



Napalingon ako sa sinabi nya.tinignan ko sya. Nakangiti sya sakin habang naka higa. Ngiting kulang nalang mawala yung mata nya. Seryoso ba sya? Sa tabi nya? Chansing ata sya eh.


"Hoy asungot. Seryoso kaba sa sinasabi mo? Baka Chansing kalang sakin dahil naka topless ako? Baka type mo ko?" Nanliit mata nya sakin at nag pout.

"Ang MM mo! Diba sabi mo wala kang tshirt? Eto oh! May kumot ako. Share tayo. Ayaw mo pa nun? At anong chansing chansing yang sinasabi mo? Ako? Changsingin ka? Nakakasuka kaya yang pangangatawan mo. Di kita type! Type mo mukha mo! Kung ayaw mo bahala ka! Ako na nga nag aalok sayo. Ayaw mo pa. Magtiis ka jan!".

Nag rolled eyes sya sakin at tumalikod. Nag pout naman ako sa kanya. Pero ano ba gagawin ko? Tatabi ba ako sa kanya? O hindi? Aiysh! Wala naman din akong choice. Ang ginaw ginaw na din dito eh. Tsaka nasa sahig lang din ako. At walang tshirt. Hindi pa makatulog.

Tumayo ako at naglakad papunta sa kanya. Nilapitan sya. Ginigising sya. Nakikiusap!

"Uy. Sige na nga. Tatabi na ako".

"Ay hinde hinde! Hindi na pwde!"

"Eh bakit naman hinde pwde? Sige na oh".

Gangster Meets Man HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon