Max's POV
Nakasakay na kami ngayon sa Hiace ni Kuya at pupunta na kaming Venue.
"Excited na akong makita si baby sa stage. Yung magbavow siya, yung makikipagkamay siya, yung sasabitan siya ng medal, yung pagkuha niya ng diploma, yung mag-spespeech siya. Ay perfect!" Sabi ni Ate Danielle na kunyareng nagdedaydream.
"Baliw ka talaga," sabi ni Kuya Lou na kinulong yung leeg ni Ate Danielle sa bisig niya.
Naalala ko rin nung kami pa ni Niall.
Last day na ng sembreak ngayon. Gusto ko na ngang makapasok para makita ko na si Niall ko. Hintay na lang!
Kinabukasan, maaga akong nagising. Ako lang siguro yung excited pumasok. Siyempre, yung iba nabitin. E ako? Hindi. Mas okay na ngang walang sembreak makasama ko lang si Niall e.
"Whoa! Excited much?" Mapangasar na tanong ni Kuya sakin at linapag na yung hinain nila ni Ate Danielle na breakfast.
Hamsiloooooog!
Pagkatapos kong kumain, sinabi ko na kay Kuya na aalis na ako. Siya na kasi ngayon naghahatid sakin.
"Kuya, alis na ko. Baka malate pa ako," pagmamaktol ko sakanya.
"Baka malate, baby? Ha-ha-ha. Patawa ka ha! 5:59 am palang. 7 pasok mo. Excited makita yung 'baby' niya." Pilyong sabi saakin emphasizing 'BABY'
"Byahe pa 15 minutes. Okay lang yun," sagot ko.
"So 6:14 nandun ka na, wow baby! Late na yun," pangaasar pa niya saakin.
Imbis na sagutin ko pa ang kuya kong alaskero, hinila ko na lang siya palabas at marahas na pinapasok sa Pick Up niya.
"Kainis." Narinig kong bulong niya and I just shrugged it off.
> > > >
Mga 6:14 am na kami nakadating. Wala naman kasing traffic kaya normal lang ang byahe.
"Sige na bye! Magkikita na kayo nung 'BABY' mo!" Sigaw niya and emphasizing the word 'BABY'. Again.
Saka siya sumakay ulit sa pick up niya at nagdrive palayo sa University na to. Kaloka yun ah!
Pagpasok ko, narinig kong inaasar ng mga kablockmates ko si Niall kay Bianca.
"Kaya ba maaga kasi namiss si Bianca?" Hahaha.
"Anong nangyayare?" Tanong nung isa.
"Naka-akbay kasi si Niall kay Bianca pagpasok. Tas ang aga pa. Diba? Miss ata." Sagot nung isa.
Agad na umusok yung tenga ko sa mga narinig ko. Si Niall naman tawa lang nang tawa.
"Yeah! Ang saya nga," sabi ko pagkapasok ko at umupo ng padabog.
Nakita kong pinanlakihan ni Niall si Mateo bakla.
"Gago ka talaga bakla! Ayan yung girlfriend o." Narinig kong sabi ni Bianca.
"To o! Eto yung namiss ko," sabi ni Niall then kinulong niya yung leeg ko sa mga braso niya sabay hinalikan ang pisngi at ulo.
Dun pa lang, umaamo na agad ako sa mga tampo ko sakanya. Alam na alam niya pano ako paamuhin.
"Baby, we're he- oh! Boobear, Tita Karen, Max is crying." Sabi ni Ate Danielle then lahat sila napatingin saakin.
Saka ko lang rin napagtantong umiiyak na ako. Sa lahat kasi ng kilos nila, may epekto sakin dahil sa mga naiwang memories saakin ni Niall.

BINABASA MO ANG
She's Not Afraid (Zayn Malik Tagalog Fanfiction)
RandomDi niya ramdam ang katakutan sa kahit anong bagay hanggang sa nakakilala siya ng tunay na mag-mamahal sakanya.