Max's POV
"Yang sa taas gusto ko rin yan." Sabi ko sakanya. Napakamot naman siya sa ulo niya.
"A-ang dami na Max. Mabubutas bulsa ko." Nakangiwing sagot niya.
Well alam niyo ba kung bakit ganyan? Pumayag lang kasi akong sumama sakanya kung ililibre niya ako sa lahat ng gusto ko. Oo naman daw eh kaya pagbigyan na.
"Aba, nagrereklamo ka pa ah? Eh ginusto mo yan. Anong magagawa natin?" Nakangising tanong ko.
Ngumisi lang siya.
"Gusto kong... Wala na pala! Magaapat na bag na yan e. Okay na yan." Nakasmirk na sabi ko.
Narinig kong huminga siya ng malalim. "Salamat naman." Maluwag na sabi niya.
"Welcome," nakangiting sagot ko.
"Bwisit." Narinig kong bulong niya. Piningot ko ilong niya.
"Ako? Bwisit ha?" Giit ko sakanya.
"A-arayy! Sorry naaa. H-hindi na." Umaaray na sigaw niya.
"Hmmp!" Sigaw ko saka nagmadaling pumuntang counter. Bayaran niya yan! Ha!
"4, 956 pesos po Sir," sabi nung cashier na kumikinang ang mata dahil sa gwapong nilalang na nasa harapan niya.
"W-what!? 4, 956 p-pesos?" Gulat na tanong niya.
"Oo nga! 4, 956 ang babayaran mo. Bilisan mo na't nagugutom ako." Nakangiting sabi ko sakanya.
"Eto na nga oh! Hays!" Sabi nya saka binigay yung credit card niya.
"Saan mo gusto kumain?" Tanong niya nung pagkababang pagkababa niya sa mga pinamili namin, ko.
"Starbucks lang okay na ako." Sabi ko sabay kumindat sakanya.
"Pfft! Lang, lang ang Starbucks sayo? Psh." Mariing giit nya sakin.
"Magkano lang ang frappuccino? Over 350 lang, ang sweets? Wala pang 500 yun!" Sigaw ko sakanya.
"M-max, wala na akong pera!" Sigaw niya.
Well inaasar ko lang siya. Ako na ang magbabayad ngayong sa meryenda no!
"I don't fvcking care!" Sigaw ko saka siya tinalikuran.
› › › ›
Zayn's POV
Bwisit naman to si Max eh. Wala na akong pera. Pero kung yun ang ikasasaya niya, oks na oks sakin yun no.
"Name po, Mam and Sir?" Tanong nung Cashier.
"Zayn," walang ganang sagot ko.
"Malik hihihi." Tumatawang sagot niya.
What? Ano daw? Malik? Baliw talaga to e.
Ang dami pa niyang inorder ha?
"Seriously po, Maam?" Tanga naman nito.
Nakita kong tumigil sa pagtawa si Maxine at nakita ko ring tumaas ang kilay niya.
"Ofcourse! Seryoso ako. Mukha ba akong nagbibiro?" Tas kilay niyang tanong.
"Sorry po, Maam." Natarantang sabi nung Cashier.
"2, 484.50 pesos po." Nakangiting sabi nung Cashier.
Tsk. Ang laki.
Ilalabas ko na sana yung wallet ko nang biglang nagsalita yung Cashier.
"Thankyou, Maam."
"Keep the change," sabi ni Max.
"Let's go," nakangiting hinila ako ni Max sa bakanteng upuan.
BINABASA MO ANG
She's Not Afraid (Zayn Malik Tagalog Fanfiction)
RandomDi niya ramdam ang katakutan sa kahit anong bagay hanggang sa nakakilala siya ng tunay na mag-mamahal sakanya.
