Her Entry #4

38 5 2
                                    

January 15, 20xx

Dear Diary,

Grabe yung nasa News Feed ko! Tadtaran ng tanong tungkol sa nangyari. Halos lahat nabigla sa post ko. Well, kung alam lang nila. Nag-post ulit ako. Sabi ko, "Well, yung KINAIINISAN ko lang naman ay yung NABASA ko sa Wattpad. Feel ko kasi yung isang fictional character dun. MASARAP KASI TALAGA YUNG LUTO KO. Share ko sa inyo minsan. ^_^  Kainis kasi yung LALAKI dun. Kala naman KAGWAPUHAN at KAGALINGAN! Hmph!"

Tas andaming nag-react. Tawa sila nang tawa. Ako naman.. wala lang. Masakit kasi talaga malait. Tapos ang plastic niya. Pwede naman niyang sabihin dun ng harapan eh. Sobrang sama niya talaga. Teka, ba't ba sobrang affected ko? OA ha. Wala.. kasi.... Wahhahahahaha!!! REASONS! (Pati rants ko nasasama rito)


Pero ayos lang. Nawala naman agad yung inis ko eh. Nag-comment kasi si Crushie. Sabi niya, "Ganun ba? Sige patikim naman ako ng luto mo next time. ;)"


With matching wink pa! X) Grabe nakakakilig!

Dahil Sunday ngayon, nagsimba kami. Maganda talaga dito sa Parish namin. Ang pangalan nito ay "Our Lady of the Lord Parish" o mas kilala bilang VOLP. May Prayer Garden kasi sa likod. Tapos may malaking statue ni Mama Mary. Yun nga lang walang kulay. Pero ayos lang.

After naming magsimba ng 7 am, namalengke kami. Ako nga pala yung nagdecide ng uulamin. Well, kahit naman anong gawin niyang Marcus na 'yan ay di pa rin ako titigil na magluto. Laitin niya ng laitin so what? Ang mahalaga mapatikim ko ito kay Crushie. Hihihihihi!

Ang ulam for today ay... Kare-kare!

Favorite food ko nga pala ito. Siyempre Litson Paksiw din. Masarap talagang magluto si Papa. Sa kanya ata ako nagmana. (Hahahahahaha!! XD)

Dahil may pasok pa rin ako, siyempre aral muna. Ito yung pampatanggal ng stress ko eh.

Ilang oras din akong nagbasa bago maisipang umidlip. Pero bago 'yun, sumilip muna ako sa bintana. Nakita ko si Marcus.

....


Pwede bang maging totoo muna?


Atin-atin lang 'to ah?


May sikreto kasi ako....




............




..........



Ang totoo niyan.....



Sssssshhhhh!


.........




Bakla 'yang si Marcus.






XD


Her DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon