Her Entry # 10

13 0 0
                                    

January 29, 20xx

Sa dalawang araw kong pagkawala, maraming lessons akong na-miss. Karamihan pa naman dun ay lalabas sa Long Test namin which is next week. Kinakabahan ako. Kailan ko ng extra time para makahabol.

Ang weird ngayong araw. Sobrang weird. Alam kong 'di na kami classmates at 'di naman niya talaga ako ka-tropa. Pero... ang ilap niya sa akin. I have this friend na itatago na lang natin sa pangalang, Louis. Naging close kami last year dahil seatmate ko siya nun. Madali lang siyang maging ka-close kasi friendly at mapagbiro siya. Talagang hahagalpak ka sa katatawa. Sobrang gaan din ng loob ko sa kanya kaya siguro naging close ko siya.

Then nung lumipas ang ilang quarters, close pa rin naman kami pero medyo 'di na kami masyadong nagpapansinan. Nandun pa rin 'yung biruan at 'yung mga kwento niya.

Ngayon, sobrang iba na. Nagkita kami nun sa bookstore. Bumili siya ng para sa uniporme niya. Bumili na siya agad para hindi mahirap next school year. Siyempre 'yung mahaba 'yung allowance para sure. Masaya nga akong nagkita kami eh. Ganun kasi ako sa mga kakilala ko. Ngingitian ko sila at kakawayan. Gusto ko kasing maramdaman nila na hindi sila kinakalimutan kahit 'di na kayo masyadong nag-uusap. Pero nung nagkaroon kami ng kaunting convo, biglang parang awkward. Basta parang, nawala na 'yung dati. 'Yung maraming napag-uusapan at tawanan. Biglang mailap na siya.

'Yung tipong awkward. Tapos kaninang lunch, sumilip kasi siya sa classroom namin kanina and kinawayan ko siya with matching ngiti. Then 'yung reaksyon niya... parang... wala lang. Slight smile lang. Inaamin kong medyo nasaktan ako. Sino bang hindi. Siguro ganun talaga noh. Hindi lahat ng magiging ka-close mo ay close pa rin kayo sa susunod na araw, linggo, buwan o taon. May makikilala pa rin silang mga bagong kaibigan. At ikaw... luma ka lang. Sabi nila, Friendship never lasts but memories are forever. Ganun talaga. Pero.. sakit lang.

Ang masakit lang kasi 'yung tipong 'di mo alam kung masaya ba siyang makita ka or sadyang sawa na siya sa'yo. Siguro hanggang option ka lang. 'Di  ba may ganun. Akala niyo close kayo pero option ka lang pala para may malabasan siya ng feelings niya. Mas masakit pala ang maging option kaysa maging rebound. At least sa rebound, may medyo assured ka na hindi ka niya matututunang mahalin. 'Di kagaya sa option, after mo na lang malalaman na 'option' ka lang pala. Though, may iba na alam na iyon. Pero sa kaso ko... ngayon ko lang nalaman. Sakit. Ang sakit pala kapag nalaman mong tapos na 'yung friendship niyo dati. Past ka na so no need ka na sa present niya.

Ngayon, ayoko na siyang kausapin. Kahit deep inside gusto ko pa rin. Pero... masakit kasi. 'Yung pagiging mailap sa'yo ng mga tao, its either may hidden feelings sila sa'yo or ayaw lang talaga nila sa'yo.

Hays, aral na nga lang muna. Ang sakit na nga sa ulo ng kapitbahay ko, may crush pa ako na medyo paasa (ramdam ko eh. Baka naman sadyang friendly lang), at DATING kaibigan na mailap na sa akin. Ano na kayang mangyayari sa susunod na araw. May halong takot at kaba ako. Paano pa kaya next school year?

Good luck na lang sa akin! Sana mapasa ko 'yung exams ko. So... tatahimik muna ang diary ko?

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-Chos lang! ^_^

About kay Marcus at John? Aalisin ko muna sila sa isipan ko. Kailangan kong mag-aral. Aral muna bago problema. Okie?


***

A/N

Yosh! After 1 month naka-UD rin! Skip lang siya ng 1 day kasi alam naman natin ang ginagawa every Sunday. It's a Family Day so no need to write this part. (I mean 'yung Sunday na part.)

Medyo hurt ako kaya ganito. Anyways sana magustuhan niyo! Medyo lame siya. Sorry for that.

Don't forget to vote and comment down your thoughts about this chapter. Thankies! ^_^

XOXO

Her DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon