Her Entry # 6

35 5 3
                                    

January 24, 20xx

Dear Diary,

Naalala mo pa ba ang hiling ko para kay Marcus? Well... nangyari lang naman sa kain lahat 'yun. Mas malala pa nga eh. Late akong nagising dahil sa pagpupuyat ko sa paggawa ng assignment sa Math. Ang malala, nakalimutan ko pang ilagay ito sa bag ko. Late na nga sa school, wala pang assignment. First subject pa man din. Isa pa, nakalimutan ko ang wallet ko kaya no choice kung 'di maglakad. (Ito 'yung dahilan ng pagka-late ko.) Wala rin pala akong baon na dala. Masyado bang malas? Konti pa lang 'yan. Isang tinapay lang ang kinain ko bago ako pumasok. Wala akong kinain nung break. (Kasi nga wala akong baong dala at wala si bestie para ilibre niya ako ng food. Absent siya. May sakit.)

P.E. time na namin at running ang naisip na ipagawa ng aming titser. 'Yung tipong puyat ka na at wala ka pang kinakain. Ayun... nahimatay ako sa gitna ng field. 'Di ko alam kung sino ang nagdala sa akin sa clinic. (Baka si crush? Hihihihihihi!!) Basta ang bilin lang daw  ng nagdala sa akin ay kainin ko 'yung bigay niya. Kinain ko naman. Nakakatuwa nga siya eh. Alam niya 'yung favorite ko. Baka nagkataon lang.

Nakabalik ako sa klase ko matapos ang isa't kalahating oras sa clinic. Na-survive ko naman ang remaining subjects ng walang kamalasang naganap. Ang problema 'yung pag-uwi. Akala ko kasi isa talaga akong girl scout. Akala lang pala. Bumuhos bigla ang ulan. 'Di ko alam na  hindi ko nadala ang payong ko. Wala akong choice kundi ang magpaulan. Kahit alam kong magkakasakit ako ay tinuloy ko pa rin.

Nagtataka siguro kayo kung bakit 'di ko hinahanap si Marcus? Kasi strangers pa rin kami. Di ko pa rin siya kinakausap. Oo na. Ma-pride ako. Matagal ko ng alam. Tumakbo ako hanggang makarating ako sa bahay namin. Isa pang kamalasan, 'di ako makapasok ng bahay kasi nasa wallet ko ang duplicate key. (Galing noh?) Nakatunganga lang ako sa harap ng gate. Ramdam ko na 'yung bigat ng pakiramdam ko. Ilang saglit pa ay bigla akong nawalan ng malay.

'Di ko alam kung sino ang nagdala sa akin sa loob ng bahay namin. Basta nagising ako sa sarili kong kwarto, iba na ang damit, may basang dimpo sa noo, nakasabit ang mga basang notebook at libro pati ang bag ko at may sticky note...

Sulat kamay ni mama...

Sinulat lang naman niya kung anong oras ko iinumin 'yung gamot. Nakapatong ito sa table ko. Aalis kasi sina Mama at Papa. Wala naman kaming katulong sa bahay. Bukas... ako lang mag-isa sa bahay.

Nakakalungkot at aabsent ako bukas. May quiz pa man din kami sa Science at Values. Sa susunod, hindi na ako mangsusumpa. Bumabalik kasi eh. Kung sino man ang nagmagandang-loob na tulungan ako na buhatin papuntang clinic at nagbigay ng food... thank you! At kung sino man ang nagmagandang-loob na tulungan ako nang mahimatay sa tapat ng gate... (Kasi imposibleng sina Mama at Papa 'yun kasi mga 10 pm na sila umuuwi) thank you! Ang bait mo sobra... malaki ang utang na loob ko sa'yo.

Thank you for being a hero for me today. :)

***

A/N

Naka-update din!! Thank you sa support! Don't forget to vote and comment! Sana po ay nagustuhan niyo.

Her DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon