Her Entry #13

12 1 3
                                    

February 15, 20xx

Prom ngayon. Ito na ang huling prom ko sa JHS. Well, gaya last year, medyo bored ako pero okay lang, kasama ko naman mga kaibigan ko. So bago tayo mapunta sa prom proper, masasabi kong nagmukhang tao si Marcus. Well, not bad. Hindi kasi panget si Marcus. Gwapo siya. Sakto lang skin tone niya. Hindi maputi, hindi rin naman maitim. Kayumangging maputi? AHAHAH basta ayun.

Naka-maroon siya and masasabi kong bagay sa kanya ang kulay na 'yun. Ang suot ko ay maroon gown (Well, pinilit kami ng parents namin na matchy colors dapat. Great. So great). Updo ang hairstyle ko since off-shoulders ang style ng gown ko. Ang theme ng prom ay 'The Great Gatsby'. Gold and black ang motif. Siyempre  dapat hindi gold and black ang suot mo. Baka mamaya, kakulay mo na 'yung table cloth o kurtina. Pwedeng camouflage. Gaya ng last prom, may photobooth pa rin. So ayun, puro photobooth kami ng tropa ko kapag walang kasayaw. Siyempre ang exciting sa prom, 'yung pagkain. Meron silang carbonara, adobo, fish fillet, chopseuy, and cordon bleu for main dishes; may chocolate fountain as dip for wafers, chocolates and fruits. Grabe, ito talaga pinunta ko sa prom hindi si Marcus. Pero in fairness talaga, parang hindi siya 'yung kinaiinisan kong kapitbahay. Pinanindigan niya 'yung sinabi niyang first and last dance ko siya. Nung nagsayaw kami, ala talagang sparks... or so I thought? Grrr I hate to admit it kaso nung last dance, nung napatingin ako sa mga mata niya, ewan ko ba. Paano ba i-describe. Basta, parang ang ganda ng mata niya. Tas hindi mo mapigilan na hindi alisin 'yung tingin mo sa mata niya kasi, sobrang ganda. Para bang 'yung universe nasa mata na niya. Ganun. Tas medyo kinabahan ako kasi sobrang deep ng tingin niya sa akin.

Tas ito talagang nakakaloka. FIRST TIME KONG MAKARINIG NG COMPLIMENT SA KANYA. PERS TAYM. BTW, 'yung last song ay, "All About Us" by He is We.




********

Sorry kung ngayon lang UD after two years? Sobrang nakakaloka Author's block ko then school reqs. Nawala na sa isip kong magbalik sa Watty. Well, this year, I can't promise na magiging regular ako sa updates. Baka nga ma-hiatus na eh. I just want na sana kahit papaano, makatapos ako ng isang story ngayon bago mag-start classes sa August. :)))

Pakinggan niyo 'yung song, sobrang kinikilig ako sa kantang 'yan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 05, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Her DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon