Her Entry # 9

24 2 0
                                    

January 27, 20xx

Saturday ngayon. Sobrang saya ko. Ka-chat ko kasi si crush. Remeber John David Castillo? He is my crush. Grabe 'yung nararamdaman ko ngayon. Sobra, sobra, sobrang saya ko! Bigla kasi siyang nag-chat sa akin kanina. Nag-aalala daw siya sa akin. Dalawang araw din kasi akong absent. Nag-send siya ng ilang scanned pictures. 'Yun ang mga ni-lesson nila. Mabuti pa siya naisip akong pakopyahin ng lecture di kagaya ng kapitbahay kong masungit. Hmph! Ba't ko nga ba kinukumpara siya kay crush? Anyways. Nag-status ako bigla sa Facebook. Sabi ko, "Thank you sa lectures. ^_^" and tinag ko siya.Nag-comment naman siya. Ang sabi niya, "You're always welcome... Anything for you. :) "


At ayun... kinilig ako ng sobra. Maraming nagcomment ng "Ayiiieeee!!!" at "Isa ka ng ganap na Hokage". Pero nag-comment siya. Sabi niya, "Of course, I'll do anything for my friend." Awtsu... na-friendzoned ako dito. Pero okay lang. Basta ang sweet niya.

Nag-chat lang kami about random thoughts. 'Di ko mapigilang ngumiti dahil sa kanya. 'Yung tipong isang messgae niya lang kahit 'Okay' or emoticon lang ang sinend niya ay napapangiti na ako. Grabe epekto niya sa akin. Nung nag-logout na siya para akong nabitin. Gusto ko pa ulit siyang kausapin kaso... ganun talaga. May bukas pa naman eh.


After ng chat-serye namin ni crush ay dumating ang asungot kong kapitbahay. Grabe. Ang dami niyang nickname. Nagulat ako kasi... dala-dala niya ang kanyang bag. Tinanong ko siya kung bakit dala niya 'yung bag sagot niya, "Kasi papasok ako." Great. Isa pang nakakagulat ay bigla niyang nilabas lahat ng notebooks niya at iniabot sa akin. Tinanong ko siya kung para saan 'yun. Sagot naman niya, "Kainin mo." -_-

Pero may pahabol siya... "Andyan lahat ng ni-lecture nung nakaraang dalawang araw. At ito naman 'yung handouts na pinamigay. Isa pa pala, ito oh. Nakalagay dyan kung paano gawin 'yung project na pinapagawa."

Alam kong amazed kayo kasi sinulat ko 'yung exact words na sinabi niya. Sabi ko sa kanya ay thank you. Ewan ko pero bigla akong nahiya. Naalala ko kasi kung paano ko siya ikinumpara kay crush. Narinig niya kaya? As if...

Sabay na kaming nag-merienda. Habang kumakain kami ay bigla siyang nagsalita. Sabi niya kung may 'di daw ako naiintindihan sa lesson ay punta lang ako sa bahay nila, tawagan or text ko lang siya. Tutal kapitbahay lang namin sila. Tumango lang ako bilang tugon. Bigla namang sumingit si Mom pagkatapos niyang marinig 'yung sinabi ni Marcus. Tinukso niya kaming dalawa. Ang bad ni Mom. 'Di ko naman siya type. Umalis na ako dun pagkatapos. Dinala ko na lahat ng notebooks niya sa kwarto ko at nagsimulang kopyahin ang mga notes.

'Di pa rin ako makapaniwala na nag-eeffort 'tong si Marcus. Ano kayang nakain niya. Ibang-iba siya eh. 'Di kaya siya naman ang nilagnat?

Pagkatapos kong kopyahin lahat ng notes ay nag-online ulit ako. Pipindutin ko na sana ang pangalan ni David sa messages pero napansin ko ang pangalan ni Marcus dito. First time niya akong i-chat.

Ito ang sabi niya....

Pakibalik na lang ang mga notebooks ko bukas.

'Yun lang. Walang 'thank you' or kahit na ano dito. Wala rin emoticons. Grabe. Pati ba naman sa FB wala siyang emosyon?


Nakipag-chat na lang ako kay David hanggang sa mag-dinner na kami. Aaminin ko.




kahit ka-chat ko si David....






Siya pa rin nasa isip ko.


***

A/N

Medyo lame. Sana magustuhan niyo. :)

Don't forget to vote and comment. :D

Happy Mother's Day ulit sa lahat ng mga nanay dyan!!! :)

Her DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon