Her Entry # 7

25 4 7
                                    

January 25, 20xx


Dahil sa nagpaulan ako kahapon, absent ako ngayon. 'Yung assignment ko sa Math dapat ngayon ko ipapasa kaso nga absent ako. Pero nagtataka ako, nawawala 'yung notebook ko sa Math. Nakapatong kasi 'yun sa desk ko. Pagkagising ko na lang nung umaga, wala na sa table ko. Tinanong ko kay Mama kung nasaan. Sabi niya kinuha daw ni Marcus. Hindi naman sa pilingera ako pero... baka pinasa niya para sa akin? O baka naman trip lang niya. Para daw may utang na loob ako sa kanya. Umalis si Mama pagkatapos mananghalian. Naiwan akong mag-isa dito sa bahay. Siyempre, maraming habilin. "Kain-tulog" lang ang ginawa ko buong araw.

Ang hirap pala kapag absent ka. Ang dami mong iisipin. Paano ba naman, tatlong subjects ang may quiz ngayon at ang malala major subjects 'yun. Math, English at Science. Grabe. Magmula umaga hanggang ngayong hapon, walang pinagbago sa temperatura. 38.1 degrees celsius pa rin. Ayaw bumaba. 'Di ko alam kung bakit. Pagpatak ng 3 ng hapon, pumunta si Marcus sa bahay.. Hindi ko siya magawang sungitan kasi masama pakiramdam ko. Nagulat nga ako sa ginawang pambungad sa akin. Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ay hinawakan niya agad ang noo ko. Pinapasok ko na siya agad sa loob. Halatang kagagaling niya lang sa school. Hingal na hingal pa siya. Akala mo sumali sa marathon. Pawisan pa siya.

Ayaw ko man ulit maging feeler pero... feeling ko kasi tumakbo siya magmulang school hanggang bahay namin. Bitbit niya kasi ang bag niya. Hindi ko alam kung anong sumaping masamang espirito sa kapitbahay kong ito pero ang bait niya ngayon. Ayaw niya mang aminin pero sa ginawa niya kanina, mukhang inalagaan niya ako.

Ayokong aminin 'to sa sarili ko pero natutuwa ako. Gusto kong tumalon sa saya. Weird pero 'yun ang nararamdaman ko. Ang dami-dami niyang tinanong sa akin. Akala ko nga nasa hotseat ako eh. Siya 'yung nagluto't nagpainom sa akin ng gamot. Marami rin siyang binilin. Kung umasta siya akala mo tatay ko. Pero basta, ang saya ko ngayon. Salamat, Marcus.

***

A/N

Naka-UD rin! Super short nga lang. May sakit 'yung sumulat eh. ^_^

Note: Sinulat niya 'yung entry na 'to pagtapos niyang maghapunan. 'Yung susunod na mangyayari dyan ay malalaman niyo sa susunod na entry. May continuation pa ito.

Mapatawad na kaya ni Carissa si Marcus? Gumaling kaya ang sakit ni Carissa? (Akala mo malala eh.)

Abangan sa susunod na entry.

Don't forget to vote and comment. Thank you!!! ^_^


Her DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon