KABANATA 1

5.2K 68 9
                                    


"Mahal kita Leah Martinez, ikaw lamang ang tanging babaeng pinapangarap ko." anang lalaki.


Hinawi ng binata ang buhok na tumatabing sa mukha, kalauna'y dahan-dahang hinaplos ang aking napakakinis na pisngi. I know right? Papalapit nang papalapit ang kanyang labi ngunit ang tanging hinihintay na lamang ay kung kailan ito lalapat, sapagkat kanina pa takam na takam sa kanyang hot at mala-yumming' kabuuan. Ang mestisong katawan ng estranghero ay dumadaiti sa'king balat na alagang-alaga sa langis ng butihing tiyahin.

"Please, touch me with gentle 'coz I am fragile" ang tanging anas sa lalaki.

Patuloy ang binata sa kanyang marahang gawi, na sadyang nagbibigay kiliti sa'king malanding sistema at kinikilig na kalamnan, kung saan halos umabot maging sa bunbunan. Hindi ko na kaya ang saya na dulot ng makapal na---

Balahibo?

Kinapa ang kabuuan ng binata, tila nakahawak ng mahabang-mahaba kaya't mas kinilig sa isiping baka may mangyaring hindi inaasahan.

"Meow, meow."

Napabalikwas sa katotohanang panaginip lamang ang lahat.

Anak ng teteng akala ko mahabang ano', mahabang buntot lamang pala ni Ranggo hay Leah!

"Meow, Meow."

"Hay, ba't nandito ka ba? Nagising tuloy ako ng wala sa oras." litanya sa pusa.

Akmang bubugawin ang alaga ng tiyahin nang marinig ang tawag ng matanda mula sa baba.

"Leah gising na't mag-aalas diyes na, marami pa tayong ilalako sa bayan dahil kaninang umaga lamang dineliver ni Tinoy itong mga kalabasa."

Hindi sumagot saka muling humilata sa kama ngunit hindi roon natapos ang tiyahin dahil umakyat mismo ang matanda sa itaas, kung saan naabutan niya akong nakahiga pa'rin.

"Anong nangyayari sa'yong bata ka aber? Narinig mo ba ang mga pinagsasabi ko? Kanina pa kita hinahayaan diyan sa kakahagikgik at kakasigaw mo sa higaan. I hear you too louder iha." anito.

Pinilit bumangon saka ibinaba ang pusa sa lapag ng kama.

"Wala po tiyang susunod po ako pagkatapos maligo."

"Osige bumaba kana ha, I cooked the hatdog and bekon."

Hindi ko malaman kung saan pinagkukuha ni Tiyang Berta yang' mga vocabulary at grammar niyang hanep sa pagiging trying hard. Ganunpaman, mahal na mahal ang matanda sapagkat siya na lamang ang tanging natitirang kaanak magmula ng namayapa ang ama't ina. Hindi na ito nag-asawa dahil sa kanyang sawing pag-ibig sa amerikanong nagngangalang Joe. It's actually a top secret but since SKL (share ko lang) Era hindi na masama. If somebody will ask me about my greatest dream well, I've seen a lot of slum areas in Masbate City, and it's very poor and it's sad. Ay siya tama na nga!

Basta ang totoo sa lahat ng pananaw sa buhay ay makapagtapos ng pag-aaral, dahil sa kasamaang palad ay kabilang sa mga kabataang walang panama sa kahirapan, kaya't kinakailangang huminto upang magtrabaho at makatulong kay Tiyang, ngunit hindi naman duon lamang natatapos ang pangarap ko. I want to become wealthy and successful woman in my chosen field someday.

Anyways high-way, I need to take a bath now---as in now!

PAMILIHANG BAYAN

Patungo ako sa pwesto ng tiyahin habang dala-dala ang mga kalabasang iniutos ng matanda, ngunit dahil sa masikip at maraming tao'y hindi maiwasang mabunggo ng kung sino.

"Ay pocherong dalag!"

Napakawalang modo ni hindi marunong tumingin sa dinaraanan. Tsk, muntik maging pumpkin 'tong kaitsurahan ko!

HOMIGEN SERIES I: "Stake To One"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon