KABANATA 4

2.1K 40 6
                                    

KASALUKUYANG nagbubunot ng damo matapos magdilig ngunit wala roon ang utak kundi sa mga nangyari kagabi. Hindi alam kung saan magsisimula sapagkat paulit-ulit nag-rereplay sa balintataw ang tagpong may kinalaman sa isang estranghero.

I'm still shocked of what happened last night.

Saang lupalop sumulpot ang aroganteng lalaking 'yon?

Sa ilang buwang paninilbihan dito ni minsan hindi pa nasilayan ang binata kahit sabihing napakalaki ng mansyon upang hindi magkasalubong ang pare-parehong tao.

Mahirap mang aminin ngunit tinablan sa presensya ng misteryosong binata. Sa dinami-daming pwedeng makita'y isang half-naked na binatang nangangarap yatang maging ramp model.

I admit that he's a substantial adjective of total hunkie because of his six-pack abs and possessing the most tantalizing eyes in the universe though, I won't even recognize where would I correlate his deep brown eyes ganern!

Para akong ice-cream na muntik matunaw ng magtama ang aming mga mata. No Leah, thwart all your sinful wanders! Narito ka upang magtrabaho para maisalba ang lupang kailangan mong bayaran, makaipon, at higit sa lahat maipagpatuloy ang pagkokolehiyo.

Erase! Erase! Erase!

Pilit nililibang ang sarili upang 'wag mapunta sa tagpong iyon ngunit imbis mag-pokus sa mga gawain ay maya't-mayang inuukopa ang utak ng asungot na bagamundong lalaki.

"Leah! Leah! Tama na okay? Kung sinumang espiritu ng kabastusan ang binatang yon' sinisigurong may araw din siya sa'yo." anas sa sarili habang pinagdidiskitahang bunutin ang mga ligaw na damo sa malawak na hardin ngunit kahit anong pigil ay hindi maiwasang balikan ang nangyaring tagpo kagabi.

---
Napakadilim na silid ang bumungad sa'kin sa loob ng maid's quarter na kasalukuyang tinutuluyan kasama ang kaibigang si Lena. Hindi kasi nakakatulog ang kababata hangga't may ilaw kaya pinapapatay ng dalaga sa tuwing disoras ng gabi.

Gusto sanang magpasama sa kanya papuntang kusina sapagkat nakaligtaang maglagay ng pitsel at baso sa gilid ng higaan. Nasanay akong may tubig sa tabi dahil madalas inuuhaw sa madaling araw.

Kapagkadaka'y bahagyang sinilip si Lena, ngunit mukha yatang naglalakbay na ang diwa ng bruha sa kung saang dreamland kaya sa kasamaang palad ay nagpasyang tumungo na lamang mag-isa.

Minsan nakakainggit ang mga taong mapasandal tulog, buti sila ni walang effort samantalang ako umiikot na't lahat wala paring talab dahilan nang palagiang pagkauhaw. Ilang araw narin mula nang mabuo ang eye bag squad AF sa gilid ng mga mata dahil sa hindi maayos na tulog.

Sleep Apnea Disorder or also known as Insomnia: Iyan lamang naman ang sakit ng mga pinagpala sa kagandahan.

'Sus tinatanong pa ba 'yan'? Maiba ako, wala naman sigurong magagalit kung iinom ng tubig?

Dahan-dahang lumabas ng silid upang hindi makadistorbo sa pamamahinga ng kababata, nagtungo papunta sa hindi ko alam kung saang bahagi ng mansyon.

Aamining minsan nalilito pa'rin kung saan maaring tumungo buti na lamang idol ko ang grupo ng mga Ninja Turtles lalo na si Michael Angelo, kundi kanina pa  nakagambala ng mga kasamahan sa loob ng silid. Medyo ramdam ang malamig na sahig na gawa sa marmol sa kadahilanang walang tsinelas na suot. Mabuti na'rin 'yon nang hindi tuluyang makaistorbo dahil mas tahimik maglakad ng nakapaa.

Sa sobrang katahimika'y dinapuan ng kalokohan kaya naisipang magpaka-humming bird upang di masyadong matakot sa nakikitang dilim sa kabuuang bahay.

"Lalalalalalalalalalalala."sinimulan munang hindi bigyan ng liriko 'saka bibirit 'pag malapit na sa kusina.

Patuloy akong naglakad at luminga-linga 'saka namasdan ang kumedor, kaya isa lamang ang ibig sabihin niyan kung may kumedor may kusina!

HOMIGEN SERIES I: "Stake To One"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon